Showing posts with label The Indispensable Bruha. Show all posts
Showing posts with label The Indispensable Bruha. Show all posts

Sunday, January 8, 2017

The Indispensable Bruha: sa dulo ng kwento

when you are living on your own fairy tale... ikaw ung gagawa ng sariling kilig... ikaw ung gagawa ng climax sa story. of course ayaw mo nun ng ending. kasi pag dating ng epilogue alam mong lahat ng yun gawa gawa lang. na ginawa mo lang sarili mong katawatawa aka. tanga. pero at least naging masaya ka. yun nga lang sa mundo mo lang. Hirap no. Minsan napapaisip ka nalang at nasasabi mo sa sarili mo na di ka nga yata talagang deserving na mahalin. Kung deserving ka man, di naman nakikita ng taong gusto mo un. Sa huli, anino ka parin nyang ituring. Na iikot ang mundo nya nandyan or wala ka man sa tabi nya. Na walang magbabago mangyari na wala ka man sa buhay nya. Dahil hindi ka nagexist. Sad noh. pero wala eh. Wala ka sa existence nya. Kaya tahimik ka nalang.




Saturday, April 28, 2012

The Indispensable Bruha: Mystery files

Sambokojin: April 29, 2012


Subject: ME


ako naman ang naging topic ng pagkain ngayong gabi.. matapos kong magwork out para makisabak sa kainang walang patumangga, ay naisama parin ako sa hain..


Dreamy ko kasi eh... well kasalanan ko rin kasi nakakita ako ng cute (nanaman)


past time ko rin kasi ang mang-radar ng gwapo... bwahahaha... meron kasi akong nakitang guy na kamukha ni Xian Lim  tapos di ko na mapigilan ang magpacute... well wala naman masama dun... single ako, at I still got my composure. Di lang ata rin kasi ako sanay na lumandi... bwahahahaha


pero maiba tayo,... ako nanaman ang naging topic at natatawa ako sa reaction nila...mali parin talaga ang hula... tulad ng sinabi ko, magsasabi lang ako ng tama, kung tama rin ang ibibigay nila na impormasyon... tandaan: may kasabihan "LOOKS CAN BE INTENTLY DECEIVING"  kung di mo alam ito, basahin mo ang profile ko...


People! bakit ako magkakagusto sa sarili kong shadow... or my other self? The reason why hindi ako nagrereact kasi natatakot ako sa kanya... Imagine, bihira lang siya ngumiti... akala mo laging galit. tipid magsalita. He is like my other self na matagal ko nang pinatay... yung dating sarili ko na tanging iilan lang ang nakakakilala.. takot kasi ako sa taong seryoso... I tried to be jolly as much as possible kasi ayokong maging stress sa iba... 


In some point tumama sila sa isang tao na like ko before... Nagugustuhan ko pa rin kung paano niya ako lambingin at biruin... parang siya lang yung mga character na sinusulat ko. Pero things change talaga...


This mystery will always stay as it is... at magiging poop nalang ito na ifa-flush natin sa toilet pagkatapos... Sobrang saya ko tuloy sa kainan kasi nasabi ko sa sarili ko na magaling ako umarte :) 

Tuesday, April 24, 2012

the Indispensable Bruha: mystery solved?



mystery solved na ba talaga?

Nasa day 3 palang ako ng ng isang mind boggling event, mystery solved na agad?  Tama ba talaga? NO COMMENT ako tungkol dito.  Mananatili ako sa sinabi ko na mananahan lang siya sa puso ko at walang makakaalam.   May matinding rason din kasi ako kung bakit ayoko sabihin ang totoo.... kung bakit hanggang sa ngayon ay isa lang siyang "mystery guy"

Para sa iba, nagiinarte lang ako... sa iba naman gusto ko lang magpapansin... pero para sa akin,  kaya ko tinatago siya ay dahil alam kong hindi ako ang taong gusto niya... ayoko nang masaktan... pagod na ako eh... nasanay na ako masyado...

Masaya na ako kapag nakikita ko siya.  Lalo na kung nakikita ko siya na nakangiti. Sapat na sa akin iyon. Hopeless Romantic? oo... at higit sa lahat takot na ako mainlove... takot na masaktan... Tama na ang masabihan dati nang hindi karapatdapat mahalin... sapat na ang masabihan, mas masakit ang makita mo at mapatunayan mo na totoo ang sinabi sa iyo dati.

