Showing posts with label Nawawalang Sapatos ni Cinderella. Show all posts
Showing posts with label Nawawalang Sapatos ni Cinderella. Show all posts

Saturday, October 17, 2015

Kape






Hinahanap ko sa pagsapit ng umaga
Kahalili ko sa paggising ko araw araw
Parang ikaw. 
Na siyang nilalaman ng isip simula sa pagdilat ng aking mga mata

Nagbibigay ng init sa tuwing malamig ang panahon 
kapag madaling araw o kaya naman ay bumabagyo
O kahit sa loob lang ng opisina na ang aircon ay kulang nalang maging bato, 

ang puso ko...

mga ngiti mo ang siyang tumutunaw ng lamig, 
tawa mo ang nagbibigay ng init sa paligid.

at sa pagsapit ng gabi, bumubuhay sa aking kaluluwa na sa bawat panakaw na idlip ay di ko magawa 

dahil nandyan ka. 

at sa iyong pamamaalam dahil tapos na ang araw ay nakatingin ako sa baso ko.

May kape pang natitira, 

heto nalang ang gigising sa akin sapagkat tangan nito ang iyong mga alaala.

Bukas ulit. 



Princess_Belle
Mariabelle M. Balisacan 10/17/2015

Monday, August 10, 2015

Estrelya

Pilit mong iniiwasan
Mga ugong ng nakaraan
Mariing tinatakasan
Dagundong ng kidlat sa tuwing umuulan

Daluyong ng dagat 
Buhawi sa gabi
Gulo pagdating sa takipsilim
Puso mo'y biglang napapinid

Sa iyong pagtingala sa langit,
Munting bituin sumisilip
Handang bigyan ka ng pagasa 
Na bagyo ay lilipas din

Hinawi nya ang ulap, 
Kislap nya ang tanging maningning
Dala nya ay hamog 
na humahalik sa iyong pisngi

Iyong ipikit ang mga mata 
At gumawa ng hiling 
Iyong pakinggan ang mga alon na untiunting umaaawit. 

Hatid nya ay pagasa sa pagdating ng gabi, 
Tanglaw mo sa pagsapit ng dilim
Tanod mo sa iyong paghimbing

At sa pagsibol ng bukangliwayway,
Gigisingin ka nya ng maiinit na halik
Bubuhayin ang nahihimbing mong pagibig
Sa sinag ng kanyang pagtangi

Ang munting bituin mo ay siyang araw sa umaga
Kinukubli ang anino ng pighati
Upang buksan ang puso mo at muling magsinta

At kung ang makapal na ulap man
Ay biglang dumating
Nawa'y maging tala ka rin 
Na siyang liliwanag sa landasin ng iyong bituin. 

Mariabelle Martinez - Balisacan
Agosto 10, 2015

Sunday, September 1, 2013

Minamahal kong ikaw na nga

Mahal,

Ikaw. Oo ikaw, alam ko na sinisimulan mo nang basahin ang sulat ko. Kumusta ka na? Sana masaya ka ngayon. Di man tayo nagkakausap na madalas, lagi kong pinapanalangin na nasa mabuti kang kalagayan.


Ako, marami akong nais ibahagi sa iyong kwento. Napakaraming araw na akong naghihintay ng pagkakataon na makasulat sayo subalit sa sobrang dami ng gawain sa trabaho, ngayon lamang ako nagkaroon ng panahon. 

Nanuod pala ako ng sine; sa tapat nga lang ng kompyuter. Di ko na nagawang pumunta sa sinehan dahil ako lang mag-isa. Wag mo akong tawanan. Hindi ako takot sa dilim subalit iba pa rin ang pakiramdam ng may kasama ka sa isa't kalahating oras na nakaupo sa kadiliman. 

Namili din ako ng mga gamit sa kwarto. Bagong unan at kumot. Sa pansamantalang wala ka, ito ang mga magpapainit ng malalamig kong gabi. Malambot ang nabili ko kaya wag kang magalala, mahigpit ang yakap ko sa mga ito tuwing gabi. 

Bumuo ako ng pangarap na kasama ka, lilibutin natin ang iba't ibang lugar sa bansa; makikipagsapalaran tayo sa mga bundok at kuweba. Kung maaring sisirin ang lalim ng dagat, bakit hindi. Gusto ko maranasan ito, kasama ka. 

Ipagluluto kita ng paborito mong pagkain,  at gusto ko ikaw ang aking kritiko sa aking ihahain. Nais kong ikaw ang kasama ko kapag ako'y aawit. Alam kong maganda ang ating musika kapag tayo'y magkasama. 

Sa pagdating ng gabi, ikaw ang nais kong makayakap at makapiling; at sa pagdating ng umaga mukha mo ang aking matatanaw sa pagbukas ng aking mga mata. 

Subalit ikaw ay laman lang ng isang panaginip. Kung maari ka lamang maging totoo ngayon ay binuo na kita sa aking mga pangarap ngunit kailangan kong maghintay na ako ay iyong makita.

Alam kong nandyan ka lang sa paligid. Maaring nagkita na tayo; Nagkabanggaan, nagka-usap, nagkatitigan, nagkangitiian, nagkabiruan, hindi ko alam. Maari din na hindi pa talaga tayo pinagtagpo ng tadhana. 

Malayo ka man o nasa tabi ko na, tandaan mo na hinintay kita at alam kong darating ka; Sa pagdating mo, gagawa ako ng mga alaala nating dalawa at ang bawat araw ay gagawin nating pangwalang hanggan. 

Minamahal at mamahalin kita, sapagkat wala akong minahal kundi ikaw.


Eden
(Nawawalang Sapatos ni Cinderella)




Princess_Belle

Monday, October 29, 2012

kahapon... ngayon... bukas... ano na?

Limang buwan...

Humigit kumulang na limang buwan na hindi ko nadagdagan ang mga nakalagay sa blog ko.  Hindi ko alam kung ayaw ko lang ba magsulat o sadyang tinatakasan ko ang isang bagay sa buhay ko.

Nakakalungkot kasi minsan ang gumawa ng akda. Lalo na kung ang nakasanayan mo nang paksa ay tungkol sa mga bagay ng may kinalaman sa salitang "sawi" "lungkot" "paghihintay" "panghihinayang" at napakarami pang iba.  

Pilit ko na ngang kalimutan ang blog na ito.  Isa ito sa tatlo na aking binuo o marahil isa sa lima na aking itinayo nuong nasa kolehiyo ako.  Ano nga ba laman nito? Ako... 

Tama. Kung ikaw ay isa sa mga taong malalapit sa akin at nakakaalam sa takbo ng buhay ko, ako lang naman ito. Mga tao sa paligid ko, mga bagay na nakikita ko araw - araw, linggo - linggo at buwan - buwan. 
Mga taong nakikila ko, mga bagay na nararanasan ko at mga taong minamahal ko.  

Muli akong susulat sa blog na ito upang mangumusta. Subalit wala parin akong akda na maisip sa ngayon.  Sana magkaroon pero sana sa pagkakataong ito, masaya na ang ending ng kwento....


