Tuesday, June 11, 2013

Sardinas express


Saan: Libis (sa loob ng dyip)
Kailan: Buwan ng Hunyo

Pasukan na nga. Kaya ako pumili ng maagang pasok saa trabaho para iwasan ka. Pero sadyang mailap ka, kahit saan sinusundan mo ako. Sa kahit anong pagkakataon, lagi tayo nagkakatagpo. Marahil ikatutuwa ko nalang ang Linggo sapagkat wala ka... Kahit isang araw lang masaya na ako... Wag lang mag krus ang landas natin... Traffic

*** 
Di ko maiwasan na matawa sa ilang tao na affected masyado. Nagpapasalamat narin ako dahil alam ko ang isang bagay... May halaga ako sa kanila kaya apektado sila sa mga post ko... 

Di sa lahat ng pagkakataon ikaw ang tinutukoy ng isang tao. Hindi porket may salitang IKAW ay iisipin mo na ikaw na paksa ng usapan. Walang masama magisip... Pero kapag wala ang pangalan mo, bawal mag-assume 

:) 

Princess_belle

Saturday, May 4, 2013

Saving Forever for You

"Saving forever for you...
You are the only one I'd ever give forever to "

Liriko ito ng kantang nasa telepono ko. Bigla kong naisip kanino nga ba ako nagsasave ng forever? May tao bang naghihintay din sa akin para makasama ako forever o baka umaasa lang ako.

Di naman masama umasa. At lalong di masama ang maghintay. Pero parang di na ata darating ang "you" sa kanta ko. Natatawa nalang tuloy ako sa sarili ko bakit kasi nakikiuso ako sa mga taong inlove. Di naman bagay sa akin yun sabi sa akin minsan. Ilang beses din naman na yun napatunayan na kapag inlove ako, iniiwanan ako ng mga taong gusto ko.

Bawal ba ako mainlove? Baka nga...
So saving forever nalang. Kung may dumating, eh di ok. Kung wala, tanggapin nalang ang katotohanan na ang love eh para sa iilang mapapalad lang at hindi para sa lahat.

Wednesday, May 1, 2013

The Indispensable Bruha: Ang nawawalang prinsesa...

Ang daming kinilig... Daming umasa.

Madaming ang mga naging "abangers" kung sino nga si mystery guy...

Isa lang ang sagot ko: Mas malaki ang mysteryo na hawak nya. Taken na pala siya. Ang inakala kong single eh may partner pala. Natawa nalang ako bigla kasi ung taong lumalapit sa akin, kumakaibigan sa akin, yun pala ang "girl" nagka trauma tuloy ako sa tawag na friends lang kami.. Masyadong SHOWBIZ di na nakakapaniwala. Akala ko, sa tv lang nauso yun; pati sa normal na situasyon.

Bakit nga ba ako nawala? Ang tagal ko nang hindi ito binalikan. 

Sa katotohanan, inakala ko kasi na may totoo na akong fairy tale.  Akala ko, nakita ko na ang prince charming ko na dala ang nawawala kong sapatos. Oo, nakakita nga akong prince charming at may dala siyang sapatos... para PAMPUKOL pala yun sa ulo ko. 

Sa pag aakalang isusuot na niya sa paa ko ang sapatos, bigla niya itong binato sa akin at sinigurado niyang tatama sa ulo ko. Nagising ako sa panaginip na unti unti kong binubuo. Tama naman siya. Mali ang umasa. 

Ginising nya ang kamalayan ko at pinaalala niya ang minsan nang nabanggit sa akin nung HS ako. 
"Makapal ang mukha mo na mainlove"

Naisip ko mas mabuti na ang makapal. Lalo na ngayon na matindi ang sikat ng araw... Isama na natin ang katigasan ng ulo ko kaya napupunta ang lahat sa wala. hahaha

Isang magandang aral din ang natutunan ko sa pagkawala ko sa blog na ito. Na maraming mas importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.  Tulad ng pamilya, trabaho at lalong lalo na ang sarili.

Babalik ako sa luma kong kuwaderno. pipilasin ko ang mga madudumi at magugulong pahina at magsisimula ako sa malinis na dahon ng papel :D


Princess_BeLLe


Monday, February 11, 2013

:'(

Isang araw magkikita din tayo. Isang araw na titignan mo ako. Gusto ko ngumiti ka... diyan kita minahal eh. Isang araw na para sa akin, ako na ang pinakamasaya. Isang araw na ako ang titignan mo ako, subalit hindi ako nangangako na makakatingin ako sayo pabalik...

