Sunday, December 25, 2011

The Indispensable Bruha: New Year, Year of the New...





few days to go, we will say goodbye to 2011 and say hi to the new year, 2012.  As usual, most of us will have their pen and paper ready to write down their new year's resolution...

Sa opinyon ko lang naman, parang ang resolution na ito ay para sa bagong taon at hindi sa taong gusto magbago.  Aminin natin sa hindi, maraming pangako na ang nasira ng resolusyong ito at minsan nga ay parang project nalang to sa loob ng school.  Naalala ko kasi noong elementary, pinapasulat kami kung ano daw ang new year's resolution namin.  Nuong una nahihirapan ako magsulat kasi nga -- bakit kelangan ko ng resolution kung wala naman akong dapat baguhin sa buhay ko...(namimilosopo lang ako nung panahon na yun) tinawag nalang nila sana plans for next year... kasi ba naman pinost ng teacher ko na example.  "Di na po ako magkakalat", "Di na mangongopya sa katabi, sa kaharap nalang" at kung ano - ano pa na hindi mo na gagawin ulit...

Mahirap kasi hindi gawin ang isang bagay na nakasanay na... May ilan akong kakilala na nagsabi sa akin na hindi na daw siya mambababae pero kalahati pa lang ng taon ay malalaman ko na hiwalay na sila ng kanyang nobya dahil sa kabit.. Oo nga naman, hindi na siya mambababae kasi nga naman ang girlfriend nya is yung kabit niya... (pwede...haha)  Pero sa katotohanan ang mga bagay na bawal ay sadyang mahirap iwasan.  Mas maganda pa sana kung may plano ka nadapat gawin para maiwasan ang mga masasamang bisyo at nakasanayan para hindi mawala ang mga taong malapit sa atin.


Kung ako tatanungin ninyo, may ilang plans for the new year ako dito


1. Matulog ng maaga para chill lagi kapag nagta-take ng calls (lagi kasing mainit ang ulo)
2. Ugaliin na magbaon para hindi maubos ang kakarampot na sweldo
3. Kapag nagtitipid at Critical Wallet Day tpos may nag - aya na kumain sa labas >>> tumingin kay crush >>> at sabihin sa nagaaya,  "Busog pa ako, eh" (si crush pa lang, ulam na)
4.  Kung si crush naman ang nag-aya na mag-lunch, HUWAG MAG HESITATE!! sabihin agad Oo!
5. Huwag papagurin ang sarili, dahil hindi na uso ang bayani
6. Dapat laging positive thinking... kung nakita mong may ham na inuuuwi ang mga nasa kabilang kumpanya at ikaw wala... sabihin mo agad "at least wala akong bitbitin"
7. Magtipid ng sweldo pagdating ng December -- para sa ham
8. Magpasalamat sa taong magsasabi na mataba ka at idagdag "buti nalang kahit wala akong pang-noche buena ay nagkalaman ako... (parehas lang ng nasa # 6) 
9. kaya nga tinawag na "bonus" ang mga noche buena pack na pinamimigay ng kumpanya ay dahil dagdag lang ito... pasalamat ka kung meron pero kung wala ay hindi naman daw mandatory yun. (kaya wag ka nang umasa)
10.  Laging humarap sa salamin at tignan ang mga wrinkles.  Kasi sa 10 resolusyon na ito, isa lang ang pinananggalingan ng problema... 


Madami tayong gustong baguhin sa buhay natin. pero tulad ng sinabi sa akin ng supervisor ko, "Its already a thing in the past"   Hindi na natin maibabalik ang panahon at oras na sinayang natin kaya mas maganda kung sa simula pa lang ay maayos na ang ating nagiging gawi at desisyon


Bagong taon, bagong pag-asa ika nga nila.  Meron mang bagong problema, isipin nalang natin na hamon lang sa atin ito para maging matatag tayo at tumalino sa mga desisyon na gagawin para sa kinabukasan.  


Isang gabay ang new year's resolution.  Ikaw ang nagtakda nito at kung hindi ito masunod,  alam mo na kung sino ang may kasalanan....






Princess_belle

Wednesday, December 21, 2011

The indispensable bruha: Update Required

Sobrang lakas ng ulan kanina.  Nakita kong tumaas ang tubig sa harap ng bahay namin kaya naisipan kong "magsundot" ng kanal para bumilis ung daloy ng tubig.  Di ba parang kadiri lang.  Naghugas naman ako pagkatapos.  