Princess_Belle 

Tuesday, March 27, 2012

NSNC: Stilleto


---- JS Prom ---

This I promise you
King and Queen of hearts
Got to believe in Magic…

Sa kinatagal tagal naming naghitay at na bored sa dance music, buti nalang naisipan ng mga teacher na magpatugtog ng love song.  JS prom kasi nuon at mahigpit ang school pagdating sa mga sayawan.  Muntik na ngang hindi magkaroon ng JS Prom dahil parami na raw ng parami ang mga fraternities sa loob ng campus. 

“Eden, Hindi ka ba sasayaw?”

Napangiti nalang ako sa tinuran ng kaklase ko kasi sino nga naman ang makikisayaw sa tulad ko. Lahat halos ng kaklase ko ay kampi kay George at parang ako pa ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Nakaupo lang ako sa isang tabi nang biglang

“Pwede ba kitang isayaw?”

Nakita kong may kamay na tumambad sa harap ko.  Inaalok akong sumayaw ni Michael, isa sa mga kaklase ko at mabuting kaibigan namin ni George. 

Tinanggap ko ang alok niya at sumayaw kami.  Buti nalang at mga mag-iisang oras na nagpapatugtog ng slow music kaya napagod na ang mga bantay na nagru-ruler sa layo ng mga mananayaw.

“Nagusap na kayo ni George?”

Parang gusto ko mainis ng oras na yon.  Come on! JS Prom dib a? bakit si George ang usapan. Umiling lang ako at ngumiti. Maya maya pa ay inabot niya ang kmay ko sa isang lalake para magkapalit ako ng kapareha. Laking gulat ko na si George ang kasayaw ko.  Gusto kong umalis pero pinipigilan ako ng mga paa ko.  Gusto kong suntukin siya or sampalin pero naawa ang puso ko.  Kahit masakit, nagawang tiisin ng sarili ko ang lahat dahil may pagtingin ako sa kanya.

“Musta ka na?”

Hindi ko alam, kung nang – aasar si George o wala lang siya maisip na sabihin sa akin. 

“San mo pala balak mag-college?”

Nagulat ako sa tinuran niya.  Nagkaroon pa siya ng interes na malaman kung saan ako magaaral at kung anong kurso ang kukunin ko. 

“sa UST ako, Communication Arts”

“Ganun ba? Ako sa UP kukuha ako ng veterinary” sambit niya

Matagal din ang sayaw naming dalawa.  Subalit sa paguusap naming habang nagsasayaw, isang salita ang hindi ko narinig.

SORRY..

Yun lang at ok na ako.  Yun lang at agad kong makakalimutan ang lahat ng pait na sinabi nya sa akin nuon.  Yun lang at panatag na ako.  Pero hindi ko narinig ang salitang “Sorry”

Bumalik ako sa kinauupuan ko na inis.  Pinagsisihan ko na pumayag ako makipagsayaw sa kaibigan niya at sa kanya. Maya maya, nakarinig kami ng putok sa bandang CR ng eskwelahan.

BOOM!

Nagpaputok ng pillbox ang mga fraternity sa school.  Talk about ang mga pampasira ng moment at mga taong bitter sa mga buhay nila. Nagtakbuhan ang mga estudyante at kahit gaano ako ka-kalmado ng oras na iyon ay natangay ako ng stampede.  Natanggal ang isa kong pink na stiletto.  Sinubukan kong bumalik subalit pinipigilan na kami ng aming mga guro at lahat kami ay pinalabas ng eskwelahan.  Naisip ko naman na marahil makukuha ko rin naman yun mamaya. 

Wala akong nagawa matapos ng ilang minuto ay pilit na kaming pinapauwi.  Yung mga bag daw na naiwan, ay pwedeng kunin bukas.  Tinanong ko sa teacher ko paano yung kapares ng sapatos ko ang sabi lang sa akin ay kapag nakita ilalagay nalang sa lost and found.

Dalawang araw matapos ang insidente (dahil Friday ginanap ang JS) pumunta ako sa lost and found ng school.  Halos maiyak ako dahil wala sa mga gamit ang nawawala kong sapatos.  Ito pa naman ang pinakapaborito kong pares ng stiletto at ngayon, kailangan kong tanggapin na wala na ang kapareha nito..


---- ngayon ---

“Eden! Aalis na tayo.”

“Nandyan na!”

Pupunta kami ng Batangas  ngayon. Napilit ako nina Anne na sumama kahit labag sa loob ko.  Moment to relax and unwind ang pinipilit niyang rason ko para sumama.  Lingid sa alam ko na hindi kasama si Gian.  Nakaimpake na ako’t lahat nang malaman ko ito. Nakita ko kasi siya sa sasakyan.

“Lagot ka sa akin mamaya Anne”  banta ko sa kaibigan matapos niyang ilihim ang lahat sa akin.

Ngumiti lang ang kaibian ko na parang walang nangyari.  Pinlano na nila ang hakbang na iyon para lang makasama ako sa outing. Pagkaakyat ko sa van ay iisa na lamang ang upuan na natitira katabi si Gian

“Bakit puno na?”

Stupid ng tanong ko di ba? 

Tumabi ako kay Gian ng walang imik. Para sa iba ang oras na iyon at mistulang pinakamagandang tagpo sa isang teleserye. Subalit para sa akin, halos isa itong “trauma”

Kung kelan ka umiiwas sa isang tao para makalimutan ito, ang dami naming pilit na naglalapit sa inyo. 

Wala akong imik na tumabi sa kanya.  Ngumiti lang ako subalit halo ng saya at lungkot ang nararamdaman ko.  Nakatuon na kasi ako sa career ko pero eto na naman ang pagkakataon na magkakasama kami

Alam ni Anne na pinipilit ko na syang kalimutan pero kaibigan ko din ang pasimuno para magkasama kami.

3 oras ang tinakbo ng sasakyan. Nakarating din kami sa Batangas. Masayang nagbabaan ang buong grupo.  Ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko, lalo na ngayon na kasama ko ang isang tao na nakaka-ilangan ko.

Ayokong sayangin ang magandang resort ng dahil sa isang tao.  Kaya pagdating namin sa cottage, agad akong nagpalit at sumuong agad sa tubig di ko na ata napansin ang oras dahil sumunod narin si Anne pagkalabas ko.  Halos 6:00 na ng gabi nang makabalik kami sa cottage.

Pagkatapos ng hapunan ay nagligpit ako ng gamit ko. Nagmadali kasi ako magimpake dahil halos last hour nalang nagsabi sa akin si Anne na tuloy ang team outing.  Pagkabukas ko ng gamit ko, nakita ko ang nagiisang kapares ng stiletto na nawala nung JS. Hindi ko rin alam kung paano napunta yun duon pero sa imbes na isipin ko kung paano ito nasama, ay biglang nakaramdam ako ng matinding lungkot.  Naalala ko tuloy ang nangyari nuon. Ang sapatos na iyon ang nagsilbing puso ko na nahati sa dalawa…. Na hanggang sa ngayon ay nawawala parin ang kapares.