Sabi nga ng mga batch mates ko, nakaraan na iyon... move on... Oo.. move on... madaling sabihin... nakamove on na ako... pero hindi ko ito makakalimutan hanggang sa panahon na hindi pa rin naibabalik ang kapares ng stilleto ko... 

tanging matalino lang ang makakapagpatunay at makakapaghimay -himay ng detalye kung sino ang taong tinutukoy ko... hindi ako sasagot kung galing ito sa tsismis... mananatiling "secret" at "no comment" ang mga sagot ko... at magpapatuloy iyon, hanggang sa matapos ang 6 na buwan... o mga ilang buwan... 

kung tingin ninyo na mystery solved... ok...no comment... 


:P






Princess_Belle  

Monday, April 23, 2012

The Indispensable Bruha: Mystery Guy

sa wakas... bagong keyboard... ibig sabihin, bagong blog...


natapos na ang malulungkot na araw ko na maliit lang na external keyboard ang gamit ko... tinatamad kasi ako magpagawa ng keyboard ng laptop ko at parang hinihintay ko nalang din na siya ang unang mag-give up sa akin.. pero ayoko pa naman na iwanan ako ng mahal kong computer lalo na ngayon...


maiba tayo... ilang araw nang busy ang mga tao para malamang kung sino nga ba siya... si mystery guy ng buhay ko... natatawa nalang ako tuwing pumapasok ako dahil nagiging tampulan ako ng biro.  hindi ko naman matatanggal sa mga tao ang maging mapanuri at higit sa lahat maging tsismosa. pero ano nga mapapala ko kung malaman niya?


WALA... 


Tama wala. Wala talaga at uulitin ko pa ito sa ikatlong pagkakataon na wala akong mapapala kung malalaman niya na siya iyon.  At sino nga naman ba ako para magustuhan ang isang katulad niya diba??? nahiya naman ako dun :) Sa katotohanan, wala (pangapat na ito ah)akong mapapala dahil hindi naman importante ito. Kung tataas ang sweldo ng mga mamamayan at bababa ang presyo ng bilihin kung sabihin ko ito, Aba lulunukin ko na ang pride ko at sasabihin ko sa madla na ang crush ko ay si **********  bwhahahahaha




pero hindi naman kaya kalmado lang dapat ang lahat.  6 na buwan ang dadaan (well parang lima nalang) at marami pang pagkakataon.  Hindi naman ako pinanganak para maging ego booster ng isang lalake. Nandito ako sa mundo para magmahal at iparamdam sa mga tao na karapatan nila ang mahalin. 


Abangan naang nila ang mga susunod na kabanata... wala narin akong maisip na divert yung attention ko ni Pete Wentz hehehe uber crush ko kasi siya :D haahaha

Monday, January 30, 2012

The Indispensable Bruha: Grocery fiasco 101

From boring to busy... that's what happen whenever I do the grocery. I never got a list to buy but rest assured that there is always something new in my grocery bag.


You can say na magastos ako.  Well, I worked hard for it naman so no arguments for that please :)  It just that there is one specific place in a supermarket na di pwede na hindi ko madaanan; and that is International Section. 


I know its a lil bit of a controversy dahil mukhang hindi ako sumusuporta ng sariling atin. Hindi naman sa ganon guys.  I'm really curious of new products and learn new things na hindi mo lagi makikita within your area. I only experience this kind of insanity to SOME malls lang naman. Not all malls (supermarkets) got a good package of international variety.  


Kung tatanungin mo ako kung may listahan ako ng paboritong mall pagdating sa mga rare and not usual na pagkain, YES i do have it :D  well not of them are considered rare, di lang talaga tinitinda yun sa ibang grocery because of the price.  


and here is my short list :P


1. Rustan's Supermarket, located at Powerplant Mall  -- san ka ba makakakita ng isang buong parmesan cheese (pwede mong amuyin at hawakan) and pre - prep na ravioli. I cant help myself nung nakita ko yun.  Of course, im with my sister when we visited that place and all we can say is wow! and imagine they are selling blackberries and cherries ALL FRESH!!! 