Tinamad narin ako mag-bake ng cupcakes.  Alam kong ito ang pinakamagandang panahon dahil hindi ko mararamdaman ang init ng oven pero sadyang nakakabagot ang magluto.  Bahala nalang si mama sa iba.  Subalit kumati narin yung ulo ko sa kung ano ang pwedeng gawin...  Wala nang matinong palabas sa tv, nagdi-diet ako kea di ko rin feel ang kumain at tulog ang kapatid ko kaya wala din akong ka tsismisan.  Bigla kong nakita ang telepono ko.  Naisip ko na gusto ko ng hello kitty sa phone (walang aangal...) kea naisipan ko na magdownload nalang ng themes galing sa kompyuter. pagkasaksak ko ng USB sa pc biglang lumabas sa screen... "Update Required".  Well kahit pwede mo naman ipagpaliban ang update eh nagpatuloy ako.  Naisip ko rin kasi na kailangan na ng telepono ko ng isang update para naman di nahuhuli sa mga applications. 

Hinuha ko... buti pa ang phone ko updated na... ako kaya? 

well after 30 mins natapos ang update ng phone ko... eto na yung application na meron sya...


di naman siya exactly na ganyan kasi di naman iphone yung phone ko... masaya narin ako kasai nakuha ng phone ko ang gusto ko na mangyari sa kanya.  Pero di talaga malingat sa utak ko ang word na UPDATE... kasi naman habang tumatagal, nag-iimprove at nagiiba ang paligid natin...

Lovelife ko kaya? kelan kaya magiging updated?

Papalapit na naman kasi ako... for 26 years of my existence, napabilang na ako sa tinatawag nilang SMP (samahang malalamig ang pasko).  Its not really a big deal for me kasi nag-eenjoy naman ako bilang single.  Night out with friends, shopping, eat out at kung ano ano pa... pero hindi kasi nawawala ang usapang lovelife sa tuwing nagkikita kayo ng mga kaibigan mo.  Hindi rin nawawala ang gasgas na tanong na "bakit wala pa??"  sagot ko nalang:: di ko nga masagot ang sarili ko sa tanong na yan, kayo pa kaya?

Hindi lang naman ang lovelife ang kailangan na updated.  Career, family at lalong lalo na ang spiritual life... yun ang kailangan updated tayo... ang daming bagay sa mundo ang kailangan na updated.  Minsan nakakapagod pero kailangan.  Tulad nga sa kanta... Tumatakbo ang oras na iiwan na ako ng panahon... 

haaay buhay nga naman... ang oras ay hindi tumitigil... so tayo din... dapat hindi tumigil :D 




Princess_belle 

Monday, December 19, 2011

the indispensable bruha: ribbons of hope and wrappers of love

5 days before Christmas eve... everyone is busy, shopping... grocery.... bonus... 13th month pay... 

I turned on the tv and it was TV Patrol airing at that time.  All I can see on the screen was mud... flooded areas... tumbling cars and dead people.  I was thinking, why now? why at this time?  why when its only 5 days to go.  I felt a lil confused to why... why at this time... I know I'm not in the position to ask God why near Christmas where the celebration needs to be happy.  All I thought  is this time, its time of sharing.  Time to give whatever that is excess or even we dont really need.  

I know Lord has a purpose why this happen... ask me? I don't really know.  I remember a friend told me this.  "we live here in the earth as a testing ground, sometimes people do pass early and they graduated and some are left behind to be angels of those who are lost."  So  I believe God really has a reason.  He wants us to know that we are not alone, that there are people who needs our help.. He also wants us to take care all of the things he provided us.  the rivers, seas, trees and a lot more.  

This incident has a great bearing to me since the last super typhoon "Ondoy." I was there, stranded in the middle of Manila and Quezon City looking for a place to stay for the night since I cant go home. I saw people sleeping outside the mall just to be safe, hoping that the rain will stop and the flood will subside.  I was there when I have no choice but to stay on a motel with a gay friend who has been my angel since then.  I felt all alone at that moment, but God gave me reasons to move on and be strong.  

going back, I saw this picture on FB.  Hope all of us can help our fellowmen most especially during this time. 




they need our help.  Make them feel that there is still Christmas.. 