Tumakbo ako palabas ng cottage. Agad akong pumunta sa may dalampasigan at saka ibinato ang stiletto sa dagat.

“Hindi ko na makikita ang kapares mo! Mas mabuti na mawala ka na din para din a rin nasasaktan ang puso ko”

Nang tinapon ko ito, biglang may tumapik sa likod ko.

“Hoy! Anong ka dramahan nanaman ang ginagawa mo?”

Nagulat ako nang Makita ko si Gian sa aking likuran.  Hindi ko inaasahan na nandun pala siya.

“bakit mo tinapon yung stiletto?” tanong niya

“wala yun.  Patapon na talaga yun”

“Ha? Eh bakit sa dagat mo pa tinapon?”

“Wala lang. Naisip ko rin kasi na hilig ko ang tubig.  Parang puso ko lang yung sapatos nayan.  Hahayaan ko nalang lumubog dahil hindi ko na makikita ang taong para sa akin.” Sambit ko

“Grabe ka naman.  Darating din ang taong iyon para sa iyo.  Huwag ka kasing suplada”

Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Gian.  Ako na kilalang mabait at sweet sa opisina, magiging suplada.

Maya – maya ay biglang nahulog ang stiletto sa harapan namin. Nagitla ako dahil alam kong tinapon ko na ito at umaasang hindi ko na makikitang muli.

“Miss, masamang magtapon ng basura sa dagat. Kaya dumudumi ang mga dagat ang ilog dahil sa mga katulad mo.”

Hindi ko maanigan ang lalakeng nagsasalita. Biglang nagpanting ang tenga ko at bigla tuloy akong nakapagsalita.

“Excuse me, sa kung inaakala mo na kalat ang tinapon ko, pwede pa naming maging bahay ng mga isda yan ah.  Hindi yan lulutang dahil may kabigatan ang stiletto nay an.”

SAglit pa ay bigla akong kinurot ni Gian sa balikat na parang may gusting sabihin.  Hindi ko ito pinansin at patuloy ako na nagsalita sa lalakeng kaharap ko.

“Oo mali na kung mali na tinapon ko yan.  Hindi mo lang kasi alam yung dahilan kung bakit ko tinapon yan sa dagat. Gusto kong sumama na sa alon ang mga alaaala nyan.”

“Ganun mo nalang gustong makalimutan ang nakaraan mo? Kahit itapon mo yan, hindi rin makakatulong yan kasi ung bagay lang ang tinapon mo, pero sa puso mo, kinikimkim mo parin ang masamang alaala kung ano man yun”

Natigilan ako sa sinabi ng lalake sa akin.  Kahit papaano ay tama siya. Ako ang dapat kumalimot ng nakaraaan at dapat hindi ko binunton sa paborito kong sapatos ang lahat.

Umalis ang lalake habang ako ay nangingilid na ang aking luha.  Bigla akong hinatak ni Gian at inalog alog na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

“Eden! Kilala mo ba yung sinagot sagot mo kanina?”

“Hindi..”

“siya yung bagong boss natin. Si Jonathan.”

“Ano?”

Bigla kong niyakap si Gian at umiyak…

Monday, March 26, 2012

Taglagas sa Tagsibol

Taglagas sa Tagsibol
(2000)

Puso’y minsan nang umibig
Lagi namang nasasaktan
Dalamhating aking angkin
Kinukubli lagi ng kasiyahan

Hindi na ninanais
Hindi na rin inaasam
Magmahal pa muli
Gayong ito’y nakakasakit lang

Ngunit bigla kang dumating
Sa landasing aking tinahak
Pinatibok yaring puso
At hindi na sinunod ang utak

Pagdaan ng panahon
Sa iyo’y nahulog na
Anghel na mula sa langit
Sana ikaw na talaga


Ngunit sa isang pagkakataon
Tagsibol pala ang iyong puso
Walang daan para sa aking pagtingin
Pagkat iba pala ang iyong iniibig

Tagsibol sa iyong puso
Taglagas sa aking damdamin
Tag-araw sa iyong landasin
Tag-ulan sa akin dumating

Sumpa ngang tunay sa akin ibinigay
Ng dating pagmamahal na ako lang ang nag-alay
Ngunit natuto sa iyo’y magsinta
Kahit masaktan patuloy pa ring umaasa

At kung iyong mapapansin
Aking tunay na damdamin
Nawa’y hindi ka maging huli
Upang taglagas ko’y maging tagsibol muli


Author's note:
I took this from my 1st blog http://soundsofheaven.blogspot.com/ also published in UST Education Journal when I was in college.


Monday, October 10, 2011

NSNC: Diary of a Goodbye Girl




I've been so alone all my life, 

I couldn't give my heart to anyone...

Hiding myself was a one 

who needed to be held like anyone

Matapos ang walkout ko kay Anne nung isang araw, hanggang sa ngayon hindi kami masyadong naguusap ng matagal. Lagi niya kasi sinisingit si Gian sa usapan.  Ayokong maiungkat nanaman niya ang nakaraan sa akin at tanungin kung gusto ko yung tao.  Sapat na na ako ang nakakaalam  at wala nang iba.

"Eden!" narinig ko ang malakas na boses ni Anne sa hallway 

Sasakay na sana ako sa elevator nang pinigilan niya ako at hinila para hindi makasakay.  

"Ano ba problema mo? Hindi ko alam kung umiiwas ka ba or talagang busy ka lang" dagdag niya

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.  Ayokong magsinungaling pero hindi ko rin nanaisin na kulitin ako kung ano man ang bumabagabag sa utak ko.  Maya - maya pa ay nagsimula na siya sa pagsermon sa akin.  

“alam mo dapat sinasabi mo rin kasi kung ano ang nasa saloobin mo. Hindi naman ata tama na sinasarili mo ang isang problema at iiyakan mo nalang din magisa.  Mas masarap parin ang pakiramdam na may kausap ka at may kadamay ka sa lungkot mo..  Ano ba talaga kasi ang bumabagabag sayo?”

Wala akong sinagot sa mga tanong niya tinignan ko lang siya na parang hindi ako nakikinig.  Bigla niya akong hinatak malapit sa station namin. Nainis na ata ako sa pangungulit niya nang bigla kong sabihin sa kanya

“Hindi mo kailangan problemahin ang nararamdaman ko kay Gian.  Kaibigan ko siya at alam ko naman na darating ang panahon na aalis din siya. People come and go Anne, ok”

Natigilan ang kaibigan ko sa mga nasambit ko.  Hindi niya inaasahan na tama ang hinala niya na may gusto ako sa kaibigan ko. 

“Girl, sorry.  Hindi ko naman sinasadya.  May kutob nga ako na may nararamdaman ka kay Gian pero  hindi inaasahan na totoo pala yun"


Sabi ko: “Anne, mas mabuti na ako lang ang nakakaalam.  Puso ko lang ang masasaktan. Walang ibang tao na aasa at bibiro sa akin.”

