Friday, September 15, 2017

Larawan

Isang malabong larawan,
tulad nung una tayong nagkita.
Isang pagkakataon di ko malimutan
nakatakda sa isang alaala

Di na muli nagkatagpo
naisip ko, iyon na ata ang huling yugto
Ngunit ang pagkakataon sadyang magpaglaro
tadhana ay di tayo pinaglalayo

Pilit kong tinakasan ang iyong mga ngiti
Aking iniwasan ang mga magiliw mong bati
Subalit sa bawat takas na aking gawin
Nagkakabangga ang landas na ating tatahakin.

Nilihim kong lahat 
bakit ba? Alam kong sayo di ako sapat.
Dumaan ang mga taon, 
natanto ko pagtingin ko di pala nagbago

Pero ngayon, biglang umiba ang ikot ng mundo
saglit lng pala ang binigay sa akin ng panahon
At hanggang sa huli, ganun parin ako
kapag kaharap ka, di ko masambit ang gusto ng puso.

Kaya bago ka lumisan, teka muna, sandali lang
kasi... 
Kung alam mo lang...
Kung alam mo lang... 
pinangarap din kita 

Kung alam mo lang, 
ginusto ko na maging laman ng iyong mga kanta
Maging liriko ng bawat tunog na iyong ginawa.
Akmang tugma sa bawat saknong, 
bubuo sa mga nawawalang parte ng iyong hymno

Gusto ko makitawa sa iyong mga biro.
makausap ka buong maghapon at
makatabi hanggang sa'yong pagtulog
Ngunit itong lahat ay isang parte ng panaginip
na muling mawawala sa 'king pag gising

Sabi nga ng orasan, "time's up" na
naubos na ang pagkakataon at lilisan ka.
sa maikling panahon, aking sinasambit
isang kang magandang regalo ng tadhana sa akin.

Gusto ko lang malaman mo ang lahat ng ito;
dahil tulad ng isang malabong larawan natin noon,
Mananatiling magkahiwalay ang Ikaw at Ako.


-- MMB

0 comments:

Post a Comment