- Eden

Tuesday, October 30, 2012

It’s not only an adjective

Aching feet, headache, logging out late, 5 hours of sleep. A common scenario expected after a busy day of recruitment.  This was just a result of coming to work on time, assisting applicants, announcing total number of passers, and helping in handing out lunch to applicants, interviewers and co-creative members.

I considered myself as a "normal" agent before. A person who will come in to work on a scheduled time, take in calls, takes her breaks and lunch and punches out to Kronos at the end of the shift. That was my life 2 1/2 years ago. Then suddenly my life changed because of a decision.

After VMA bid goodbye to Sitel, everything was a roller-coaster ride for me. My colleagues and I were asked to report to ETON, without knowing what our task was for that day while waiting for a training schedule. It left me with no excitement. One day, I asked myself: "What now?" "Did I gain something?" "Am I productive?”   -- that time I desired some change for myself. I felt my life was mediocre and I wanted to do something different. Good thing my prayers were answered by VA Creative.

They needed dedicated volunteers who will assist in the recruitment process. At first I thought that our task is limited only to recruit new hires but I was wrong. Our leadership skills were tested by creating programs, planning activities for the upcoming months and creating a project proposal for any ideas that we came up.  It’s not only executing or helping out in VA projects but we are given the privilege to voice out our ideas and get constructive criticisms if there are challenges. It’s really more that what I've expected.

For me, it was like a journey back in time. I missed my student council days wherein we are asked to create and implement school activities. This time it’s a little bit different. We don't focus on solicitations, we make sure that the program will be feasible and all of the agents will participate to the events listed. 

It’s not only work with VA Creative. We always make sure that we will have fun as well. We usually do "pinoy henyo" and ice breakers during free time. Some of us will also bring in food to share during meetings and brainstorming.

Being with VA Creative is neither easy nor hard.  It’s a matter of bringing out the natural leader in us. We all have the ability to be dedicated in our chosen jobs and for me, deciding to be in this team helped me bring back the things I've learned in my college years and from my past experiences and to learn new ones.  

It's indeed more than sore feet, headache, 5 hours sleep etc. It’s a team where people are united with compassion, competence and commitment to work beyond boundaries. A place where feasible imaginations are accepted, leadership and critical thinking will be tested, and dedication is the main ingredient. A team whose members spell WORK as FUN. 


Princess_Belle

Monday, October 29, 2012

kahapon... ngayon... bukas... ano na?

Limang buwan...

Humigit kumulang na limang buwan na hindi ko nadagdagan ang mga nakalagay sa blog ko.  Hindi ko alam kung ayaw ko lang ba magsulat o sadyang tinatakasan ko ang isang bagay sa buhay ko.

Nakakalungkot kasi minsan ang gumawa ng akda. Lalo na kung ang nakasanayan mo nang paksa ay tungkol sa mga bagay ng may kinalaman sa salitang "sawi" "lungkot" "paghihintay" "panghihinayang" at napakarami pang iba.  

Pilit ko na ngang kalimutan ang blog na ito.  Isa ito sa tatlo na aking binuo o marahil isa sa lima na aking itinayo nuong nasa kolehiyo ako.  Ano nga ba laman nito? Ako... 

Tama. Kung ikaw ay isa sa mga taong malalapit sa akin at nakakaalam sa takbo ng buhay ko, ako lang naman ito. Mga tao sa paligid ko, mga bagay na nakikita ko araw - araw, linggo - linggo at buwan - buwan. 
Mga taong nakikila ko, mga bagay na nararanasan ko at mga taong minamahal ko.  

Muli akong susulat sa blog na ito upang mangumusta. Subalit wala parin akong akda na maisip sa ngayon.  Sana magkaroon pero sana sa pagkakataong ito, masaya na ang ending ng kwento....


Princess_Belle 

Tuesday, May 8, 2012

PAGSALUBONG SA TAKIPSILIM (at ibang tula)


PAGSALUBONG SA TAKIPSILIM (at ibang tula)


Pagsalubong sa Takipsilim
(Prologo)
(2004)


Salamat sa pagdating kadiliman
At iyong tinugunan
Buhayin ang aking nahihimbing na kamalayan

Pinupugay ko ang iyong kariktan
Kasama ang dilim ng gabi
Na nagpapalabas sa aking kagandahan

Supilin mo o kalungkutan!
Ang ilaw ng tuwa at saya
At isabog ang luha sa madla

Sa pagsalubong sa takipsilim
Na aking pinakahihintay
Muling mabubuhay ang koro ng mga hikbi;
Na panaghoy ng mga sawi

O gabing paparating
Sakupin yaring langit
Kahit sa mumunting oras lang ng dilim
Ito’y mapasaakin


Kasawian
(2004)

