Showing posts with label inside the princesses mind. Show all posts
Showing posts with label inside the princesses mind. Show all posts

Sunday, August 14, 2016

Random Memories: Daybreak

photocredits from http://pamba.deviantart.com/

You're like the warmth of sunshine
That waken up my soul
That smile.. That laugh..
It lingers in my mind

That look which stole my heart away
Those fiery gaze that melts me 
Inch by inch
Wanting you more and more

But it seems you try to put out the fire
Leaving me in this bed alone
Dreaming that one day you'll be by my side

What have you done? 
You left me drugged with your scent
The electrifying feeling when your skin touched mine
Why did you do this to me? 
Now all I wanted is to be with you.

Till then, things changed
The odds now are not in my game
I felt you are suddenly pushing me away 
It felt cold, it felt completely different.

Suddenly a part of me, reminded my heart
What was said before by someone
"you don't deserve to be loved"

I never listened to that voice
But now its deafening, numbing all my nerves

When will this stop? 
When will you satisfy the thirst inside? 
Can you make my fantasies come true?
Will you? 
Maybe not...
Cause you don't want to see me falling in love with you...

Monday, March 26, 2012

Taglagas sa Tagsibol

Taglagas sa Tagsibol
(2000)

Puso’y minsan nang umibig
Lagi namang nasasaktan
Dalamhating aking angkin
Kinukubli lagi ng kasiyahan

Hindi na ninanais
Hindi na rin inaasam
Magmahal pa muli
Gayong ito’y nakakasakit lang

Ngunit bigla kang dumating
Sa landasing aking tinahak
Pinatibok yaring puso
At hindi na sinunod ang utak

Pagdaan ng panahon
Sa iyo’y nahulog na
Anghel na mula sa langit
Sana ikaw na talaga


Ngunit sa isang pagkakataon
Tagsibol pala ang iyong puso
Walang daan para sa aking pagtingin
Pagkat iba pala ang iyong iniibig

Tagsibol sa iyong puso
Taglagas sa aking damdamin
Tag-araw sa iyong landasin
Tag-ulan sa akin dumating

Sumpa ngang tunay sa akin ibinigay
Ng dating pagmamahal na ako lang ang nag-alay
Ngunit natuto sa iyo’y magsinta
Kahit masaktan patuloy pa ring umaasa

At kung iyong mapapansin
Aking tunay na damdamin
Nawa’y hindi ka maging huli
Upang taglagas ko’y maging tagsibol muli


Author's note:
I took this from my 1st blog http://soundsofheaven.blogspot.com/ also published in UST Education Journal when I was in college.


Monday, February 27, 2012

And I am back

I think it has been more than 3 months since I last posted on my blog. I've been busy for some things and I'm so dying to share to you 




for those 3 months that I'm very busy with twitter and facebook, I've been eating alot *burp* and enjoying my single time with my sister.  


for now, I still not in the mood to continue writing (due to uber busy schedule) but ill be back, dont worry guys 




:D 

Monday, January 30, 2012

The Indispensable Bruha: Grocery fiasco 101

From boring to busy... that's what happen whenever I do the grocery. I never got a list to buy but rest assured that there is always something new in my grocery bag.


You can say na magastos ako.  Well, I worked hard for it naman so no arguments for that please :)  It just that there is one specific place in a supermarket na di pwede na hindi ko madaanan; and that is International Section. 


I know its a lil bit of a controversy dahil mukhang hindi ako sumusuporta ng sariling atin. Hindi naman sa ganon guys.  I'm really curious of new products and learn new things na hindi mo lagi makikita within your area. I only experience this kind of insanity to SOME malls lang naman. Not all malls (supermarkets) got a good package of international variety.  


Kung tatanungin mo ako kung may listahan ako ng paboritong mall pagdating sa mga rare and not usual na pagkain, YES i do have it :D  well not of them are considered rare, di lang talaga tinitinda yun sa ibang grocery because of the price.  


and here is my short list :P


1. Rustan's Supermarket, located at Powerplant Mall  -- san ka ba makakakita ng isang buong parmesan cheese (pwede mong amuyin at hawakan) and pre - prep na ravioli. I cant help myself nung nakita ko yun.  Of course, im with my sister when we visited that place and all we can say is wow! and imagine they are selling blackberries and cherries ALL FRESH!!! 


