Friday, June 21, 2013

Dear Georgetown


Tama ka... 

Matigas ang ulo ko. Hindi ako naniwala sa sinabi mo nuon. Pinilit kong patunayan na tama ako. Na makikita ko kaagad ang prince charming na inaasam ko.

Pero mali ako...

Pinaniwala ko ang sarili ko sa isang kabalintunahan. Masyado akong nagmadali para hanapin siya at nakalimutan ko ang sarili ko. Ako na hinintay ang matagal na panahon; ako na isinantabi lahat ng tukso para sa taong magmamahal sa akin. 

Hinayaan kong masaktan nila ako. Kahit walang pisikal na nangyari, hinayaan ko sila saktan ang puso ko.

Tama ang sinabi mo...

Ang kapal ng mukha kong mainlove. Oo dahil mali na mainlove ako kaagad sa kahit sino. Mali na mag-assume ako dahil lang mabait ang isang tao.

Tama ang sinabi mong di ako karapatdapat mahalin; dahil hindi ito sapat; dapat akong pinapahalagahan at inuunawa. Di lamang pagmamahal ang kailangan ko kundi pag intindi at pagligtas sa akin sa panahong naninimdim ako.

Tama ang sinabi mo na hindi nababagay ang tulad ko sa isang guwapong katulad mo. Sapagkat hindi lamang kagandahan ng hitsura ang kailangan ko. 'Di panlabas na anyo ang ninanais ko kundi isang busilak na kalooban, matalinong magdesisyon at lalaking may paninindigan. Isang taong HIGIT pa sa kung anong maibibigay ng panlabas na anyo.

Naitawag mo akong kabayo dahil sa ponytail ko. Hindi mo naisip na itinatali ko lamang ang totoong ako na minsan kong ikinimkim nuong nahulog ako sa'yo.

Isa ka sa malapit na kaibigan ko nung highschool. Panahon kung saan ako bumubuo ng mga pangarap para sa kinabukasan ko. At dahil sa sulat mo, pinilit ko ang isang bagay na dapat di ko na kailangan na pinatunayan na mali.


Dear Kabs, (Eden Madrigal)

Ang kapal naman ng mukha mong magustuhan ako. Di tayo bagay. Di nababagay ang tulad mo sa isang guwapong katulad ko. Kahit na anong gawin mo, di ka mamahalin ng kahit sinong lalake. Wag kang mag alala dedicate ko nalang sayo ung kantang "Silvertoes"

Georgetown



Naitapon man ng nanay ko ang sulat na iyon, di mawawaglit sa isipan ko ang mga nabanggit mo. napatawad na kita, subalit mahirap kalimutan ang nagawa na.

Di ako umaasa makita ang taong magmamahal sa akin. Dahil ayoko na siyang hanapin. 

Siya ang dapat maghanap sa akin; at sa aming pagkikita, inaasahan ko na dala niya ang kapares ng nawawala kong mababasaging sapatos.


Eden





Princess_BeLLe 

Tuesday, June 11, 2013

Sardinas express


Saan: Libis (sa loob ng dyip)
Kailan: Buwan ng Hunyo

Pasukan na nga. Kaya ako pumili ng maagang pasok saa trabaho para iwasan ka. Pero sadyang mailap ka, kahit saan sinusundan mo ako. Sa kahit anong pagkakataon, lagi tayo nagkakatagpo. Marahil ikatutuwa ko nalang ang Linggo sapagkat wala ka... Kahit isang araw lang masaya na ako... Wag lang mag krus ang landas natin... Traffic

*** 
Di ko maiwasan na matawa sa ilang tao na affected masyado. Nagpapasalamat narin ako dahil alam ko ang isang bagay... May halaga ako sa kanila kaya apektado sila sa mga post ko... 

Di sa lahat ng pagkakataon ikaw ang tinutukoy ng isang tao. Hindi porket may salitang IKAW ay iisipin mo na ikaw na paksa ng usapan. Walang masama magisip... Pero kapag wala ang pangalan mo, bawal mag-assume 

:) 

Princess_belle

Saturday, May 4, 2013

Saving Forever for You

"Saving forever for you...
You are the only one I'd ever give forever to "

Liriko ito ng kantang nasa telepono ko. Bigla kong naisip kanino nga ba ako nagsasave ng forever? May tao bang naghihintay din sa akin para makasama ako forever o baka umaasa lang ako.

Di naman masama umasa. At lalong di masama ang maghintay. Pero parang di na ata darating ang "you" sa kanta ko. Natatawa nalang tuloy ako sa sarili ko bakit kasi nakikiuso ako sa mga taong inlove. Di naman bagay sa akin yun sabi sa akin minsan. Ilang beses din naman na yun napatunayan na kapag inlove ako, iniiwanan ako ng mga taong gusto ko.

Bawal ba ako mainlove? Baka nga...
So saving forever nalang. Kung may dumating, eh di ok. Kung wala, tanggapin nalang ang katotohanan na ang love eh para sa iilang mapapalad lang at hindi para sa lahat.

Wednesday, May 1, 2013

The Indispensable Bruha: Ang nawawalang prinsesa...

Ang daming kinilig... Daming umasa.

Madaming ang mga naging "abangers" kung sino nga si mystery guy...

Isa lang ang sagot ko: Mas malaki ang mysteryo na hawak nya. Taken na pala siya. Ang inakala kong single eh may partner pala. Natawa nalang ako bigla kasi ung taong lumalapit sa akin, kumakaibigan sa akin, yun pala ang "girl" nagka trauma tuloy ako sa tawag na friends lang kami.. Masyadong SHOWBIZ di na nakakapaniwala. Akala ko, sa tv lang nauso yun; pati sa normal na situasyon.