2. Gaisano Supermarket, located at Market Market -- salsa, sauces and creams marami sila nun.  


3. Shopwise  - they always got good things in store that is affordable. Practicality wise, this is first in my list :D




and to introduce the new in my bag:






 Lay's munch and mash... well di ko naman nakuha sa international section but its new so i pick it for my sister :D 








Casino's Minestrone... this is made from France. Yah my sister can cook minestrone but since konti lang kami sa bahay, we'll have the instant nalang hehehe 






ano sabe??!?! 




dont worry hinanap naman namin ni ate ang translation sa net. thanks to babylon, di pala kailangan pakuluan... slow cooking lang ang drama nito.... 




meron din po pala akong biniling panlinis bahay Cif po yung pangalan pero ung ibang description di ko na maintindihan kasi Chinese... wala namang nakalagay na bungo na may x  ☠ kea ok lang... sinubukan ko narin kea walang picture... di naman po natunaw ung kamay ko (whew!) kasi nakapagblog pa ako... 






it was really a great day kanina.  Kahit traffic, i still enjoyed every moment kasi nakalibot ako at natuto ako ng French :D hehehe. 




looking forward for another grocery fiasco... 






Princess_belle 



Wednesday, January 4, 2012

Diary of a Goodbye Girl: Queuing

Queuing...


Hindi na bago ang salitang ito sa akin.... Ito na marahil ang nakakasalamuha ko sa araw - araw. Ang kaaway ko, at bumubuhay sa akin.  Pero ano nga ba ang salitang Queue??? 


eto ba ang kasama ng saging sa banana que? or sosyal na tawag sa pantusok sa barbeque?


kung meron sa inyo ang hindi nakakaalam kung ano ito, ating tanungin si Merriam Webster 


** thanks sa link http://www.merriam-webster.com/dictionary/queue



Definition of QUEUE

1
: a braid of hair usually worn hanging at the back of the head
2
: a waiting line especially of persons or vehicles
3
a : a sequence of messages or jobs held in temporary storage awaiting transmission or processingb : a data structure that consists of a list of records such that records are added at one end and removed from the other



nakakabit sa salitang ito ang "waiting" o kaya naman ay paghihintay.  Sino nga ba ang mahilig sa queue?  Ang tao, napakabilis mainip.  Ayaw natin maghintay sa tamang sakayan kasi pwede ka naman ma-pick up ng jeep kahit nasa island ka ng kalsada nakatayo.  Ayaw mo rin maghintay sa linya kaya minsan nakikipila ka nalang sa Senior Citizen's lane at mangaaway ng cashier. Ayaw mo rin na naghihintay sa kasamang halos 30 mins ng late dahil sa traffic at lalong lalo na, ayaw ng lahat ang uminit ang upuan sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang traffic.



Lagi nating nararanasan ang salitang ito.  Minsan dahil sa mabagal na proseso, kaya nagkakaroon ng queue. Mayroon din naman pagkakataon na sabay sabay lang talaga ang mga tao kaya nasasama ka sa isang matinding problema.

Hindi naman masama ito. May pagkakataon na ito ay isang mabuting bagay para tayo makapagisip. kung lahat ng bagay ay mabilis, minsan nakakaligtaan natin ang mga bagay na importante sa atin.  Ganito narin ata pagdating sa Love...

Nasanay na akong queuing ang love sa buhay ko.  Sa tagal ko nang pagiging single, pakiramdam ko ay laging walang oras si kupido para panain ang lalakeng gusto ko.  Di na rin ako umasa kasi nga masama ang maging assuming at masama rin ang umaasa sa wala. Well, pasalamat narin ako kahit papaano dahil kahit hindi ako maasikaso ni Kupido, nagkaroon ako ng pagkakataon na maging mapanuri at makapaghanda.  


Tinuruan din ako nito na maging mapagpasenya at matutong maghintay.  Kahit sa bilis ng panahon ngayon, kailangan din natin na maghintay ng tamang tiyempo tulad nga sa sayaw.  

Naisip ko na isa lang ako sa maraming nakapila para matugunan ang hiling na magkaroon na love life at sa queuing ito, minsan dun din tayo nakakatagpo ng kasabayan natin sa paghihintay.

Di naman pala masama ang queue. Di masama ang maghintay.  Dahil minsan ang paghihintay ang siyang magbibigay sa atin ng pagkakataon para mahanap ang gusto natin makita. 