2. Gaisano Supermarket, located at Market Market -- salsa, sauces and creams marami sila nun.  


3. Shopwise  - they always got good things in store that is affordable. Practicality wise, this is first in my list :D




and to introduce the new in my bag:






 Lay's munch and mash... well di ko naman nakuha sa international section but its new so i pick it for my sister :D 








Casino's Minestrone... this is made from France. Yah my sister can cook minestrone but since konti lang kami sa bahay, we'll have the instant nalang hehehe 






ano sabe??!?! 




dont worry hinanap naman namin ni ate ang translation sa net. thanks to babylon, di pala kailangan pakuluan... slow cooking lang ang drama nito.... 




meron din po pala akong biniling panlinis bahay Cif po yung pangalan pero ung ibang description di ko na maintindihan kasi Chinese... wala namang nakalagay na bungo na may x  ☠ kea ok lang... sinubukan ko narin kea walang picture... di naman po natunaw ung kamay ko (whew!) kasi nakapagblog pa ako... 






it was really a great day kanina.  Kahit traffic, i still enjoyed every moment kasi nakalibot ako at natuto ako ng French :D hehehe. 




looking forward for another grocery fiasco... 






Princess_belle 



Sunday, January 29, 2012

another b.o.r.i.n.g. day

out of butter :( 












got a can of milk... 















some eggs...















and TOTALLY UNINSPIRED ME!!!!


I'm planning to bake my newly loved recipe Lemon Poppy Seed loaf without the poppy seed (LOL) but suddenly i changed my mind after I opened the refrigeration and found out that I'm out of butter... well i don't really blame it to my yellow friend but I don't really bake if I'm ummm... uninspired or not really in the mood... I just got that feeling of not doing anything and just to eat some sweets or even pastries.  I'm already planning to call for delivery (either from McDonalds or from Jollibee) but I just got to my senses and tell myself that it would be better to just stay put and watch TV.

Good thing that there are still good shows airing... just watched National Geographic's Dog Whisperer. 












After that, I started to play Coco Girl again (as usual) until I get tired.  Not really a bad day now a great one.  well i just need to look forward for tomorrow :)  positive thinking i guess haha!!!


♥Princess_Belle♥






Wednesday, January 4, 2012

Diary of a Goodbye Girl: Queuing

Queuing...


Hindi na bago ang salitang ito sa akin.... Ito na marahil ang nakakasalamuha ko sa araw - araw. Ang kaaway ko, at bumubuhay sa akin.  Pero ano nga ba ang salitang Queue??? 


eto ba ang kasama ng saging sa banana que? or sosyal na tawag sa pantusok sa barbeque?


kung meron sa inyo ang hindi nakakaalam kung ano ito, ating tanungin si Merriam Webster 


** thanks sa link http://www.merriam-webster.com/dictionary/queue



Definition of QUEUE

1
: a braid of hair usually worn hanging at the back of the head
2
: a waiting line especially of persons or vehicles
3
a : a sequence of messages or jobs held in temporary storage awaiting transmission or processingb : a data structure that consists of a list of records such that records are added at one end and removed from the other



nakakabit sa salitang ito ang "waiting" o kaya naman ay paghihintay.  Sino nga ba ang mahilig sa queue?  Ang tao, napakabilis mainip.  Ayaw natin maghintay sa tamang sakayan kasi pwede ka naman ma-pick up ng jeep kahit nasa island ka ng kalsada nakatayo.  Ayaw mo rin maghintay sa linya kaya minsan nakikipila ka nalang sa Senior Citizen's lane at mangaaway ng cashier. Ayaw mo rin na naghihintay sa kasamang halos 30 mins ng late dahil sa traffic at lalong lalo na, ayaw ng lahat ang uminit ang upuan sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang traffic.



Lagi nating nararanasan ang salitang ito.  Minsan dahil sa mabagal na proseso, kaya nagkakaroon ng queue. Mayroon din naman pagkakataon na sabay sabay lang talaga ang mga tao kaya nasasama ka sa isang matinding problema.

Hindi naman masama ito. May pagkakataon na ito ay isang mabuting bagay para tayo makapagisip. kung lahat ng bagay ay mabilis, minsan nakakaligtaan natin ang mga bagay na importante sa atin.  Ganito narin ata pagdating sa Love...

