Saturday, February 13, 2016

Diary of a Goodbye Girl: Dear Mr. Destiny

Dear Mr. Destiny

Kumusta ka na? Pasensya ka na ngayon lang ako ulit nakasulat sayo. Dumaan ang Christmas at New Year na di man lang kita nabati. Adavance Happy Valentines pala ah! Sana nasa mabuti kang kalagayan nasaan ka man ngayon. Maraming nangyari sa akin na ngayon ko lang mababanggit sayo.

Alam mo ba na ang writer pwedeng magkaroon ng 4 or higit pang pagkatao? Hindi ito yung sakit na DID or Dissociative Identity Disorder kasi nakakalimutan ng host ung ginawa ng mga personality nya pero somewhat ganun. Wag kang matakot wala pa naman akong sakit. Kaparehas lang ako ni Oh Ri-On sa Koreanovela na Kill me, Heal me. 

Actually, isa lang ako sa apat. Oo apat kaming magkakaibigan. Si Marie, Samantha, Eden at ako. Iba iba ang hilig namin pero iisa ang dahilan kung bakit kami nabuo. Kaming apat ang bumubuo ngayon sa isang prinsesa. 

Baka tamarin ka sa kwento ko pero sasabihin ko narin kasi di ko alam kung ito na ang huling sulat ko sayo.
Papakilala ko sayo kaming apat.

1.       Marie

Dati magkakasama kaming apat (meaning isa lang kami), si Marie ang pinaka “core trait” ni Princess kung sabihin na natin. Sobrang bait, di marunong humindi sa tao, laging inuuna yung iba at higit sa lahat madasalin. Active nga siya sa mga church activities pero aloof nga lang siya sa mga tao. Mas prefer nya kasi ang tahimik na lugar at favorite place nya ang adoration chapel ng simbahan. Iilan lang ang kaibigan nya pero kapag kaibigan mo siya, siya ang no. 1 mong tagapagtanggol. Akala nga namin magmamadre siya. Well, naisip na nya yun pero nagdadalawang isip pa siya. Naisip nya rin kasi na mukhang masaya din kasi ang magkaroon ng asawa. Alam mo ba Mr. Destiny, mahilig manuod ng kasal si Marie. Everytime na nagsisimba siya, tinitignan nya kung may bridal car sa labas ng church. Sabi nga niya before, “isa lang ang hihingin kong lalake Lord at hihintayin ko siya sa tamang panahon” Napaka hopeless romantic nya noh? Sa totoo lang nakakainis na minsan ang kabaitan nya kasi tina-take advantage na siya ng mga tao.

Circa 2000 mga ganung taon ata yun, nagkaroon ng crush si Marie. Kaibigan nya iyon at ok naman sila. Subalit mali lang ata talaga ang mga pangyayari. Di ko din alam kung may nagawa bang mali si Marie na nagalit ung kaibigan nya sa kanya at sinulatan sya ng masama. Or maybe everything went out of hand. Sa totoo lang ayaw na ayaw ni Marie na magkaroon ng bf nung nasa highschool siya. Naisip nya kasi na napakaraming responsibilidad ang kailangan nyang tuparin at ang love ay nasa huli ng listahan nya. Well since elementary palang may prinsipyo na siyang ganun (maniwala ka, di basta basta ang prinsesa) So, saan na ba ako? Ahhh so may sinulat sa kanya… nabasa mo ba ung sinulat ni Eden? Ung “Dear Georgetown”? yun ung nagpasimula ng lahat. Sabi sa sulat na ang kapal daw ng mukha niyang magkagusto sa tulad nyang gwapo. Pero kalmado parin si Marie nung mabasa nya dun. Kahit pa nga ung dine-dicate na kanta para sa kanya na Silvertoes, pinakinggan nya. Nagalit man siya, di siya nagwala. Iniyak nya lang lahat, kahit ni report nya yun sa homeroom teacher nila, walang nangyari. Siya parin ang talo. Kaya pinabayaan nalang niya kasabay sa pagpabaya nya sa pagtulo ng luha nya. Akala ko ok na subalit paggising ko, napagtanto ko na apat na kaming magkakahiwalay.

Sa sobrang stress ata, dahil never nagsorry si George sa kanya (so he really mean what he said) at dala narin ata ng sobrang lungkot, nabuo si Samantha, Eden at ako. Nagtago si Marie sa aming tatlo at siya na ang naging konsyensa nlng namin. Sa tuwing gagawa si Eden ng mga tragic novels, Sa tuwing parang sobrang boyish at feminist ako, at sa tuwing lalandi si Samantha, si Marie ang mistulang ate naming apat na pinagsasabihan kami kung ano ang tama. Lagi siyang may benefit of the doubt sa tao. Kahit nakatago man siya, lagi parin siyang nagpapaalala.
2.       Eden

Si Eden ang pinaka hopeless romantic sa aming apat. Siya ang creative/depressed/emotional/oversensitive part ng prinsesa. Si Eden ung part ni Marie na mahilig magsulat. Nung nabuo si Eden, natakot ako kasi tragic writer siya. Malungkutin, laging mapagisa, laging nagde-day dream. Siya kasi ang part ni Princess na “lost in love” kasi gusto nyang patunayan na mali si George, na alam nya na she deserves to be loved by someone; na pwede siyang magmahal at mahalin pabalik. Yun nga lang sa sobrang kakahanap nya, lagi siyang nabibigo. Lagi siyang disappointed. 