:)


Princess_Belle 



Sunday, December 25, 2011

The Indispensable Bruha: New Year, Year of the New...





few days to go, we will say goodbye to 2011 and say hi to the new year, 2012.  As usual, most of us will have their pen and paper ready to write down their new year's resolution...

Sa opinyon ko lang naman, parang ang resolution na ito ay para sa bagong taon at hindi sa taong gusto magbago.  Aminin natin sa hindi, maraming pangako na ang nasira ng resolusyong ito at minsan nga ay parang project nalang to sa loob ng school.  Naalala ko kasi noong elementary, pinapasulat kami kung ano daw ang new year's resolution namin.  Nuong una nahihirapan ako magsulat kasi nga -- bakit kelangan ko ng resolution kung wala naman akong dapat baguhin sa buhay ko...(namimilosopo lang ako nung panahon na yun) tinawag nalang nila sana plans for next year... kasi ba naman pinost ng teacher ko na example.  "Di na po ako magkakalat", "Di na mangongopya sa katabi, sa kaharap nalang" at kung ano - ano pa na hindi mo na gagawin ulit...

Mahirap kasi hindi gawin ang isang bagay na nakasanay na... May ilan akong kakilala na nagsabi sa akin na hindi na daw siya mambababae pero kalahati pa lang ng taon ay malalaman ko na hiwalay na sila ng kanyang nobya dahil sa kabit.. Oo nga naman, hindi na siya mambababae kasi nga naman ang girlfriend nya is yung kabit niya... (pwede...haha)  Pero sa katotohanan ang mga bagay na bawal ay sadyang mahirap iwasan.  Mas maganda pa sana kung may plano ka nadapat gawin para maiwasan ang mga masasamang bisyo at nakasanayan para hindi mawala ang mga taong malapit sa atin.


Kung ako tatanungin ninyo, may ilang plans for the new year ako dito


1. Matulog ng maaga para chill lagi kapag nagta-take ng calls (lagi kasing mainit ang ulo)
2. Ugaliin na magbaon para hindi maubos ang kakarampot na sweldo
3. Kapag nagtitipid at Critical Wallet Day tpos may nag - aya na kumain sa labas >>> tumingin kay crush >>> at sabihin sa nagaaya,  "Busog pa ako, eh" (si crush pa lang, ulam na)
4.  Kung si crush naman ang nag-aya na mag-lunch, HUWAG MAG HESITATE!! sabihin agad Oo!
5. Huwag papagurin ang sarili, dahil hindi na uso ang bayani
6. Dapat laging positive thinking... kung nakita mong may ham na inuuuwi ang mga nasa kabilang kumpanya at ikaw wala... sabihin mo agad "at least wala akong bitbitin"
7. Magtipid ng sweldo pagdating ng December -- para sa ham
8. Magpasalamat sa taong magsasabi na mataba ka at idagdag "buti nalang kahit wala akong pang-noche buena ay nagkalaman ako... (parehas lang ng nasa # 6) 
9. kaya nga tinawag na "bonus" ang mga noche buena pack na pinamimigay ng kumpanya ay dahil dagdag lang ito... pasalamat ka kung meron pero kung wala ay hindi naman daw mandatory yun. (kaya wag ka nang umasa)
10.  Laging humarap sa salamin at tignan ang mga wrinkles.  Kasi sa 10 resolusyon na ito, isa lang ang pinananggalingan ng problema... 


Madami tayong gustong baguhin sa buhay natin. pero tulad ng sinabi sa akin ng supervisor ko, "Its already a thing in the past"   Hindi na natin maibabalik ang panahon at oras na sinayang natin kaya mas maganda kung sa simula pa lang ay maayos na ang ating nagiging gawi at desisyon


Bagong taon, bagong pag-asa ika nga nila.  Meron mang bagong problema, isipin nalang natin na hamon lang sa atin ito para maging matatag tayo at tumalino sa mga desisyon na gagawin para sa kinabukasan.  


Isang gabay ang new year's resolution.  Ikaw ang nagtakda nito at kung hindi ito masunod,  alam mo na kung sino ang may kasalanan....






Princess_belle

Wednesday, December 21, 2011

The indispensable bruha: Update Required

Sobrang lakas ng ulan kanina.  Nakita kong tumaas ang tubig sa harap ng bahay namin kaya naisipan kong "magsundot" ng kanal para bumilis ung daloy ng tubig.  Di ba parang kadiri lang.  Naghugas naman ako pagkatapos.  