“Pero hindi naman siya tulad ng iba ah”

Agad kong hinawakan ang balikat ng kaibigan ko sabay sabi, 

“Pareparehas lang sila”

The days moved into years, I looked forward between the tears.
It never ever found me, never ever found me...

Naalala ko ang mga kaibigan ko na minsan minahal ko pero nagpaalam din. 

---- John----
John: “Congratulations! Graduate na!”
Eden: “Magkikita pa naman tayo sa MULTI diba?”
John: “I’ll be leaving for states na..”

---Charles----
Charles: “magreresign na ako eh.”
Eden: “kelang effectivity?
Charles: “ngayon…”

Iilan lang sila.  Ang iba, kahit hindi ko naging crush or infatuated ay mahal ko parin bilang kaibigan. Naramdaman ko na ang sikip ng dibdib ko.  Parang gusto na nitong sumabog at ang mga mata ko ay nangingilid na ng luha.  Buti nalang at walang tao sa floor dahil ayoko rin gumawa ng eskandalo. Sinabi ko sa kaibigan ko

“Mabuti kung ititigil ko na to. Nahihibang lang ata ako kasi mabait siya at ang atensyon na binigay niya sa akin ay hindi ko nakuha sa iba. Pero kailangan ko parin bumalik sa katotohanan ang lahat ay pansamantala lamang.”

Pagtalikod ko, nabangga ko ang isang lalake.

“Gian?”

“Tama ba narinig ko?”

Nakatitig ako sa kanya.  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.  Natigilan ako at parang na-pipi ng nakita siya. Agad akong umalis.  Oo, parang sa mga teleserye and nangyari at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ano bang dapat kong malaman?”

“Wala…”

Umalis ako nang hindi ako nagpapaliwanag sa kung ano man na narinig niya o kung ano man ang nangyari kanina.  Bumaba ako ng elevator, pigil ang pagiyak.  Agad akong pumunta sa malapit na restroom at duon ko iniyak ang lahat.  Sinabi ko sa sarili ko.

“Magpapaalam ka rin sa akin.  Bago pa mangyari yun, ako na ang lalayo”




Thursday, October 6, 2011

NSNC: TV at Zodiac Sign

"Please dont make me fall inlove with you  because I dont know how to let go,  
Im not sure of your feelings, but one thing i know... I cant imagine myself without you."


"Ehem! Eden, ok ka lang ba?" 


Tumaas ang kilay ko matapos may tumayo sa harap ng telebisyon.


"Babae, na- carried away ka na naman sa pinapanuod mo."  Sabi ni Anne na kabarkada ko.


Nakikinuod kasi ako ng paborito kong series sa TV. Hindi ko talaga maiwasan macarried away sa mga ganitong istorya. Yung hindi masyadong "happy ending" ang katapusan ng mga kwento. Nangingilid narin ang mga luha sa mata ko nang biglang patayin ang TV.


"Uyyyy!!!" sambit ko.


"Gurl, di ka naman pumunta dito para umiyak di ba?"


"Paki bukas na yung TV..." pagmamakaawa ko.


Binuksan uli na Anne ang TV at naipagpatuloy ko ang panunuod. Nakaconcentrate na ako sa mga kasunod ng palabas ng biglang tanungin nya,


"Kumusta na pala kayo ni Gian?"


"Bakit mong tinatanong na kami? Hindi naman kami eh?"  sagot ko


hindi ko alam kung nasa defensive mode ba ako o kung anong pumasok sa utak ko at bakit sinabi ko yun. Wala ata ako sa sarili ko.  Tumahimik ako ng ilang segundo nang marinig ko si Anne na humalakhak ng malakas


"Tanga! wala naman akong sinasabing "kayo" di ba hindi kayo nagkaintindihan nung isang araw. Napansin ko kasi na parang nagaaway kayo at hindi ko sigurado kung napikon ka na." sabay ang malulutong na tawa ng kaibigan ko


"ahhh.  Hindi naman ako napikon nun. Nagkukulitan lang kami. Hinaharot kasi ako ni Gian habang may call ako pero hindi kami nagaway"


Kung alam lang niya na tuwang tuwa ako nung araw na iyon.  Wala kasing nakakaalam na crush ko si Gian at kung pwede nga lang hindi natapos ang mga sandaling yaon ay ikakaligaya ko. Nakahinga na sana ako ng maluwag sa paliwanag ko, nang biglang dinagdag ni Anne


"bakit nga pala parang defensive ka? Meron ba akong hindi alam tungkol sa inyo ni Gian?"


"Kami? Wala! at saka kaibigan ko yun.  Ganun lang talaga kami mag-asaran"  sambit ko


Agad kong pinabulaanan na may nararamdaman ako para sa kaibigan ko.  Kasi hindi ko naman sigurado na ganun din nararamdaman nya para sa akin. 


Bigla kong naalala yung paguusap namin nuon ni Gian...


------------------------------------------ nakaraan -------------------------------


Gian: "Bakit wala ka pang boyfriend"


Eden: "Hindi ko alam eh"


Gian: " Ano pala zodiac sign mo?" 


Eden: "Bakit mo tinatanong?"


Gian:  Wala lang. kasi baka nasa zodiac sign mo ang dahilan kung bakit ka walang bf


Eden: grabe ka naman.  as if naman totoo yun. Libra ako


Gian: ahhh... yaan mo may regalo ako sa yo sa birthday mo 


Eden: eh ikaw? ano zodiac sign mo? 


Gian: Scorpio




Natigilan ako. Parang may tumusok sa puso ko na hindi ko alam.  Nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko magalit ng walang dahilan. Bakit nung narinig ko ang salitang yun ay bigla kong naalala ang isang tao.  Isang tao na matagal ko nang inilibing sa nakaraan ko. Hinukay ng zodiac sign na yaon ang mga alaala nung nasa highschool ako.  Isang bagay na ayoko na sanang balikan.




Naalala ko si George. Siya ang kaklase ko nung highschool.  Naging kaibigan ko siya at naging close kami ng mga ilang buwan.  Nahiligan namin ang maglibrehan ng softdrinks at icecream tuwing recess; siya sa icecream, ako sa softrdrinks at viceversa sa ibang araw.  Matalino rin siya at heartthrob sa loob ng school.  Kasama ko siya sa Journalism class namin nuon. Pero isang araw ay sinira niya ang pagkakaibigan namin at pagtingin ko sa kanya


"Kapal ng mukha mong magkagusto sa akin.  Hindi bagay ang tulad ko sayo.  At kahit sinong lalake hindi nababagay sayo."


Nabuhay ako sa paniniwala na hindi ko na tlaga makikita ang prince charming ko. Tingin ko nga hindi na. At saka Scorpio din si George.  Kaya ko siya naalala.


Kung alam lang ni Gian.  Kung alam lang niya ang tunay na dahilan. Na natatakot ako magmahal...  Nagaalangan kasi ako magmahal at kahit lagyan ko pa ng tapang ang puso ko para ma-inlove ulit, parang nandun parin ang takot at pangamba na hindi ako mamahalin ng taong magugustuhan ko. 