Nasanay na akong queuing ang love sa buhay ko.  Sa tagal ko nang pagiging single, pakiramdam ko ay laging walang oras si kupido para panain ang lalakeng gusto ko.  Di na rin ako umasa kasi nga masama ang maging assuming at masama rin ang umaasa sa wala. Well, pasalamat narin ako kahit papaano dahil kahit hindi ako maasikaso ni Kupido, nagkaroon ako ng pagkakataon na maging mapanuri at makapaghanda.  


Tinuruan din ako nito na maging mapagpasenya at matutong maghintay.  Kahit sa bilis ng panahon ngayon, kailangan din natin na maghintay ng tamang tiyempo tulad nga sa sayaw.  

Naisip ko na isa lang ako sa maraming nakapila para matugunan ang hiling na magkaroon na love life at sa queuing ito, minsan dun din tayo nakakatagpo ng kasabayan natin sa paghihintay.

Di naman pala masama ang queue. Di masama ang maghintay.  Dahil minsan ang paghihintay ang siyang magbibigay sa atin ng pagkakataon para mahanap ang gusto natin makita. 


:)


Princess_Belle 



Sunday, December 25, 2011

The Indispensable Bruha: New Year, Year of the New...





few days to go, we will say goodbye to 2011 and say hi to the new year, 2012.  As usual, most of us will have their pen and paper ready to write down their new year's resolution...

Sa opinyon ko lang naman, parang ang resolution na ito ay para sa bagong taon at hindi sa taong gusto magbago.  Aminin natin sa hindi, maraming pangako na ang nasira ng resolusyong ito at minsan nga ay parang project nalang to sa loob ng school.  Naalala ko kasi noong elementary, pinapasulat kami kung ano daw ang new year's resolution namin.  Nuong una nahihirapan ako magsulat kasi nga -- bakit kelangan ko ng resolution kung wala naman akong dapat baguhin sa buhay ko...(namimilosopo lang ako nung panahon na yun) tinawag nalang nila sana plans for next year... kasi ba naman pinost ng teacher ko na example.  "Di na po ako magkakalat", "Di na mangongopya sa katabi, sa kaharap nalang" at kung ano - ano pa na hindi mo na gagawin ulit...

Mahirap kasi hindi gawin ang isang bagay na nakasanay na... May ilan akong kakilala na nagsabi sa akin na hindi na daw siya mambababae pero kalahati pa lang ng taon ay malalaman ko na hiwalay na sila ng kanyang nobya dahil sa kabit.. Oo nga naman, hindi na siya mambababae kasi nga naman ang girlfriend nya is yung kabit niya... (pwede...haha)  Pero sa katotohanan ang mga bagay na bawal ay sadyang mahirap iwasan.  Mas maganda pa sana kung may plano ka nadapat gawin para maiwasan ang mga masasamang bisyo at nakasanayan para hindi mawala ang mga taong malapit sa atin.


Kung ako tatanungin ninyo, may ilang plans for the new year ako dito


1. Matulog ng maaga para chill lagi kapag nagta-take ng calls (lagi kasing mainit ang ulo)
2. Ugaliin na magbaon para hindi maubos ang kakarampot na sweldo
3. Kapag nagtitipid at Critical Wallet Day tpos may nag - aya na kumain sa labas >>> tumingin kay crush >>> at sabihin sa nagaaya,  "Busog pa ako, eh" (si crush pa lang, ulam na)
4.  Kung si crush naman ang nag-aya na mag-lunch, HUWAG MAG HESITATE!! sabihin agad Oo!
5. Huwag papagurin ang sarili, dahil hindi na uso ang bayani
6. Dapat laging positive thinking... kung nakita mong may ham na inuuuwi ang mga nasa kabilang kumpanya at ikaw wala... sabihin mo agad "at least wala akong bitbitin"
7. Magtipid ng sweldo pagdating ng December -- para sa ham
8. Magpasalamat sa taong magsasabi na mataba ka at idagdag "buti nalang kahit wala akong pang-noche buena ay nagkalaman ako... (parehas lang ng nasa # 6) 
9. kaya nga tinawag na "bonus" ang mga noche buena pack na pinamimigay ng kumpanya ay dahil dagdag lang ito... pasalamat ka kung meron pero kung wala ay hindi naman daw mandatory yun. (kaya wag ka nang umasa)
10.  Laging humarap sa salamin at tignan ang mga wrinkles.  Kasi sa 10 resolusyon na ito, isa lang ang pinananggalingan ng problema... 