Princess_Belle

Friday, December 16, 2011

The Indispensable Bruha: a techee Christmas

"Forever's not enough for me to love you'


that song haunted me until I get home.  Hindi ko rin alam kung bakit eto ang kanatang tumutunog sa utak ko... 


December 16, 2011: Tech Support Christmas party
Dampa Libis, Quezon City







In exchange of UST's  annual Paskuhan celebration, I attended tech support's Christmas party. Me, Hazel and Lorraine decided to have our hair done :D and after a whole day journey from Eastwood - Shopwise Libis - Pasig and going to Dampa, all of our efforts and stress were paid.


This event for me is a blast.  Considering I laughed until my energy is out.  We stayed there for more than 4 hours, starting from 7 pm until almost midnight.  


(lets change from EOP to tagalog)

Sa simula nandun na ang inaasahan... wala pang pagkain...kaya maging busy sa pagchikahan at makipag-picturan... wala nga naman kasi magawa kaya sa imbes na malipasan ng gutom, ok na ang maging busy sa picture.


Karen, Lorraine, Jen and Ann... chill out while waiting


matapos naming maghintay, nagsimula na rin ang party. As usual, raffle, games, singing contest at kung ano ano ang gimmick nila.  Aside sa mga yun, naaliw ako ng sobra sa alledge love team ng tech support

I really appreciate how "game" they are


And after ng napakaraming barahan at laglagan, syempre dumating na rin ang food. Buttered shrimps, maalat na sinigang, liempo, at adobong manok ang nakahain.  Hindi naman ako kumain ng marami dahil nakaregulated meal ako... (oh noooo!! )



I really enjoyed the party.  Its worth it na ipagpalit ko muna ito pansamantala sa Paskuhan.  Alam kong walang fireworks at hindi libre ang food, pero mas ok na ito dahil nakikita ko siya.

Well oo kaya nga ata di ako makaget-over sa kantang Forever's not enough ni Sarah G. kasi`bigla siyang (crush) pumasok sa utak ko. Katawa lang di ba.  Bakit kasi minsan kung wala ang tao, ang lakas ng loob natin pero kapag kaharap na, halos di makapagsalita... :(

Going back sa Christmas party, masaya naman ang experience ko. nakita ko kung gaano kakulit ang mga tao sa tech at kung gaano sila ka-bonded to the max.  Thanks sa talino ng TL ko, TL Rommel kasi nanalo kami ng free Breakfast sa McDo.  

my sooo smart TL 



Kahit I ended the day with a sore feet, tired eyes and cold heart. I keep a positive outlook that this is a start of  a good relationship.  Na-miss ko tuloy ung team ko before I left ICT... pero like what was said before.  "its already the thing in the past"  

here are the other pics 








before we went home, there is another song that made me really heart broken.... "Pangarap ko ang Ibigin ka..."  I know... I know... im getting that Emo mode again... but i cant really help it... 


So as I arrived home, here I'am, downloading the party pics... good thing I just got a very good friend 


yep! Silk chocolate flavor... my favorite.  and later, I'll be in dreamland with you... sooo in love with him :P




Princess_belle

Tuesday, December 13, 2011

in my dreams



There was a time some time ago
When every sunrise meant a sunny day, oh a sunny day
But now when the morning light shines in
It only disturbs the dreamland where I lay, oh where I lay
I used to thank the lord when I'd wake
For life and love and the golden sky above me
But now I pray the stars will go on shinin'
You see in my dreams you love me

hindi ko rin talaga alam kung bakit ko nagustuhan ang kantang ito... alam kong luma na ito at "korni" na sa karamihan pero... walang basagan ng trip... nage-emo lang... mahirap kasi magtype ng maliit ang keyboard... tipid ang mga salita para di masakit sa kamay.  Ilang beses ko na nga ba nakalimutan na bumili ng bago? 1...2...10? hindi ko mabilang... paano ikaw kasi ang laman... pak! hahaha

sorry di ko mdugtungan ang nasimulan kong buhay ni Eden... hanggang sa ngayon, nawawala parin ang sapatos niya. Nandyan nga si prince charming, suplado naman... pero masaya narin ako... kasi dinulog ni Lord ang hiling ko... isa sa mga Christmas wishes ko ang makita kitang nakangiti... Oo... big deal un... bakit?... kasi ang MAHAL!! i mean MAHAL... as in EXPENSIVE... kasi ng mga ngiti mo hehe.. at least ngayon nakikita na kitang tumatawa.  well kahit hindi ako ang dahilan, ok lang... at least naging bargain ang smile mo... 