--------------------------- ngayon -----------------------------


"Eden?"  sabi ni Anne


Dahan dahang tumutulo ang luha ko.  Alam kong parang baliw ako sa harapan ni Anne pero mas mabuting wala siyang alam.  Mas mamarapatin kong itago ang nararamdaman ko para kay Gian at lahat ng mga bagay na kinakatakot ko.


"Sorry Anne.  Alis na ako." sambit ko


"Ok ka lang ba?" dagdag niya


Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam. Gusto ko mapagisa.  Gusto kong sarilihin ang sakit ng nakaraan at pangamba ng paparating na sakit.


"Dapat pigilan ko ang sarili ko... Dapat pigilan ko ang puso ko na mahalin si Gian" banggit ko sa sarili ko.


Hindi ako para sa kanya at alam ko, walang puwang ang tulad ko sa puso niya. Itutulog ko nalang ito paguwi ng bahay. Sana bukas hindi na ganito ang nararamdaman ko. 





Monday, October 3, 2011

NSNC: Sleep mode


6:30 ang pasok ko.. 2:45 palang, nagising na ako dahil balak kong kumain ng waffle.  Bwiset nakatulog ako ulit.


"uy Eden, papasok ka ba? 5:00 na" 


Nagulat nalang ako bigla akong gisingin ng kapatid ko. Nasanay kasi ako na alarm clock lang ang gumigising sa akin. Naalimpungatan ako at tumakbo akong bigla para maligo. Nadadagdagan ang gulat ko sa katawan nang marealize ko na malamig pala ang panligo ko.  Nasanay kasi ako na nagiinit ako ng tubig para panligo kapag maaga ang pasok ko. 


Natapos din ang pangumaga kong ritwal sa tulong ng aking kapatid.  Lumabas ako ng bahay at nakita kong may bakas ng basa sa kalsada.  Umulan nanaman ata nung madaling araw. Agad akong sumakay sa jeep na dumating sa tapat ng bahay namin. Mahirap narin kasi ang malate at baka mapagalitan pa ako ng TL ko.  


Sa loob ng jeep lahat ng tao, mapungay ang mga mata.  Parang lahat pagod sa kakalayas kahapon dahil nga Linggo.  Pinilit kong gisingin ang sarili pero talo talaga ako.  Inabot pa rin ako ng antok at saglit nang naidlip sa loob ng sasakyan.  


Pagkatapos ng 30minutong byahe ay nakarating na ako sa opisina.  Pagkapasok ko palang sa pinto ay ramdam ko na ang lamig na nakakapanghalina para ako ay makatulog. Nakakatawa dahil Lunes at dapat ay punong puno ka ng sigla para sa buong linggo pero heto ako at dinadalaw na naman ng antok.


Tumabi ako sa kasama kong si Gian. Isa siya sa magagaling sa acct naming at alam ko na magigising ako kapag katabi ko siya.  Likas na kasi sa kanya ang pagiging makulit at hindi rin ito nauubusan ng kwento.  


Pagkatabi ko sa kanya, iba agad ang naramdaman ko.  Parang hindi ito ang Gian na kilala at gusto ko.  Tahimik kasi siya nang dumating ako at isang mabilis na bati lang ang natanggap ko.


"hi" 


Eto lang narinig ko mula sa kanya.  Naisip ko tuloy, parang hindi magiging maganda ang takbo ng araw ko ngayon.  Tahimik ang katabi ko at mukhang uinaantok. 



Maya -maya pa ay biglang may ilaw na tumatapat sa akin.  Gusto ko na sanang awayin ung taong nagiilaw sa akin dahil nga masakit sa mata.  Paglingon ko, si Gian pala ang taong iyon at nagsisimulang kulitin ako.  



"akin na nga yan! Hahaha"



Pilit kong inaagaw sa kanya ang flashlight. Nakakatawa kasi pilit nya talaga akong iniilawan na parang disco lights lang. Iyon na ata ang pinakamasayang minuto ko habang nasa opisina.  Sa tuwing tumatahimik ako, nagagawa nya akong patawanin... 


Bigla ko tuloy naisip ang ilang taon na nakalipas. Lagi kong hinahanap ang taong may hawak ng kalahating pares ng stiletto ko.  Napagod na ako sa kakahanap; sana ung lalakeng kanina pa ay iniilawan ako ang may hawak nun...


Natapos ang araw na kasabay ko siya hanggang sa sakayan.  Isang saglit ng beso -beso ang natanggap ko at nagpaalam na kami. Bukas ulit, panibagong araw, panibagong pagkakataon para malaman ko kung siya na nga ang prince charming ko... 






Princess Belle

Sunday, October 2, 2011

Nawawalang Sapatos ni Cinderella

“Fairy Tales are meant to be fairy tales.” Applicable lang ata ito sa mga taong nangangarap. Pero sa katotohanan, hindi naman nangyayari ito sa tao. Sabihin nyo nang negative ang lahat ng iniisip ko pero kung yun naman ang totoo…

Ako nga pala si Eden. Parang pangalan ng keso ‘no! Ayaw ko nang maniwala sa fairy tales kasi lagi naman akong bigo tuwing iniisip ko yon. Mula bata pa ako, pinapanaginipan ko na ako si Cinderella o kaya si Sleeping Beauty na ililigtas ng Prince Charming ko. Pero hanggang sa ngayon kahit na isa wala.

Past time ko na ata ang ma-inlove. Sa tuwing nakakakita ako ng “cute” na lalake ay crush ko na. Pero iba pa rin yung kaso ng na-develop na crush kasi para sa akin, crush na crush ko na yon. Naalala ko yung mga panahon na may bestfriend akong dalawang lalake. Si Ernest at saka si Roy. Kaklase ko sila parehas simula elementarya. Para sa akin, kuya-kuyahan ko si Ernest. Ganun nalang ang turing ko sa kanya at mahal ko siya bilang kuya ko. Wala kasi akong kapatid na lalake. Si Roy, siya ang una kong pinangarap na prince charming ko. Natatandaan ko pa nga yung mga sinabi niya tungkol sa akin…

“Alam mo, kaibigan kong matalik si Eden. Pero mas masaya sana kung si Tinay ang umakap sa akin nang nanalo tayo sa play.”

Aray! Masakit marinig yun. Sinabi nya ito sa kaklase ko na kasama namin sa play na Jose Rizal. Si Roy kasi yung lead cast at ako naman ang hamak na storyteller. Sana bingi nalang ako para hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Tutal, totoo namang mas maganda si Tinay sa akin kaya naman nahulog ang loob nito sa kanya. Simula noon, broken hearted na ako.