Madami tayong gustong baguhin sa buhay natin. pero tulad ng sinabi sa akin ng supervisor ko, "Its already a thing in the past"   Hindi na natin maibabalik ang panahon at oras na sinayang natin kaya mas maganda kung sa simula pa lang ay maayos na ang ating nagiging gawi at desisyon


Bagong taon, bagong pag-asa ika nga nila.  Meron mang bagong problema, isipin nalang natin na hamon lang sa atin ito para maging matatag tayo at tumalino sa mga desisyon na gagawin para sa kinabukasan.  


Isang gabay ang new year's resolution.  Ikaw ang nagtakda nito at kung hindi ito masunod,  alam mo na kung sino ang may kasalanan....






Princess_belle

Wednesday, December 21, 2011

The indispensable bruha: Update Required

Sobrang lakas ng ulan kanina.  Nakita kong tumaas ang tubig sa harap ng bahay namin kaya naisipan kong "magsundot" ng kanal para bumilis ung daloy ng tubig.  Di ba parang kadiri lang.  Naghugas naman ako pagkatapos.  

Tinamad narin ako mag-bake ng cupcakes.  Alam kong ito ang pinakamagandang panahon dahil hindi ko mararamdaman ang init ng oven pero sadyang nakakabagot ang magluto.  Bahala nalang si mama sa iba.  Subalit kumati narin yung ulo ko sa kung ano ang pwedeng gawin...  Wala nang matinong palabas sa tv, nagdi-diet ako kea di ko rin feel ang kumain at tulog ang kapatid ko kaya wala din akong ka tsismisan.  Bigla kong nakita ang telepono ko.  Naisip ko na gusto ko ng hello kitty sa phone (walang aangal...) kea naisipan ko na magdownload nalang ng themes galing sa kompyuter. pagkasaksak ko ng USB sa pc biglang lumabas sa screen... "Update Required".  Well kahit pwede mo naman ipagpaliban ang update eh nagpatuloy ako.  Naisip ko rin kasi na kailangan na ng telepono ko ng isang update para naman di nahuhuli sa mga applications. 

Hinuha ko... buti pa ang phone ko updated na... ako kaya? 

well after 30 mins natapos ang update ng phone ko... eto na yung application na meron sya...


di naman siya exactly na ganyan kasi di naman iphone yung phone ko... masaya narin ako kasai nakuha ng phone ko ang gusto ko na mangyari sa kanya.  Pero di talaga malingat sa utak ko ang word na UPDATE... kasi naman habang tumatagal, nag-iimprove at nagiiba ang paligid natin...

Lovelife ko kaya? kelan kaya magiging updated?

Papalapit na naman kasi ako... for 26 years of my existence, napabilang na ako sa tinatawag nilang SMP (samahang malalamig ang pasko).  Its not really a big deal for me kasi nag-eenjoy naman ako bilang single.  Night out with friends, shopping, eat out at kung ano ano pa... pero hindi kasi nawawala ang usapang lovelife sa tuwing nagkikita kayo ng mga kaibigan mo.  Hindi rin nawawala ang gasgas na tanong na "bakit wala pa??"  sagot ko nalang:: di ko nga masagot ang sarili ko sa tanong na yan, kayo pa kaya?

Hindi lang naman ang lovelife ang kailangan na updated.  Career, family at lalong lalo na ang spiritual life... yun ang kailangan updated tayo... ang daming bagay sa mundo ang kailangan na updated.  Minsan nakakapagod pero kailangan.  Tulad nga sa kanta... Tumatakbo ang oras na iiwan na ako ng panahon... 

haaay buhay nga naman... ang oras ay hindi tumitigil... so tayo din... dapat hindi tumigil :D 




Princess_belle 

Monday, December 19, 2011

the indispensable bruha: ribbons of hope and wrappers of love

5 days before Christmas eve... everyone is busy, shopping... grocery.... bonus... 13th month pay... 

I turned on the tv and it was TV Patrol airing at that time.  All I can see on the screen was mud... flooded areas... tumbling cars and dead people.  I was thinking, why now? why at this time?  why when its only 5 days to go.  I felt a lil confused to why... why at this time... I know I'm not in the position to ask God why near Christmas where the celebration needs to be happy.  All I thought  is this time, its time of sharing.  Time to give whatever that is excess or even we dont really need.  

