Tuesday, March 10, 2015

Diary of a Goodbye Girl: High Heels

photo grabbed from weimathon.com -- Thanks!

Killer shoes -- yan ang tawag ng mga kaibigan ko  noon sa tuwing susuotin ko ang paborito kong sapatos. May takong ito na 3.5 inches ang taas at swelas na one inch sa apakan.

Hindi ko din alam ang topak ko noon kung bakit ko binili ung sapatos. Basta alam ko, maganda ito sa paa ko kaya nahikayat narin akong bilhin. Nadala din yata ako sa pambobola ng sales lady nung sabihin nya maganda ito sa paa ko -- Pagkakataon na pumayag akong magpauto

Subalit 3 taon ko na itong hindi sinusuot. Napagsawaan ko na lang ata at kasabay nun ay natakot ako na baka masira dahil sa bigat ko. Subalit kanina, nagdesisyon akong muli. Sinuot ko ung kapatid nya na may taas na 1.5inches  ang takong.

Kung para sa iba, mukhang sisiw lang ang pagsuot ng ganung kataas na sapatos -- subalit hindi sa tulad ko na 3 taon na nasanay sa rubber shoes, flats at sandals ang paa. Habang naglalakad ako sa kahabaan ng Ortigas, ramdam ko ang sakit ng mga daliri ko. Kung maari lang na magreklamo ang paa, tingin ko namura na ako nito dahil sa desisyon ko. Pero...

Pinili ko ito.

Kaya wala akong karapatan magreklamo.

Hindi ito nalalayo sa konsepto ng love. Minsan kahit alam mo na na masasaktan ka, pipiliin mo din mahalin ang isang tao dahil siya ang nagpapaligaya sa yo. Kahit alam mong kayo ang tinadhana, pinili mo parin siyang pakawalan para sa "free will" nya. Kahit masakit, pinagpapatuloy parin. Kasi nga mahal mo.

Baka magkamali ka, hindi sarili ko ang tinutukoy ko dito. Tatlong taon na akong hindi nagha-"high heels" 

Bakit nga ba ako nag-high heels? baka nga kasi in love din ako... May nakakita ng nawawala kong sapatos pero nung binalik nya, may crack na. Di na nya kasi ako nahintay, pinasuot na nya sa iba, eh hindi kasya. 

At least alam ko na nag exist ang prince charming ko... pero he decided to write his own love story. Ngayon, hahanap ako ng magaayos ng crack sa glass slippers ko.


Eden. 

0 comments:

Post a Comment