********************

We meet many people along our journey; but only few stays in the heart. Nakilala ko si Kuya Marl nang tumuntong ako ng kolehiyo. Hindi natupad ang sinabi ko kay George na BS Communication Arts ang kukunin ko. Napunta ako sa BS Education at balak kong kunin ang major ng Filipino. Si kuya Marl, Religious Education ang kinukuha. Sa kanya ko natutunan na nangyayari rin pala ang himala basta maniniwala ka. Sumali ako sa organization na pinamumunuan niya kung saan ang mga estudyante lahat ay multi-talented. MULTI ang pangalan ng organization namin. Ayon kay kuya, pinagisipan daw ito ng 10 tao. Ayoko ngang maniwala sa sinabi nya pero nakailan narin siyang kwento sa akin kaya pinatulan ko na.

Masarap kasama si Kuya Marl. Galante kasi siya at thoughtful. Palabiro at maraming koneksyon. Kulang na nga lang pati mambabalot kilala niya. Naalala ko nang may isa kaming pagtitipon na kami ang nagorganisa. Ako ang binigyan ng responsibilidad sa technical at hindi biro ang gumawa ng powerpoint presentation. Nagloko kasi ang computer ko at nawala lahat ang pinaghirapan ko ng tatlong araw. Si kuya Marl ang nagbigay ng inspirasyon sa akin na kaya ko pang matapos yun. Ni-rush up ko ang trabaho at sa loob ng 15 minuto, natapos ko ang powerpoint na may ilang pagkakaiba lang sa tunay kong ginawa.

Masaya ang isang taon na kasama ko si Kuya. Feeling ko ay may tunay akong kapatid na lalake. Marami akong natutunan tungkol sa organization na sinalihan ko. Pinakilala niya rin ako sa mga kaibigan nya na tanyag sa larangan ng pag-arte. Dahil kay kuya, naging paborito ko ang kanta sa Anastasia na At The Beginning. Ako si Anastasia at siya si Dmitri na nagbalik sa akin ng masasayang nakaraan.

Kapag may mga masasayang alaala ang naibalik, mayroon din masasama. Nabalitaan ko na aalis na si George sa UP dahil hindi niya makayanan ang magisa sa Los Baños. Lumipat siya sa UST at Archi na ang kinukuha niya. Bangungot ang nangyari sa akin nang nalaman ko ang balitang iyon. Magkatabi lang kasi ang building ko sa kanya. Ilang santo na ata ang dinasalan ko na sana lumipat sila sa totoong building nila bago pa man siya lumipat ng eskuwelahan ko.

Nagpasalamat ako sa Diyos nang nalaman ko na lilipat na ang Department nila sa bagong gawa na building. Malayo-layo rin yon kaya wala na akong dapat alalahanin na makikita siya. At least, wala na ang isa sa mga problema ko.

Lalagpasan ko na ang mahabang kwento ng aming pagkakaibigan ni Kuya Marl. Isang taon pagkatapos ko siyang makilala, natagpuan ko si Rey. Mayaman si Rey at mahirap abutin. Singer kasi siya sa isang banda at halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanyang angking talento. Nakasama ko rin kasi siya sa MULTI. Pero ngayon, parehas kaming kolumnista sa dyaryo ng MULTI na Servers. Makulit kasama si Rey. Nagustuhan ko rin siya pero masyado kaming magkataliwas ng landas. Feminista ako, Chauvinista siya. Kulang na nga lang ay araw-araw na ginawa ng Diyos ay mag-away kami. Kaya hindi nagtagal ang crush ko sa kanya.

“ Maayos na ba? Hindi ba ako mukhang pagod?” Sabi ng lalake sa harapan ko. “Hindi ah! Ikaw talaga.” Sagot ko sa kanya. Si John na ata ang pinaka – metikulosong tao na nakilala ko. Sa katunayan, dinaig niya ako pagdating sa kalokohan at sa pagharap sa salamin. Pero aaminin ko na… may pagtingin ako sa kanya. Hindi siya kasama sa MULTI pero nakilala ko siya dahil kay Charmaigne; kaibigan ko sa MULTI. Palakaibigan kasi si John at palabati sa mga kakilala niya. Unang kita ko sa kanya ang akala ko ay suplado. Pero pagkalaon masarap pala siya kasama.

“Bakit naman Eden ang pangalan mo?” tanong sa akin ni John

“Hindi ko rin alam” sagot ko

“Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng pangalan mo? Ang Eden kasi independent. Tinatago niya ang personality niya sa lahat at isa pa, nagiging aloof ka at hindi mo mahanap agad yung taong hinahanap mo.”

“Paano mo nalaman yan?”

“Sa internet” nangingiting sagot ni John.

Natuwa ako sa sinabi nya. Kahit ang ilan dun ay pawang katotohanan, naging masaya ako kasi hinanap niya ang pangalan ko sa internet. Nagtanong ako kay Charmaigne kung may kakilala pa si John na ibang Eden. Nasabi naman sa akin ng kaibigan ko na ako lang ang Eden na kakilala ni John. Natuwa ako kasi kahit papaano ay interisado siya sa akin.

Isang araw, dumating si John sa loob ng kwarto ng MULTI. Hinanap niya ako kay Charmaigne at nakita niya ako na nagco-computer sa isang sulok

“Eden samahan mo naman ako.” Magiliw na sabi sa akin ni John.

“ Saan naman?”

“Basta”

Pumunta kami parehas ni John sa library. Tinungo namin ang isang lamesa sa loob ng Filipiñana section kung saan naroon ang mga gamit niya. Kumuha siya ng upuan para sa akin at pagkaupo’y naglabas siya ng isang papel.

“Basahin mo ‘to”

“Ano to?”

“Basahin mo nalang” sabay ngiti niya sa akin.

Hindi ko inakala na manunulat din pala si John. Mahilig siya gumawa ng mga tula at ipinakita niya sa akin ang isa. Binasa ko ito ng pabulong para maiwasan na mapagalitan kami ng masungit na librarian na naroon.

***************
Taglagas sa Tagsibol… iniisip ko nang binasa ko ang mga kataga sa tula nya ay parang ako ang tinutukoy. Inakala niya ata na mahal ko si Rey kasi lagi kaming magkasama sa MULTI.

“Ang galing mo naman gumawa ng tula” wika ko kay John

“ Inspired lang…”

Namula ako nang nagkatitigan kami. Saglit lang iyon pero kinilig ako. Sa loob-looban ko, siya na kaya ang Prince Charming ko? Siya na kaya ang Price Eric ng buhay ko?

“ah eh, may klase ka pa ba?” tanong sa akin ni John.

“May meeting ang MULTI eh.” Gusto ko sanang sumagot ng wala pero kailangan ako sa meeting.

“Gusto mo, sumama ka nalang” pahabol ko sa kanya para magkasama parin kami.

“Hindi. Sige kayo nalang”

“Ano ka ba John; kailangan namin ng isa pang literary editor eh.”

“Talaga! Sige sasama na ako. Sandali, ano ba position mo pala sa MULTI”

“Secret! Malalaman mo nalang sa meeting”

Bumalik kami sa building. Tamang – tama ang pagdating namin dahil magsisimula na ang meeting. Pinangunahan ni Kuya Marl ang pagtitipon ng listahan ng mga dapat gawin at mga kailangan tapusin ng mga aalis nang editor. Dumating na ang pinakahihintay namin dalawa ni John: sasabihin na kasi kung sino ang mga editor ng Servers.