Tinamad narin ako mag-bake ng cupcakes.  Alam kong ito ang pinakamagandang panahon dahil hindi ko mararamdaman ang init ng oven pero sadyang nakakabagot ang magluto.  Bahala nalang si mama sa iba.  Subalit kumati narin yung ulo ko sa kung ano ang pwedeng gawin...  Wala nang matinong palabas sa tv, nagdi-diet ako kea di ko rin feel ang kumain at tulog ang kapatid ko kaya wala din akong ka tsismisan.  Bigla kong nakita ang telepono ko.  Naisip ko na gusto ko ng hello kitty sa phone (walang aangal...) kea naisipan ko na magdownload nalang ng themes galing sa kompyuter. pagkasaksak ko ng USB sa pc biglang lumabas sa screen... "Update Required".  Well kahit pwede mo naman ipagpaliban ang update eh nagpatuloy ako.  Naisip ko rin kasi na kailangan na ng telepono ko ng isang update para naman di nahuhuli sa mga applications. 

Hinuha ko... buti pa ang phone ko updated na... ako kaya? 

well after 30 mins natapos ang update ng phone ko... eto na yung application na meron sya...


di naman siya exactly na ganyan kasi di naman iphone yung phone ko... masaya narin ako kasai nakuha ng phone ko ang gusto ko na mangyari sa kanya.  Pero di talaga malingat sa utak ko ang word na UPDATE... kasi naman habang tumatagal, nag-iimprove at nagiiba ang paligid natin...

Lovelife ko kaya? kelan kaya magiging updated?

Papalapit na naman kasi ako... for 26 years of my existence, napabilang na ako sa tinatawag nilang SMP (samahang malalamig ang pasko).  Its not really a big deal for me kasi nag-eenjoy naman ako bilang single.  Night out with friends, shopping, eat out at kung ano ano pa... pero hindi kasi nawawala ang usapang lovelife sa tuwing nagkikita kayo ng mga kaibigan mo.  Hindi rin nawawala ang gasgas na tanong na "bakit wala pa??"  sagot ko nalang:: di ko nga masagot ang sarili ko sa tanong na yan, kayo pa kaya?

Hindi lang naman ang lovelife ang kailangan na updated.  Career, family at lalong lalo na ang spiritual life... yun ang kailangan updated tayo... ang daming bagay sa mundo ang kailangan na updated.  Minsan nakakapagod pero kailangan.  Tulad nga sa kanta... Tumatakbo ang oras na iiwan na ako ng panahon... 

haaay buhay nga naman... ang oras ay hindi tumitigil... so tayo din... dapat hindi tumigil :D 




Princess_belle 

Monday, December 19, 2011

the indispensable bruha: ribbons of hope and wrappers of love

5 days before Christmas eve... everyone is busy, shopping... grocery.... bonus... 13th month pay... 

I turned on the tv and it was TV Patrol airing at that time.  All I can see on the screen was mud... flooded areas... tumbling cars and dead people.  I was thinking, why now? why at this time?  why when its only 5 days to go.  I felt a lil confused to why... why at this time... I know I'm not in the position to ask God why near Christmas where the celebration needs to be happy.  All I thought  is this time, its time of sharing.  Time to give whatever that is excess or even we dont really need.  

I know Lord has a purpose why this happen... ask me? I don't really know.  I remember a friend told me this.  "we live here in the earth as a testing ground, sometimes people do pass early and they graduated and some are left behind to be angels of those who are lost."  So  I believe God really has a reason.  He wants us to know that we are not alone, that there are people who needs our help.. He also wants us to take care all of the things he provided us.  the rivers, seas, trees and a lot more.  

This incident has a great bearing to me since the last super typhoon "Ondoy." I was there, stranded in the middle of Manila and Quezon City looking for a place to stay for the night since I cant go home. I saw people sleeping outside the mall just to be safe, hoping that the rain will stop and the flood will subside.  I was there when I have no choice but to stay on a motel with a gay friend who has been my angel since then.  I felt all alone at that moment, but God gave me reasons to move on and be strong.  

going back, I saw this picture on FB.  Hope all of us can help our fellowmen most especially during this time. 




they need our help.  Make them feel that there is still Christmas.. 


