Thursday, December 17, 2015

Diary of a Goodbye Girl: Dear Mr. Destiny

photo credits to http://www.fireitupwithcj.com/

December 17, 2015

Dear Mr. Destiny,

December na. As usual, Christmas rush. New year countdown. Patapos na pala ang taon. Halos di ko na napansin na ang bilis ng panahon. Sa tuwing dumadaan ako ng Cubao, "BER" months ang pinakakaabangan ko dahil narin sa napakaraming ilaw sa daan. Hanggang February kalimitan ang mga decorations nila. Sana magkakilala tayo bago pa nila tanggalin ung mga decorations next year hahaha!

Matanong ko lang pala, naniniwala ka ba na may mga taong itinadhana mong makita for a certain time limit?

Na nandyan sila for a certain amount of time na itinakda ng DESTINY?

Subalit aside sa destiny, binigyan ka ng FREE WILL to choose kung gusto mong manatili ang taong itinadhana mong makita; na gagawin mo ang lahat kahit i-alter mo pa ang course ng destiny mo para in the end, kayo ang magiging itinakda...

Ako kasi, naniniwala dun. Kaya as much as possible, I make the most out of it. Kasi di ko alam kung hanggang kelan ko makakasama ang mga tao sa paligid ko. Hindi lang naman love ang tinutukoy ko dito; pwedeng friendship, acquaintances or even family. Free will mo ang magtatakda kung gusto mong makasama ang tao sa matagalan na panahon. Na kahit destiny, mapapakamot ang ulo dahil makulit ka. Dun na pumapasok ang kasabihang "Ikaw ang umuukit ng sarili mong tadhana"

Naniniwala ako na maaring ipinagtagpo na tayo. Nagkasama, nagkatawanan, nagkatampuhan, nagka asaran. Subalit binigyan lang ako ng time limit na makahalubilo ka. At sa time limit na yun, pag hindi ka nagreact, walang spark na nangyari, magbabago na ang course ng destiny. Naisip ko, swerte pala ang mga taong aside sa destiny ay ginamit nila ang free will nila. Yung kahit mahirap, basta mabuo nila ang destiny na kasama ang taong mahal nila. Marahil umukit ka na ng sarili mong tadhana at di mo na ako nahintay. O pwedeng naghihintay ka pero di pa ngayon ang tamang panahon para magkita tayo. Ang gulo hindi ba? Pero wag kang magalala, excited ako makasama ka.

Mr. Destiny, sana hindi malamig ang Pasko mo. Sana masaya ka kung nasaan ka man. Gusto ko lagi kang nakangiti. Kung may problema ka, isipin mo kaya mong malagpasan yun. Alam ko wala ako diyan para patawanin ka. Kung may tao mang nagpapatawa na sayo on my behalf, sana ingatan ka nya. Marahil nga inabutan lang tayong dalawa ng time limit. Sana hindi pa... Sana, hindi pa nga... 

Sana magamit mo ang free will mo sa akin. Kasi ako, destiny nalang ang inaasahan ko at free will mo... 


na mahanap ako.



Nagmamahal,

Ella

Saturday, November 21, 2015

Diary of a "Goodbye Girl": Dear Mr. Destiny

Maaring itinakda tayo ng panahon na magkita... pero tanging pagkakataon lang ang makakapagsabi kung tayo ay itinadhana magsama.





October 15, 2015


Dear Mr. Destiny,

Hello! Alam mo, di ko talaga alam ang isusulat ko. Isipin mo, kahit sa sulat nahihiya ako sayo. Di ko alam kung anong ilalaman ng liham ko pero itutuloy ko parin kahit papaano. 

Ako nga pala si Ella. Mahilig akong magsulat (di naman halata di ba?) Marunong din ako magluto, kumanta, at kahit papaano sumayaw. haha talented lang ba ako masyado? sabi nga nila. May isang bagay nga lang ako na hindi magaling. At yun na ata ang ma-inlove. Hinihintay kasi kita. Yung isang araw na darating ka, papawiin mo ang lahat ng takot na meron ako.  