“ at Eden Martinez ikaw sa…” saglit ay nilipat ni Kuya ang pahina ng listahan ng Servers.
“Literary Editor ka!”

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinakapaborito kong position iyon dahil sa hilig ko na magsulat ng maiikling kwento.

“Pero, may problema tayo.” Banggit ni Kuya Marl

“Kasi wala kang assistant. Si Rey sa News, si Charmaigne sa Editorial yung Features page under sa iyo kaya kailangan mo ng katulong para di ka mahirapan. Maraming page kasi yun dahil section 2 na yon ng Servers”

“ Ako po willing pero hindi kasi ako member dito. Salimpusa nga lang ako eh” biglang singit ni John.

“Maganda yan! Di na kasi ako pwedeng mag-assign ng iba dahil walang interes ang ibang kasama namin na paglaanan ng panahon ang Servers.”

“ Walang problema sa akin yun. Pangarap ko nga po ang maging kolumnista o kaya naman ang maging isang reporter. BS Journalism nga po ang kinuha ko for entrance di nga lang pinalad.” Sabi ni John kay Kuya

“Ganun ba? Eh di ikaw na ang assistant literary editor namin. Buti naman at magkakilala narin kayo ni Eden. Tingin ko di na kayo magkakaproblema.”

Nagitla ako sa mga nasabi ni John. Journalism pala ang kinuha niya. Parehas kami ng departamentong papasukan sana. Di ko inakala na may ilang bagay na parehas kami. BS Education din ang kinukuha niya pero English ang major niya.

Marami akong hindi inaasahan kay John na malaman. Ang ilan ay sana di ko na narinig o sana hindi na niya sinabi. Nalaman ko na lapitin pala siya ng mga babae at masaya siya sa ganun. Feminista ako kaya para sa akin hindi maganda ang mga nalaman ko. Wala naman akong ikakaila dahil gwapo naman siya.

“What if kung ligawan ka niya?” tanong sa akin ni Char.

“Sira ka ba? Hindi ako liligawan nun. Friends lang kami no.” feeling ko artistahin ang sagot ko kay Char. Hindi siya naniwala sa mga sinabi ko. Binanggit niya pa sa akin na nabalitaan niya na may girlfriend na daw si John kaya safe na siya para sa akin. Safe na alam kong di siya accessible na ligawan ako.

“Eden, may gagawin ka ba?” tanong sa akin ni John nung isang araw.

“Pasasama lang sana ako. Ok lang ba?”

Hindi ako sumagot. Naipit ako sa thesis ko at sa kanya. Tutal minsan lang naman ako hihindi bakit hindi ko pa ituloy na sabihin sa kanya.

“Sorry John. Marami pa akong gagawin. Aalis pa kami ng mga classmates ko.”

Umalis si John nang wala ako. Kailangan kong gawing produktibo ang araw ko nang hindi na ako sinisingil ng mga kaklase ko sa mga araw na wala ako sa group study namin.

Matapos ang limang oras bumalik ako sa MULTI. Wala pa si John kaya nagdesisyon akong kumain muna. Habang naglalakad ako sa labas ng UST narinig kong may tumawag sa akin.

“Eden! Wait up.”

Si John ang tumawag sa akin. Nagpaprint ata siya kasi may mga papel siyang hawak. Nagmamadali siyang tumakbo papalapit sa akin nang biglang…

“John. May bisikleta!”

Nasagasaan si John ng bisikleta. Nagasgasan siya ng kaunti pero kahit konting gasgas lang yun ay kinabahan narin ako.

“Ok ka lang” tanong ko sa kanya.

“Ok lang ako. Konting galos lang to. Nagmamadali kasi ako eh.”

Tinulungan ko siyang tumayo. Nahirapan siya dahil nasaktan ang paa niya at di makalakad ng matino. Hinatid ko siya hanggang sa kwarto namin sa MULTI. Habang akay ko si John, hindi ko napapansin na namumula na pala ako dahil hawak ko ang kanyang kamay.

“Cute ka pala kapag namumula ka.”

“ha?”

“wala. Blooming ka lang ngayon. In love ka no!”

Hindi ako makatingin kay John ng diretso. In love nga ako at sa kanya pa. ayokong aminin at ayokong malaman niya dahil baka makasira pa ito sa pagkakaibigan namin.

Nakarating kami sa MULTI na magkahawak pa rin. Nagulat ang lahat nang nakita nilang magkasama kami. Ako rin ay nagulat dahil sa isang tao.

“Edwin! What happened to you!”

Balingkinitan ang babaeng lumapit kay John. Nagulat ako dahil tinawag siya sa pangalawang pangalan niya. Nainis ako sa istilo at postura ni “Ms. Oneofakindsupermodel” dahil hamak na mas maganda nga siya kung ikukumpara sa akin. Wala akong masabi kundi bitawan ang pagkakaakay kay John at ihabilin nalang siya sa mahiwagang babaeng inglesera na hindi ko kilala.

“Please take care of him.” Sabi ko sa babae. “I just drop him by the office because I saw him bumped by a bicycle”

“Ano!” malakas na sigaw ni “Ms. Oneofakindsupermodel” matapos malaman na mabangga ng bisikleta ang mahal ko. Marunong naman pala siya magtagalog.

“Bakit kasi di ka nagiingat?” pagalit na sabi nya kay John na parang nanay ng isang batang nadapa dahil sa kakulitan.

Wala na ako sa usapan nila. Ayoko ko na ring magtagal dahil parang nanunuod ako ng Anaconda. Punong puno ng suspense at thrill ang bumubuo sa isipan ko habang nakikita kong ginagamot ng misteryosong babae ang John ko.
Pagkauwi ko ay agad akong tumawag kay kuya. Graduate na siya ng UST kaya hindi na kami naguusap. Gusto ko sanang i-konsulta ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

“O sis! Napatawag ka?”

“Wala lang kuya”

“Kumusta ang elections”

“Kuya, pagkakaalam ko, nanalo si John”

“Galing niya talaga.”

“Oo nga kuya… oo nga”

Pulos pagmamalaki kay John ang nabitawan ko kay kuya. Tumakbong Vice President kasi si John ng MULTI at nanalo siya laban sa 3 niyang kalaban sa posisyon. Hindi ko kayang i-konsulta sa kay kuya ang problema ko kay John pagdating sa nararamdaman ko. Masaya na rin akong malaman na panalo siya sa pamamahala sa MULTI. Hindi ko narin sinabi kay kuya na mahal ko si John. Mararapatin kong ako nalang ang nakakaalam ng bagay na iyon. Mabilis na natapos ang usapan namin ni kuya at binaba ko na ang telepono.

Masama ang loob ko nang araw na iyon. Wala akong masabihan ng problema ko. Kinimkim ko ang lahat na idinulot ng sama ng tiyan ko, kaya lalo akong nagalit.