Princess_Belle

Friday, December 16, 2011

The Indispensable Bruha: a techee Christmas

"Forever's not enough for me to love you'


that song haunted me until I get home.  Hindi ko rin alam kung bakit eto ang kanatang tumutunog sa utak ko... 


December 16, 2011: Tech Support Christmas party
Dampa Libis, Quezon City







In exchange of UST's  annual Paskuhan celebration, I attended tech support's Christmas party. Me, Hazel and Lorraine decided to have our hair done :D and after a whole day journey from Eastwood - Shopwise Libis - Pasig and going to Dampa, all of our efforts and stress were paid.


This event for me is a blast.  Considering I laughed until my energy is out.  We stayed there for more than 4 hours, starting from 7 pm until almost midnight.  


(lets change from EOP to tagalog)

Sa simula nandun na ang inaasahan... wala pang pagkain...kaya maging busy sa pagchikahan at makipag-picturan... wala nga naman kasi magawa kaya sa imbes na malipasan ng gutom, ok na ang maging busy sa picture.


Karen, Lorraine, Jen and Ann... chill out while waiting


matapos naming maghintay, nagsimula na rin ang party. As usual, raffle, games, singing contest at kung ano ano ang gimmick nila.  Aside sa mga yun, naaliw ako ng sobra sa alledge love team ng tech support

I really appreciate how "game" they are


And after ng napakaraming barahan at laglagan, syempre dumating na rin ang food. Buttered shrimps, maalat na sinigang, liempo, at adobong manok ang nakahain.  Hindi naman ako kumain ng marami dahil nakaregulated meal ako... (oh noooo!! )



I really enjoyed the party.  Its worth it na ipagpalit ko muna ito pansamantala sa Paskuhan.  Alam kong walang fireworks at hindi libre ang food, pero mas ok na ito dahil nakikita ko siya.

Well oo kaya nga ata di ako makaget-over sa kantang Forever's not enough ni Sarah G. kasi`bigla siyang (crush) pumasok sa utak ko. Katawa lang di ba.  Bakit kasi minsan kung wala ang tao, ang lakas ng loob natin pero kapag kaharap na, halos di makapagsalita... :(

Going back sa Christmas party, masaya naman ang experience ko. nakita ko kung gaano kakulit ang mga tao sa tech at kung gaano sila ka-bonded to the max.  Thanks sa talino ng TL ko, TL Rommel kasi nanalo kami ng free Breakfast sa McDo.  

my sooo smart TL 



Kahit I ended the day with a sore feet, tired eyes and cold heart. I keep a positive outlook that this is a start of  a good relationship.  Na-miss ko tuloy ung team ko before I left ICT... pero like what was said before.  "its already the thing in the past"  

here are the other pics 








before we went home, there is another song that made me really heart broken.... "Pangarap ko ang Ibigin ka..."  I know... I know... im getting that Emo mode again... but i cant really help it... 


So as I arrived home, here I'am, downloading the party pics... good thing I just got a very good friend 


yep! Silk chocolate flavor... my favorite.  and later, I'll be in dreamland with you... sooo in love with him :P




Princess_belle

Tuesday, November 8, 2011

The Indispensable Bruha

Nov 8, 2011.... kinda bored... or simply a stupid day... let's say I'm all stressed out because of the calls.  Another reason is that I wasnt able to think of a topic or anything that may spark my attention.


bakit nga bang indispensable bruha? nothing much really.  it just popped out of my mind.  marahil dala narin ito ng pagiisip ko sa sarili ko.  


Aminado ako kasi na vain ako paminsan minsan... well most of the time pala. Parte na ata ng pagiging babae ang ganun (sariling opinyon ko lang yun ah) subalit kung tutuusin mas maraming babae ang bumibili ng sabon na panligo na may iba ibang gamit sa katawan


Nakakatawang isipin pero totoo.






iilan lang to sa kinakabaliwan ko. may ilang pinagsisihan pero halos lahat nagustuhan ko. mabango kasi at masarap ang pakiramdam na mistulang balat ng baby ang kutis mo pagkatapos.  


At tulad ng sinabi ng isa kong kaibigan.  kelangan indispensable ka.. sa lahat ng hamon ng buhay, lovelife, career, family at kung ano pa yan dapat di natin kinakalimutan ang ating mga sarili.  na may karapatan tayo na magpa-pamper ng ating mga sarili 


^_^ 


Princess_Belle