Oo nga pala hindi pa pala tayo magkakilala. Iniisip ko kung binigyan na ba ako ni Lord ng pagkakataon na makilala ka. O kaya makita ka. Gusto ko nga Siya tanungin minsan; nakabangga ko na ba si Mr. Destiny? nakausap ko na kaya siya? nagkita na ba kami? Lahat yun tinatanong ng utak ko. Yung pakiramdam na excited kang makilala ang kaisa isang taong hinintay mo na makakasama habang buhay. 

Sana kung nasaan ka man ay nasa maayos kang kalagayan. Sana malayo ka sa sakit, sana masaya ka lagi. Wag mo akong isipin, ok pa naman ako dito. Alam ko naman na darating ang tamang panahon na magkikita tayo. Malay mo nga nagtagpo na ang landas natin, di nga lang tayo pa itinadhana. 

Eto muna ang sulat ko. Una lang ito sa maraming bagay na nais kong ikuwento sa'yo. Hayaan mo at lagi akong aasa sa pagdating mo. 

Mahal, minamahal at mamahalin kita. Kung nasaan ka man, at kung sino ka man. Alam ko darating ang pagkakataon na magkakatagpo din tayong dalawa.


Nagmamahal,

Ella



Saturday, October 17, 2015

Kape






Hinahanap ko sa pagsapit ng umaga
Kahalili ko sa paggising ko araw araw
Parang ikaw. 
Na siyang nilalaman ng isip simula sa pagdilat ng aking mga mata

Nagbibigay ng init sa tuwing malamig ang panahon 
kapag madaling araw o kaya naman ay bumabagyo
O kahit sa loob lang ng opisina na ang aircon ay kulang nalang maging bato, 

ang puso ko...

mga ngiti mo ang siyang tumutunaw ng lamig, 
tawa mo ang nagbibigay ng init sa paligid.

at sa pagsapit ng gabi, bumubuhay sa aking kaluluwa na sa bawat panakaw na idlip ay di ko magawa 

dahil nandyan ka. 

at sa iyong pamamaalam dahil tapos na ang araw ay nakatingin ako sa baso ko.

May kape pang natitira, 

heto nalang ang gigising sa akin sapagkat tangan nito ang iyong mga alaala.

Bukas ulit. 



Princess_Belle
Mariabelle M. Balisacan 10/17/2015

Monday, August 10, 2015

Estrelya

Pilit mong iniiwasan
Mga ugong ng nakaraan
Mariing tinatakasan
Dagundong ng kidlat sa tuwing umuulan

Daluyong ng dagat 
Buhawi sa gabi
Gulo pagdating sa takipsilim
Puso mo'y biglang napapinid

Sa iyong pagtingala sa langit,
Munting bituin sumisilip
Handang bigyan ka ng pagasa 
Na bagyo ay lilipas din

Hinawi nya ang ulap, 
Kislap nya ang tanging maningning
Dala nya ay hamog 
na humahalik sa iyong pisngi

Iyong ipikit ang mga mata 
At gumawa ng hiling 
Iyong pakinggan ang mga alon na untiunting umaaawit. 

Hatid nya ay pagasa sa pagdating ng gabi, 
Tanglaw mo sa pagsapit ng dilim
Tanod mo sa iyong paghimbing

At sa pagsibol ng bukangliwayway,
Gigisingin ka nya ng maiinit na halik
Bubuhayin ang nahihimbing mong pagibig
Sa sinag ng kanyang pagtangi

Ang munting bituin mo ay siyang araw sa umaga
Kinukubli ang anino ng pighati
Upang buksan ang puso mo at muling magsinta

At kung ang makapal na ulap man
Ay biglang dumating
Nawa'y maging tala ka rin 
Na siyang liliwanag sa landasin ng iyong bituin. 