Ewan ko din kasi dito kay Eden, ang hilig mainlove. Ok lang naman sana; pero kasi, kung hindi may asawa ang lumalandi sa kanya, mali ang lalakeng napipili nya. Most kasi sa kanila… mas malandi pa pala sa kanya. Yes nabasa mo yun ng tama Mr. Destiny. Kung hindi taken na ung nagugustuhan ni Eden eh sa Pa-Men naman siya na-fa-fall. Sakit noh? Naaawa na nga ako sa kanya. Gusto nya talagang patunayan na mali ung sinabi sa kanya before pero kahit anong pilit nya, laging nagiging tama si George. Galit nga si Samantha sa kanya. Ilang beses na kasi pinagalitan ni Samantha si Eden at pinagsabihan na tigilan na niya ang mainlove. Na tigilan na niya ang paghahanap sayo kasi para kay Samantha, kung talagang nageexist ka, hahanapin mo si Princess. Hindi mo siya hahayaang magkaganito kaming lahat.

Minsan nga nagkataon na sobrang galit na si Samantha sinabihan nya si Eden.
“Alam mo, ilang beses ka na nade-deceive ng mga yan di ka parin natututo? Kung ligawan ka ng isa sa mga gusto mo, saka ko lang masasabi na totoong lalake yan. Nandito naman ako para balaan ka pero nakinig ka ba? Hindi. Kung alam mo lang kung gaanong kadaming pride na ang nilunok ni Princess dahil sa katangahan mo mainlove. Maiinlove ka na nga lang sa hindi pa straight. Hayaan mo sila ang mainlove sa’yo at hindi ikaw”

Natakot ako kay Samantha pero tama siya. Ilang beses na nga ba? Di parin napapagod si Eden. Or nagse-self destruct nalang si Eden kasi nasanay na siya na malungkot. Walang sinulat si Eden na happy ending. Sa tuwing nakikita kong nagsusulat siya, laging ung babaeng bida namamatay. Buti na nga lang napipigilan ni Marie si Eden sa tuwing inaatake siya ng depression.
3.       Ella

Matapos ang self-loathing na si Eden, ako naman ang limelight ngayon! Ako ang batang version ni Princess. Malambing, makulit, pala tawa, masayahin at kalog. Nakuha ko din ang pagkapilosopo ni Samantha. Madalas kong ginagawa yun. Minsan may naiisinis (pikon kasi) but most of the time, natatawa sila. Ako ung happy version ng lahat ng personality. Palakaibigan ako at tulad ni Eden, ako ang kaibigan na maasahan mo (di kita iiwan…promise!) Nuon, may pagkahilig ako sa arcades lalo na ung mga laro na gumagamit ng baril (pero wag kang matakot di ko kayang bumaril ng tao… zombies lang hehehe).

Mahilig ako sa sunshine at gusto ko, lagi akong may naiinspire na tao. Kapag naman “hyper mode ako” asahan mo mangungulit ako ng sobra. Problema lang kasi sa akin, mabilis akong ma-bore. Kaya kapag bored na ako at wala na akong magawa, nakakatulog ako. Ako din pala ang katambalan ni Samantha sa pagiging workaholic ni Princess. Writer din ako pero mga kilig love stories lang ang sinusulat ko at di tulad ni Eden na laging sad ang ending. Para kasi sa akin, minsan ka lang dadaan sa mundo so better to make the most out of it. Time is precious noh. Dapat walang sinasayang na oras. May pagka OC pa naman ako dun. Ayoko ng late at ayoko rin nalalate. I always keep promises hanggang sa makakaya kong tuparin.

Alam mo ba nang dahil sa akin, naging inspirational speaker is Princess. Ang dami kong ideas na na share sa mga peers ko. BTW, mahilig ako magbasa ng libro at makinig ng kahit na anong music. Dati mahilig akong kumapa ng piyesa sa keyboard pero kasi masyadong sensitive ung tenga ko sa tono, na mabilis uminit ulo ko kapag nagkakamali kaya di ako nagaral ng piano. Sana ikaw Mr. Destiny musically inclined ka para ako kakanta, ikaw ang magpapatugtog… romantic di ba?

Kapag naman sa love, tamang timpla lang ako. Tamang kilig lang. Pero marami din akong naging crush. Most nga lang sa kanila eh nasa TV hahaha! Remember, young at heart ako so superficial love ung nararamdaman ko; ung malabong magkatotoo. Pero most ng mga lalakeng crush ko ay may traits na hinahanap ni Princess sa lalake. At saka yung kilig moments na un ang ginagamit ko para mainspire si Samantha sa pagbake nya. Kapag nagagalit ang prinsesa, ako lagi ang taga rescue (galling ko noh) kahit anong inis at galit nya, kakatok lang ako at sasabihin sa kanya “uy, huminga ka… breath in, breath out and look for a solution to the problem not dwell on it” ganern! Hahaha

Alam ko Mr. Destiny curious ka kung sino si Samantha. Yun nga lang sinabi nya sa akin na wag ko muna siya i-kwento sayo kasi siya ngayon ang pinakabusy sa aming apat. Naiintindihan ko naman siya. Malaking gulo kasi ang ginawa ni Eden kaya walang choice si Samantha kundi ayusin lahat.

Wag kang magalala Mr. Destiny, pag pinayagan ako ulit magsulat, iku-kwento ko na siya sayo.
HAPPY VALENTINES DAY pala ulit. Kung may lovelife ka man ngayon, sana masaya ka. Wag mong intindihin ang prinsesa hanggang kaya ko pa pasayahin ang buhay niyang NBSB.
Hanggang sa muli!
Nagmamahal,

Ella

0 comments:

Post a Comment