Friday, June 21, 2013

Dear Georgetown


Tama ka... 

Matigas ang ulo ko. Hindi ako naniwala sa sinabi mo nuon. Pinilit kong patunayan na tama ako. Na makikita ko kaagad ang prince charming na inaasam ko.

Pero mali ako...

Pinaniwala ko ang sarili ko sa isang kabalintunahan. Masyado akong nagmadali para hanapin siya at nakalimutan ko ang sarili ko. Ako na hinintay ang matagal na panahon; ako na isinantabi lahat ng tukso para sa taong magmamahal sa akin. 

Hinayaan kong masaktan nila ako. Kahit walang pisikal na nangyari, hinayaan ko sila saktan ang puso ko.

Tama ang sinabi mo...

Ang kapal ng mukha kong mainlove. Oo dahil mali na mainlove ako kaagad sa kahit sino. Mali na mag-assume ako dahil lang mabait ang isang tao.

Tama ang sinabi mong di ako karapatdapat mahalin; dahil hindi ito sapat; dapat akong pinapahalagahan at inuunawa. Di lamang pagmamahal ang kailangan ko kundi pag intindi at pagligtas sa akin sa panahong naninimdim ako.

Tama ang sinabi mo na hindi nababagay ang tulad ko sa isang guwapong katulad mo. Sapagkat hindi lamang kagandahan ng hitsura ang kailangan ko. 'Di panlabas na anyo ang ninanais ko kundi isang busilak na kalooban, matalinong magdesisyon at lalaking may paninindigan. Isang taong HIGIT pa sa kung anong maibibigay ng panlabas na anyo.

Naitawag mo akong kabayo dahil sa ponytail ko. Hindi mo naisip na itinatali ko lamang ang totoong ako na minsan kong ikinimkim nuong nahulog ako sa'yo.

Isa ka sa malapit na kaibigan ko nung highschool. Panahon kung saan ako bumubuo ng mga pangarap para sa kinabukasan ko. At dahil sa sulat mo, pinilit ko ang isang bagay na dapat di ko na kailangan na pinatunayan na mali.


Dear Kabs, (Eden Madrigal)

Ang kapal naman ng mukha mong magustuhan ako. Di tayo bagay. Di nababagay ang tulad mo sa isang guwapong katulad ko. Kahit na anong gawin mo, di ka mamahalin ng kahit sinong lalake. Wag kang mag alala dedicate ko nalang sayo ung kantang "Silvertoes"

Georgetown



Naitapon man ng nanay ko ang sulat na iyon, di mawawaglit sa isipan ko ang mga nabanggit mo. napatawad na kita, subalit mahirap kalimutan ang nagawa na.

Di ako umaasa makita ang taong magmamahal sa akin. Dahil ayoko na siyang hanapin. 

Siya ang dapat maghanap sa akin; at sa aming pagkikita, inaasahan ko na dala niya ang kapares ng nawawala kong mababasaging sapatos.


Eden





Princess_BeLLe 

Tuesday, June 11, 2013

Sardinas express


Saan: Libis (sa loob ng dyip)
Kailan: Buwan ng Hunyo

Pasukan na nga. Kaya ako pumili ng maagang pasok saa trabaho para iwasan ka. Pero sadyang mailap ka, kahit saan sinusundan mo ako. Sa kahit anong pagkakataon, lagi tayo nagkakatagpo. Marahil ikatutuwa ko nalang ang Linggo sapagkat wala ka... Kahit isang araw lang masaya na ako... Wag lang mag krus ang landas natin... Traffic

*** 
Di ko maiwasan na matawa sa ilang tao na affected masyado. Nagpapasalamat narin ako dahil alam ko ang isang bagay... May halaga ako sa kanila kaya apektado sila sa mga post ko... 

Di sa lahat ng pagkakataon ikaw ang tinutukoy ng isang tao. Hindi porket may salitang IKAW ay iisipin mo na ikaw na paksa ng usapan. Walang masama magisip... Pero kapag wala ang pangalan mo, bawal mag-assume 

:) 

Princess_belle