I know Lord has a purpose why this happen... ask me? I don't really know.  I remember a friend told me this.  "we live here in the earth as a testing ground, sometimes people do pass early and they graduated and some are left behind to be angels of those who are lost."  So  I believe God really has a reason.  He wants us to know that we are not alone, that there are people who needs our help.. He also wants us to take care all of the things he provided us.  the rivers, seas, trees and a lot more.  

This incident has a great bearing to me since the last super typhoon "Ondoy." I was there, stranded in the middle of Manila and Quezon City looking for a place to stay for the night since I cant go home. I saw people sleeping outside the mall just to be safe, hoping that the rain will stop and the flood will subside.  I was there when I have no choice but to stay on a motel with a gay friend who has been my angel since then.  I felt all alone at that moment, but God gave me reasons to move on and be strong.  

going back, I saw this picture on FB.  Hope all of us can help our fellowmen most especially during this time. 




they need our help.  Make them feel that there is still Christmas.. 


Princess_Belle

Tuesday, December 13, 2011

in my dreams



There was a time some time ago
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the lord when I'd wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin'
You see in my dreams you love me

hindi ko rin talaga alam kung bakit ko nagustuhan ang kantang ito... alam kong luma na ito at "korni" na sa karamihan pero... walang basagan ng trip... nage-emo lang... mahirap kasi magtype ng maliit ang keyboard... tipid ang mga salita para di masakit sa kamay.  Ilang beses ko na nga ba nakalimutan na bumili ng bago? 1...2...10? hindi ko mabilang... paano ikaw kasi ang laman... pak! hahaha

sorry di ko mdugtungan ang nasimulan kong buhay ni Eden... hanggang sa ngayon, nawawala parin ang sapatos niya. Nandyan nga si prince charming, suplado naman... pero masaya narin ako... kasi dinulog ni Lord ang hiling ko... isa sa mga Christmas wishes ko ang makita kitang nakangiti... Oo... big deal un... bakit?... kasi ang MAHAL!! i mean MAHAL... as in EXPENSIVE... kasi ng mga ngiti mo hehe.. at least ngayon nakikita na kitang tumatawa.  well kahit hindi ako ang dahilan, ok lang... at least naging bargain ang smile mo... 

Balik tayo sa kanta... bakit nga ba? ah kasi maganda yung meaning ng kanta. parang nangangarap ka na makasama ang taong ninanais mo at maisasakatuparan mo lang ito sa pamamgitan ng pagtulog.  Nocturnal akong tao kaya dinadaan ko nalang sa kanta.. pero mahilig din ako sa idlip...pwede narin naman yun eh.

"for as long as that you love me... in my dreams" aba! sa lyrics na ito, tipong "di na ako gigising dahil alam ko sa pagtulog mahal mo ako..."  well most of the time nakikita ko siyang tulog hehe... naku babalik na naman sa kanya ang usapan... makatulog na nga :P



Princess_Belle

Tuesday, November 8, 2011

The Indispensable Bruha

Nov 8, 2011.... kinda bored... or simply a stupid day... let's say I'm all stressed out because of the calls.  Another reason is that I wasnt able to think of a topic or anything that may spark my attention.


bakit nga bang indispensable bruha? nothing much really.  it just popped out of my mind.  marahil dala narin ito ng pagiisip ko sa sarili ko.  


Aminado ako kasi na vain ako paminsan minsan... well most of the time pala. Parte na ata ng pagiging babae ang ganun (sariling opinyon ko lang yun ah) subalit kung tutuusin mas maraming babae ang bumibili ng sabon na panligo na may iba ibang gamit sa katawan


Nakakatawang isipin pero totoo.






iilan lang to sa kinakabaliwan ko. may ilang pinagsisihan pero halos lahat nagustuhan ko. mabango kasi at masarap ang pakiramdam na mistulang balat ng baby ang kutis mo pagkatapos.  


