200
maaga akong nagising para sa 7am kong pasok. Ala -singko pa lang, nakahanda na akong umalis. mga dalawang oras ang allowance ko para sigurado akong di malalate.
binuklat ko ang wallet na nangungumusta ang laman sa butas na maliit. marahan ko itong sinilip para malaman ko kung ano ang magiging takbo ng araw ko.
Haayy meron pa pala.
Pwede pa.
180
20 Php pamasahe ko papunta sa trabaho.
maingat kong inabot kay manong ang 20php baka kasi mahulog.
Ilang beses ko ring hiningi ang sukli kay manong dahil mukhang nakalimutan nya ako. dalawang sakay pa namn ako na tig 10 piso. Buti nlng at nasuklian nya ang sobrang naibigay ko
144
dahil maysakit ako at sinisipon, kailangan kong bumili ng tissue. Di ako nakainom ng gamot kaya bumili nalng ako ng mineral water. Naisip ko dapat pala nilunok ko nlang ng laway ko ung gamot para di nasayang ung kinse pesos. pero nabili ko na...
nag aya yung kaibigan ko na kumain kami. ilang tao narin ang iniwasan ko kasi alam kong mapapagastos lang ako sa pagkain. Naalala ko, may libreng pagkain pala ako sa canteen. dali dali akong pumunta dun para silipin ang pagkain. Nakita ko ang paborito kong tapa at madaling nagtanong. "Kasama po to sa free food?" sagot ng nagbabantay: "Opo, dagdag nalang kayo ng 10php, 50php lng kasi budget sa free food"
Di ko ipagkakaila na nagunaw ng kaunti ang pangarap ko. Naisip ko na ung tocino nalang kasi nga libre naman. Meron pa naman akong isa pang coupon ng free food mamya.
Matapos ang almusal, naglambing sa akin ang isang ka trabaho ko. "May pagkain ka pa?" nagkunwari akong di ko narinig dahil wala naman akong mabibigay.
Pag dating ng tanghalian, masaya akong bumalik sa kantina dahil libre ulit ang pagkain ko. pagdating ko ay maligaya akong sinalubong ng tocino.
"Wala na po bang iba"
"Iha, mamya darating na yun. Hintay ka lang"
di na makapaghintay ang tyan ko dahil narin ata sa lagnat. mga 5 oras narin nmn na ang nakalipas nung huli akong kumain. Kahit masakit sa loob, kinuha ko na ang tocino na kanina pa naghihintay sa akin.
"okay na po yan. Libre naman po eh"
ningitian ko nalang ang tocino na nasa plato ko. Naisip ko, may mga bagay na akala mo makukuha mo na pero yun parin at walang pinagkaiba.
109
lumabas ako ng opisina dahil wala na pala akong gamot. May libreng gamot naman pero di ko maintindihan at parang di naman tumatalab yung gamot na bigay nila. Baka matindi lang talaga ang sakit ko. O baka iba yung sakit ko na di paracetamol ang sagot.
99
sampung piso pabalik ng cubao. Mga ala sais na ata akong nakalabas ng opisina. Madaming naghihintay sa labas para makasakay ng jeep.isa na ako dun. Nakakainggit ung mga nakakapag uber o grab kasi di na nila kelangan pang makipag agawan. Sinilip kong ulit ang wallet ko at bumuntong hininga. Kahit pala angkas ay kulang din. Sabi ko sa sarili ko, "Sige, kaya yan. makakasakay din ako"
99php nlng pera pagdating sa cubao. Masaya na din ako kasi kahit papaano may pera padin ako pauwi. Pero minsan may mga bagay na kahit ayaw mo, bumabalik. Kahit di mo ginugusto, nangyayari.
Bumalik ung kirot sa dibdib na di ko maintindihan. Yung para kang sinasaksak ng dahan dahan na iniisip mo na baka dala lang ng pagod at lagnat. dali dali akong naghanap sa telepono ng pwedeng agarang panglunas.
"your volume subscription has been fully consumed/ has already expired"
nagpaload ako para makapagtext na pauwi na ako. ayoko silang magalala na masama ang pakiramdam ko.
39
60php pala ang load. wala nang ibang option kaya ito nlng ang kinuha ko. meron pa naman akong pamasahe pauwi.
habang binabagtas ko ang cubao, di ko maiwasan tignan ang mga kainan at tindahan na dati kong binibilhan. Nakita ko ang dati kong sarili na tumatawa sa loob ng boutique, sumusukat ng sapatos, tinitignan ang sarili sa salamin kung bagay ang damit na bibilhin, kumakain ng cake sa paborito kong kapihan, at nakangiti na namimili ng pangregalo para sa mga taong malapit sa akin.
naisip ko, noon yun.
noon yun...
29
di naman mahirap sumakay ng jeep pauwi. Buti nlng at wala akong kasakay na kumakain dahil kumakalam na naman ang sikmura ko. Mataas na naman ang lagnat ko baka dahil narin sa pagod sa byahe.
Pagdating sa babaan, inabot na ako ng gabi. Nagtricycle nlng ako dahil masakit na ang ulo ko. 17 php sabi ng driver.
12
bago ako matulog, sinilip kong muli ang sira kong wallet. nakita ko ang 12 php na naiwan. Parang ako na kahit gaanong ilang tao na yata ang nagsabi na ang tanga ko, nagdesisyon parin na maiwan.
iniwanan na ako ng lahat pero parang 12 php lang ako na sa daming nagdaan, natira at nagpaiwan sa akin.
Salamat 12 php. Di mo ako iniwan.
Restday ko na. may dalawang araw ka pang maiiwan sa akin.
Sana di ka mawala.
- Samantha de Vera
0 comments:
Post a Comment