Parang walang nangyari kahapon nang sumunod na araw. Ang lahat ay bumalik sa normal. Ako, pumunta ng MULTI para ihatid ang mga artikulo ko. Nagmamadali akong lumabas dahil ilang saglit lang ay dadating na si John galing sa klase niya.

“Eden!”

Lalo akong nagmadali sa paglalakad. Narinig ko ang boses ni John at ayokong magkausap kami. Subalit nanghina ata ang mga tuhod ko na kahit gaano pa ako nagmamadali, bumabagal ang aking paglalakad.

“Eden!”

Pangalawang tawag na niya ito sa akin. Parang hinahabol ako ng taong pinagkakautangan ko at wala naman akong pangbayad kaya ko tinataguan. Hindi naglaon, nahabol parin niya ako. Nang tinignan ko kung gaano na ako kalayo sa MULTI ay tatlong kwarto lang pala ang nalagpasan ko.

“Eden, I want you to meet Samantha.” Nagulat ako sa taong pinapakilala sa akin ni John. Nagkaroon na ng pangalan si Ms. Oneofakindsupermodel ni John.

“Oh, Hi!” sabi ko.

“Ikaw pala si Eden. Di ba ikaw yung tumulong kay Edwin nung nasagasaan siya ng bisikleta? Salamat sa tulong mo ha”

“Ok lang yun. Basta si John.” Ngumiti ako ng konti pero may kasamang pait dahil tingin ko sila nang dalawa ng mahal ko. “Alis na pala ako. May gagawin pa kasi ako.”

Umalis ako na kimkim ang sakit sa puso ko. Ayoko nang bumalik sa MULTI. Ayoko ko nang makita si John. Ayoko nang marinig pa silang naguusap. Pero sa tuwing naiisip ko ‘to, naalala ko ang masasayang araw na kasama ko siya. Baka nagkakamali lang ako. Malay ko nga naman ba kung sino ba talaga si Samantha sa buhay ni John. Paano kung pinsan nya lang pala yun. Tapos pinakilala niya ako para maging close kami. Nakakatuwa kung iisipin pero kabado pa rin akong malaman ang katotohanan.

Kinabukasan, pumunta ako ulit ng MULTI. Tambayan ko kasi yun kaya kahit ilang beses kong sabihin na hindi ako babalik dun, hindi ko magawa. Nanduon si John. Hindi ko na siya pinansin tutal busy na siya sa trabaho niya lalo na may posisyon na siyang mataas. Pumasok si John ng kwarto na kumakanta.

“ I knew I loved you before I met you…” Tuwang tuwa siya na pati ako sinangkot sa pagkakanta niya. “Eden! Samahan mo akong kumanta. Di ba mahilig ka sa mga kanta ng Savage Garden?”

“Ah eh, Oo.” Hindi ko alam ang sasagutin ko. Totoong paborito ko ang mga kanta ng Savage Garden pero ayokong makikanta sa kanya sa panahon na iniiwasan ko na siya para madali kong malimutan ang nararamdaman ko sa kanya.

“Eden, huwag ka namang K.J. Sige na, ‘I knew I loved you before…’ ” Wala akong magawa kundi makikanta nalang din. Hindi ko maitatanggi na mahal ko na nga talaga si John dahil kahit kalimutan ko man siya, napakaraming bagay ang nagpapaalala sa akin sa kanya.

Lumipas ang mga araw na napapansin kong napakasaya ni John. Pumapasok siya nang walang problema daladala ang mga papeles na kailangan para sa mga projects ng MULTI. Pumasok ang isang babae na may dalang papel. Lumapit siya sa akin sabay sabi:

“Kilala mo si John Edwin Mendoza? Classmate niya kasi ako. Pakibigay naman ito sa kanya…” Inaabot palang sa akin ng babae yung papel biglang nagsalita si John. “Ei! Nandyan ka pala. Kanina pa kita hinihintay.” Habang naguusap silang dalawa, pumunta muna ako sa computer para tapusin ang article ko na deadline narin ng araw na iyon.

Narinig kong sumara ang pinto ng MULTI. Tingin ko yung kausap ni John na babae ang lumabas. Ilang segundo pa ay nagsalitang mag-isa si John.

“Ganda niya talaga. I love you.”

Nasaktan ako sa pagkakasabi niya. Crush niya pala yung babae na kanina lang ay kausap ko. Naisip ko na buti pa siya, nasabihan siya ng “I love you” ni John samantalang ako, nananaghoy sa mga salitang iyon.

“Uyyy si John in love.”

Wala na akong masabing iba para takpan ang lungkot ko sa katotohanan na ito. Hindi sumagot si John sa sinabi ko. Tingin ko dahil tuwang tuwa siya na nakausap niya ang taong gusto niya. Nagmistulang kumakausap ako sa hangin dahil ang kausap ko ay nakatitig sa kawalan. Lumabas ako ng MULTI pagkatapos kong i-encode ang artikulo ko. Marahil pati paglabas ko, hindi na niya inalintana dahil busy siya sa kakaisip sa crush niya. Kung crush nga lang ba matatawag doon.

Wala akong karapatan na magalit sa kanya. Kahit magselos wala akong magandang dahilan. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Roland, isa sa mga kasama ko sa MULTI tungkol kay John.

“Alam mo, huwag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay John. Alam mo naman ang totoo, hindi ba? May sariling pamilya na siya. Kaya wala ka nang puwang sa puso niya”

Biro lang sa akin ni Roland yung sinabing may pamilya na si John pero yung katotohanan na ipinagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya, dun ako lalong nasaktan. Ayaw ko man na umabot sa ganito ang pagkakaibigan namin, tingin ko kailangan ko na talagang lumayo.

Tatlong araw akong di nagpakita sa MULTI. Hinanap ako ng mga bagong officers doon dahil madami narin akong deadline na article. Lagi akong nagdadahilan sa tuwing nakikita nila ako sa library naglalagi at hindi na sa opisina. Minsan naisip ko mas mabuti na ang bumalik kami sa dati. Yung mga panahon na hindi ko kilala si John o kaya naman hindi ko pa nararamdaman na mahal ko siya. Kung hindi ko lang naramdaman ito, tingin ko masaya parin ang pagsasama naming dalawa; kinakausap niya ako nang walang iniisip na iba, kinukwento niya sa akin ang mga “crushes” niya nang hindi ako nasasaktan at lalo na, kami na ang pinakamatalik na magkaibigan sa buong campus.

Miss ko na ang lahat ng iyon. Kasalanan ko nga marahil ang lahat. Hindi ko narin naman maibabalik sa dati ang mga bagay na ginawa ko na. Wala naman din akong alam na paraan para mabago pa ang tingin niya sa akin. Kung may fairygodmother lang sana ako, pwede akong mag-wish na ibalik nalang ako sa dati; Ako at si John – friends lang talaga. Hindi ko na hihilingin na maging kami ni John dahil parang diniktahan ko na ang puso niya kung sino ang dapat niyang mahalin.