At tulad ng sinabi ng isa kong kaibigan.  kelangan indispensable ka.. sa lahat ng hamon ng buhay, lovelife, career, family at kung ano pa yan dapat di natin kinakalimutan ang ating mga sarili.  na may karapatan tayo na magpa-pamper ng ating mga sarili 


^_^ 


Princess_Belle

Thursday, October 27, 2011

always something there to remind me

sa labas, nanunuod ang mahal kong tatay ng cable... palabas, old skul... di ko alam ng title pero alam ko, bata pa si Gov. Vilma, bootcut ang jeans at mahigpit ang mga polo ng mga lalake... ilang linggo narin pala ako di nakakapagblog. paano nga naman isang maliit na keyboard ang kalaban ko. haaayy! sira kasi ang keyboard ng baby ko.. di kaya ng togmolodon o kya ng yakapsul. Sabi ng technician, major surgery daw ang kelangan ng laptop ko... masama talaga... tsktsktsk

pero napatunayan ko rin na mahirap kalabanin ang sarili kapag inatake ng topak. kaya habang naririnig ko sa labas ang kwetuhan ni Vilma at ni Romeo Vasquez (salamat kay papa) naisipan ko na makinig ng old skul din na music.. hahaha 

buti pala lumabas din ako kasi muntik na akong maubusan ng papaya... tsktsktsk... haay belle pagkain nga naman.  di ko maiwasan na makinuod sa tatay ko.  kasi naman magkwento daw ba kung gaano kaganda ng manila at ng makati nuon.. well as i see it, oo nga mas maganda nga ang kalsada nuon.  Nakakamiss... hindi ko man to naranasan or nakita nanghihinayang ako kasi ang ganda pala talaga ng luneta nuon... haay thats life things change.

pero kung tataungin nyo ako bakit ko naisulat ang blog na ito ay kahit ako hindi ko yan masasagot.... may mga  bagay lang ata na nagpaalala sa kanya or mistulang guni guni ko lang...

ok na sana eh... natakot tuloy ako kasi mahirap nang matsismis hehehehe

Monday, October 17, 2011




Love... parang elevator... bakit nga naman natin pagsisiksikan ang mga sarili natin sa isang tao na wala ka naman palang espasyo sa puso nila. Eto ang usual dilema ng mga tao, often resulting to "third party" bakit? kasi magtatake - advantage ang isa for you know... reasons pero ang mahal nya parin is yung original.  Gulo di ba?  ganun na ata talaga ang relasyon... meant na maging magulo... pero oo nga naman sa imbes na elevator na hindi ka makasakay, bakit hindi nalang maghagdan. Good for the heart pa yan kasi may physical activity at sure na pinaghirapan... at ito ang pagmamahal na hindi minadali. Hehe.


Marahil nga hindi talaga madaling turuan ang puso na gumawa ng tama.  Kahit mali, inconvenient at kung ano ano pa ay kayang suongin para lang makasama ang taong ninanais. Kudos sa lahat ng inlove, maiinlove at sa mga naiwanan at nasaktan, OK lang yan.  Siguro may dahilan si God para sayo kaya nya tinanggal sa buhay mo ang taong pwedeng pagmulan ng sakit sa ulo mo. Reason bakit nauso ang alternatives kagaya ng alternative medicine, LPG na pang - replace sa langis, Boteng kisame at kung ano ano pa... ang love, parang elevator.... kelangan mo ng tamang pagkakataon at saka panahon para makasakay ka o kaya naman gumamit ng hagdan kapag di ka talaga kasya.


Princess_Belle

Saturday, October 15, 2011

1 week... big day for me

kukunin ko lang yung cake ni Erica... hahaha hello kitty kasi




One more week to go, one year will be added but a lot of responsibilities to finish.. A LOT of goals to achieve.

Oo nga.  isang linggo nalang at dadagdag na ang edad ko.  Pero kung tatanungin ako ng mga tao, parang na - stuck ako sa edad na 22.  Yun kasi ang edad kung saan naging maganda ang career ko, kahit love life ko may kulay ng konti.  Haha oo nga pala LOVE LIFE.  Hindi mawawala ito sa usapan kapag tumatanda ka na.  Mistulang isang kasalanan ang maging single kapag dumadagdag ang taon.  Wala pa naman sa constitution na ang mga nasa edad na 25 pataas ay dapat may ka MU na or BF, subalit ipinamumukha ng mga tao na isa kang loser kung wala ka nga.

Hindi naman ako apektado masyado. Subalit hindi matatanggal sa isip ko kung bakit nga ba wala. Alam ko pihikan ako pero minsan parang di naman ako ang may problema.  Ayaw nga lang talaga nila sa akin. haha.

Well, malalaman ko rin yan.  Tulad ng mga sinabi ng kaibigan ko, dumadating lang yan.  Baka nga dumating na siya, takot lang ako sa kanya at takot lang din siya sa akin. hehehe


- Princess_Belle