Mariabelle Martinez - Balisacan
Agosto 10, 2015

Sunday, August 2, 2015

Isang Libo't Isang Panalangin

Paano ko ipapabatid
Lihim kong damdamin
Hanggang kailan itatago
Tangi kong pagtingin

Lagi kang tanawin
Sa bawat araw na dumarating
Ikaw ang hininga na bumubuhay 
Sa puso kong humihikbi

Ikaw ang araw at gabi
Liwanag sa dapithapon kong parating
Ngiti sa luhaan kong pisngi
Pag-asa sa naguguluhan kong isip

Nguti paano kita paniniwalain
Na ikaw ay mahal sa akin
Kung ang bawat minuto'y 
Anino lang ako sa iyong paningin

Sana'y matulad din ako ng iba
na iyong pagkakanaisin
Matampulan ng pagmamahal sa iyong mga bisig
at makahawak kamay pagdating ng takipsilim

Hanggang kailan pipigilin 
Gaano katagal iki-kimkim
Ikaw lamang ang tanging kasagutan 
Sa aking isang libo't isang panalangin

Mariabelle Martinez Balisacan -- Education Journal Nov 2005 - March 2006 issue

Wednesday, July 29, 2015

Diary of a Goodbye Girl: Alternate World

Alternate World

No restrictions 
No conditions 
No doubts 
No suspicion 

Im currently living in an alternate world where sadness is spelled as happy
Frown is shown by a smile
Everyday is always jolly,
even you are dying inside

A world where I can own you all by myself
A place where I can hold you tightly in my arms.
Where my mind is at peace, and my heart is at ease

A dimension where there is no despair.
Where both of us decided to be one;
No buts, no maybes, no second thinking.

However, I still need to live in reality
Where US is still an I and YOU
Distance is still a friend, and silence is my companion

A reality where I wanted to escape, 
A domain where I'm currently enchained
Locked completely with a one sided affection
Yearning for love and attention

Now I completely created an alternate world to escape the truth
And that realm now becomes my reality, and I made my reality a fantasy. 


 Mariabelle Martinez Balisacan

Tuesday, March 10, 2015

Diary of a Goodbye Girl: High Heels

photo grabbed from weimathon.com -- Thanks!

Killer shoes -- yan ang tawag ng mga kaibigan ko  noon sa tuwing susuotin ko ang paborito kong sapatos. May takong ito na 3.5 inches ang taas at swelas na one inch sa apakan.

Hindi ko din alam ang topak ko noon kung bakit ko binili ung sapatos. Basta alam ko, maganda ito sa paa ko kaya nahikayat narin akong bilhin. Nadala din yata ako sa pambobola ng sales lady nung sabihin nya maganda ito sa paa ko -- Pagkakataon na pumayag akong magpauto

Subalit 3 taon ko na itong hindi sinusuot. Napagsawaan ko na lang ata at kasabay nun ay natakot ako na baka masira dahil sa bigat ko. Subalit kanina, nagdesisyon akong muli. Sinuot ko ung kapatid nya na may taas na 1.5inches  ang takong.

Kung para sa iba, mukhang sisiw lang ang pagsuot ng ganung kataas na sapatos -- subalit hindi sa tulad ko na 3 taon na nasanay sa rubber shoes, flats at sandals ang paa. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ortigas, ramdam ko ang sakit ng mga daliri ko. Kung maari lang na magreklamo ang paa, tingin ko namura na ako nito dahil sa desisyon ko. Pero...

Pinili ko ito.

Kaya wala akong karapatan magreklamo.

Hindi ito nalalayo sa konsepto ng love. Minsan kahit alam mo na na masasaktan ka, pipiliin mo din mahalin ang isang tao dahil siya ang nagpapaligaya sa yo. Kahit alam mong kayo ang tinadhana, pinili mo parin siyang pakawalan para sa "free will" nya. Kahit masakit, pinagpapatuloy parin. Kasi nga mahal mo.

Baka magkamali ka, hindi sarili ko ang tinutukoy ko dito. Tatlong taon na akong hindi nagha-"high heels" 

Bakit nga ba ako nag-high heels? baka nga kasi in love din ako... May nakakita ng nawawala kong sapatos pero nung binalik nya, may crack na. Di na nya kasi ako nahintay, pinasuot na nya sa iba, eh hindi kasya. 

At least alam ko na nag exist ang prince charming ko... pero he decided to write his own love story. Ngayon, hahanap ako ng magaayos ng crack sa glass slippers ko.


Eden.