Bakit nga ba ako nawala? Ang tagal ko nang hindi ito binalikan. 

Sa katotohanan, inakala ko kasi na may totoo na akong fairy tale.  Akala ko, nakita ko na ang prince charming ko na dala ang nawawala kong sapatos. Oo, nakakita nga akong prince charming at may dala siyang sapatos... para PAMPUKOL pala yun sa ulo ko. 

Sa pag aakalang isusuot na niya sa paa ko ang sapatos, bigla niya itong binato sa akin at sinigurado niyang tatama sa ulo ko. Nagising ako sa panaginip na unti unti kong binubuo. Tama naman siya. Mali ang umasa. 

Ginising nya ang kamalayan ko at pinaalala niya ang minsan nang nabanggit sa akin nung HS ako. 
"Makapal ang mukha mo na mainlove"

Naisip ko mas mabuti na ang makapal. Lalo na ngayon na matindi ang sikat ng araw... Isama na natin ang katigasan ng ulo ko kaya napupunta ang lahat sa wala. hahaha

Isang magandang aral din ang natutunan ko sa pagkawala ko sa blog na ito. Na maraming mas importanteng bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.  Tulad ng pamilya, trabaho at lalong lalo na ang sarili.

Babalik ako sa luma kong kuwaderno. pipilasin ko ang mga madudumi at magugulong pahina at magsisimula ako sa malinis na dahon ng papel :D


Princess_BeLLe


Monday, February 11, 2013

:'(

Isang araw magkikita din tayo. Isang araw na titignan mo ako. Gusto ko ngumiti ka... diyan kita minahal eh. Isang araw na para sa akin, ako na ang pinakamasaya. Isang araw na ako ang titignan mo ako, subalit hindi ako nangangako na makakatingin ako sayo pabalik...

- Eden

Tuesday, October 30, 2012

It’s not only an adjective

Aching feet, headache, logging out late, 5 hours of sleep. A common scenario expected after a busy day of recruitment.  This was just a result of coming to work on time, assisting applicants, announcing total number of passers, and helping in handing out lunch to applicants, interviewers and co-creative members.

I considered myself as a "normal" agent before. A person who will come in to work on a scheduled time, take in calls, takes her breaks and lunch and punches out to Kronos at the end of the shift. That was my life 2 1/2 years ago. Then suddenly my life changed because of a decision.

After VMA bid goodbye to Sitel, everything was a roller-coaster ride for me. My colleagues and I were asked to report to ETON, without knowing what our task was for that day while waiting for a training schedule. It left me with no excitement. One day, I asked myself: "What now?" "Did I gain something?" "Am I productive?”   -- that time I desired some change for myself. I felt my life was mediocre and I wanted to do something different. Good thing my prayers were answered by VA Creative.

They needed dedicated volunteers who will assist in the recruitment process. At first I thought that our task is limited only to recruit new hires but I was wrong. Our leadership skills were tested by creating programs, planning activities for the upcoming months and creating a project proposal for any ideas that we came up.  It’s not only executing or helping out in VA projects but we are given the privilege to voice out our ideas and get constructive criticisms if there are challenges. It’s really more that what I've expected.

For me, it was like a journey back in time. I missed my student council days wherein we are asked to create and implement school activities. This time it’s a little bit different. We don't focus on solicitations, we make sure that the program will be feasible and all of the agents will participate to the events listed. 

It’s not only work with VA Creative. We always make sure that we will have fun as well. We usually do "pinoy henyo" and ice breakers during free time. Some of us will also bring in food to share during meetings and brainstorming.

Being with VA Creative is neither easy nor hard.  It’s a matter of bringing out the natural leader in us. We all have the ability to be dedicated in our chosen jobs and for me, deciding to be in this team helped me bring back the things I've learned in my college years and from my past experiences and to learn new ones.  

It's indeed more than sore feet, headache, 5 hours sleep etc. It’s a team where people are united with compassion, competence and commitment to work beyond boundaries. A place where feasible imaginations are accepted, leadership and critical thinking will be tested, and dedication is the main ingredient. A team whose members spell WORK as FUN. 


Princess_Belle

Monday, October 29, 2012

kahapon... ngayon... bukas... ano na?

Limang buwan...

Humigit kumulang na limang buwan na hindi ko nadagdagan ang mga nakalagay sa blog ko.  Hindi ko alam kung ayaw ko lang ba magsulat o sadyang tinatakasan ko ang isang bagay sa buhay ko.

Nakakalungkot kasi minsan ang gumawa ng akda. Lalo na kung ang nakasanayan mo nang paksa ay tungkol sa mga bagay ng may kinalaman sa salitang "sawi" "lungkot" "paghihintay" "panghihinayang" at napakarami pang iba.  

Pilit ko na ngang kalimutan ang blog na ito.  Isa ito sa tatlo na aking binuo o marahil isa sa lima na aking itinayo nuong nasa kolehiyo ako.  Ano nga ba laman nito? Ako... 

Tama. Kung ikaw ay isa sa mga taong malalapit sa akin at nakakaalam sa takbo ng buhay ko, ako lang naman ito. Mga tao sa paligid ko, mga bagay na nakikita ko araw - araw, linggo - linggo at buwan - buwan. 
Mga taong nakikila ko, mga bagay na nararanasan ko at mga taong minamahal ko.  

Muli akong susulat sa blog na ito upang mangumusta. Subalit wala parin akong akda na maisip sa ngayon.  Sana magkaroon pero sana sa pagkakataong ito, masaya na ang ending ng kwento....


Princess_Belle