Ako ang anak ni lungkot at sakit
Pinanganak kakambal ang pusong sawi
Pangarap ko ay maabot ang langit
At mahaplos ang aking mahal na bituin

Kapatid ko ay pagkukubli
Ako ang dugtong ng buhay na puno ng pighati
Laruan ko ay luha,
Hikbi ang aking gawi

Ngiti ang aking taguan
Pagtawa sa akin ay isang pagaalinlangan
Kailangan lang gamitin sa oras ng kagipitan
Upang takpan ang aking katauhan

Ang aking irog ay wagas na pagmamahal
Laging nakangiti at nakatawa
Lubha ang mundo namin ay magkaiba
Kaya siya ay aking tinitingala

Puso niya ay puno ng pagsinta
Samantala sa akin ay sugatan ng lubha
Sa tuwing kasama niya si kagandahan,
Damdamin ko’y parang tinurukan

Ang ngalan ko pala’y kasawian
Tagapamahala ng mga pusong sugatan
Kaibigang matalik ang tahimik na puso,
Na nagsusumigaw sa hiling ng pagsuyo

Nakasadlak sa dilim
Araw ko’y di na yata darating
Kung si pagmamahal
Ay hindi ako mapansin

At kung sa isang pagkakataon
Si pagmamahal ay dalawin ako,
Buhay ko’y tuluyang magbabago
At sa hawla ng kalungkuta’y makakalaya ako



Taglagas sa Tagsibol
(2000)

Puso’y minsan nang umibig
Lagi namang nasasaktan
Dalamhating aking angkin
Kinukubli lagi ng kasiyahan

Hindi na ninanais
Hindi na rin inaasam
Magmahal pa muli
Gayong ito’y nakakasakit lang

Ngunit bigla kang dumating
Sa landasing aking tinahak
Pinatibok yaring puso
At hindi na sinunod ang utak

Pagdaan ng panahon
Sa iyo’y nahulog na
Anghel na mula sa langit
Sana ikaw na talaga


Ngunit sa isang pagkakataon
Tagsibol pala ang iyong puso
Walang daan para sa aking pagtingin
Pagkat iba pala ang iyong iniibig

Tagsibol sa iyong puso
Taglagas sa aking damdamin
Tag-araw sa iyong landasin
Tag-ulan sa akin dumating

Sumpa ngang tunay sa akin ibinigay
Ng dating pagmamahal na ako lang ang nag-alay
Ngunit natuto sa iyo’y magsinta
Kahit masaktan patuloy pa ring umaasa

At kung iyong mapapansin
Aking tunay na damdamin
Nawa’y hindi ka maging huli
Upang taglagas ko’y maging tagsibol muli



Sanga-sangang pag-ibig
(2001)

Bakit kailangang magkatagpo
Kung ang totoo ay hindi magiging ikaw at ako
Pangarap nalang din,
Na naging bangungot bandang huli

Sana hindi na tayo nagkita
Sana hindi na tayo nagsama
Kung tunay na damdamin
ay hindi naman maipakita

Dalangin ko’y iyong mapansin
Aking lihim na damdamin
Labis kong itinago
sa likod ng mga bituin

Huwag mo sanang paglaruan
Puso kong lubha nang sugatan
Kung labis mo akong mahal,
Bakit kailangan pang itago sa madla

Sanga – sangang pag-ibig
Puso ko ay naipit
Mahal kita ngunit tibok ng puso mo’y iba
At siya’y nabihag na.

Ako ang naiwan
Sa laro ng pag-ibig mo
Sana tigilan mo na ito
Pagkat damdamin ko’y dumurugo

Nawa’y iyo nang mapansin
Lihim kong pagtingin
Kislap sa aking mga mata’y manunumbalik
Kung ako’y iyong mamahalin


Kung ang pag-ibig(Epilogo)
(2004)
Kung ang pag-ibig ay may pakpak
Nawa ay liparin niya ako sa iyong tabi
At tulutan na ika’y makapiling

Kung ang pag-ibig ay may mga mata
Nawa maipakita niya ang lihim kong damdamin
At ako’y makita mo rin

Ngunit kung at kung lang ang pag-ibig,
Wala pa ring katiyakan
Na iyong malaman sa puso ko’y ikaw lamang

Kaya sa pumpon ng mga salita
Aking ipapahiwatig
Kung ano ang pag-ibig sa akin

Pag-ibig na ikaw lang ang nagmamay-ari
Puso sa iyo tanging nabighani
Liliparin niya ako at ihahatid ng hangin
Upang ako’y makita at mahalin mo rin.

Mariabelle Martinez Balisacan


Authors note: This was written when I was in College and submitted this as an entry to Varsitarian when I was in 4th year.  Taken from my original blog, soundsofheaven.blogspot.com