Balik tayo sa kanta... bakit nga ba? ah kasi maganda yung meaning ng kanta. parang nangangarap ka na makasama ang taong ninanais mo at maisasakatuparan mo lang ito sa pamamgitan ng pagtulog.  Nocturnal akong tao kaya dinadaan ko nalang sa kanta.. pero mahilig din ako sa idlip...pwede narin naman yun eh.

"for as long as that you love me... in my dreams" aba! sa lyrics na ito, tipong "di na ako gigising dahil alam ko sa pagtulog mahal mo ako..."  well most of the time nakikita ko siyang tulog hehe... naku babalik na naman sa kanya ang usapan... makatulog na nga :P



Princess_Belle

Friday, November 25, 2011

Lets Cheer the Starbucks Way

sleepy.... tired.... stressed... well that what I can describe to myself. When I checked my news feeds at FB, my heart pumped with excitement when they announced the cheer party @ Eastwood 1800 





well I was waiting for the Cheer Party @ Tomas Morato but until now I wasnt able to get some updates.... Luckily I'm an addict to what you call "internet" and was able to get an update regarding this matter.  Still got shift the next day... but the hell!! Christmas is celebrated only once in a year, and Cheer party @ Eastwood is also only once in a year hehehe




Together with my friend Hazel, we conquered the photobooth and ordered our favorite drink.... Hers is a Venti Dark Mocha Frappuccino while mine.... guess...  Its the ever expensive Venti No chips Dark Mocha Affogato Frappuccino.... YES!!! I LOVE AFFOGATO!! and even it is not really on SB's drink customization list, I still order this one just to perk up my usual Frappuccino blend.




We enjoyed the night even we didn't won the raffle... haler! theres a lot of people there... well I'm expecting of free GC but most of the giveaways are tumblers. 


We also tasted some of their pastries and I started to love smores... but cmon! the diet!! hahaha


Well all ended well... for the pics, here's something from the photobooth :)





Looking forward for another Cheer party 


Princess_belle 

Wednesday, November 16, 2011

Pumpon ng Bulaklak

WRITER'S NOTE: this is one of my unreleased work. I just posted it on my blog and even my mom dont like this (cause im a tragic writer... "yahyah" ) Hindi na kasi umabot ito sa pasahan ng UST Education Journal. but im sharing it with you guys. Enjoy!!!!
to Yvonne, thanks for appreciating my work. 

Pumpon ng Bulaklak
ni (Princess_Belle)

Napakalakas ng ulan noon. Nakapinid ang mga braso mo nang pumasok ka sa loob ng eskwelahan upang kausapin ang mga kasama natin.

Lagi ka naman ganyan, hindi ka na nagbago…

Unti-unti mong binulungan ang isa’t isa na parang ang lahat ay nagulat. Marahil may sorpresa ka.

Ano kaya ‘yon?

Tapos, napansin kong malamlam ang mga mata mo habang tinungo mo ang kompyuter upang pakinggan ang paborito nating awitin.


Mahal mo na nga ata ako…


Biglang pumasok si Charles at tumabi sa iyo. Nakita kong hinagod niya ang iyong likod at may sinasabi ngunit hindi ko maarok. Ngumiti ka pasaglit subalit may marka ng mga luha na dumaan sa iyong mga pisngi.


Umiiyak ka pala…


Nagdalawang isip akong lumapit dahil baka tungkol ito sa isang sawing pag-ibig. Ayokong malaman pa na iniwanan ka ng taong mahal mo gayun na narito naman ako para sa iyo. Nagkamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko alam ang gagawin. Maya – maya ay tumayo ka. Gusto kong pakalmahin ka; kausapin, yakapin. Subalit pinipigilan ako ng pagkakataon dahil kahit matalik kitang kaibigan, para sa akin higit pa roon ang nadarama ko.


Napaupo ako sa sofa natin. Lugar kung saan minsan nabuhay ang iyong mga ngiti, halakhak at mga patawa. Inakap ko pa nga yung teddy bear na nakaupo kasama natin.


Nagbago ka na…


Bumalik kang maraming dalang papel. Sigurado kong mga pinirmahan ito ng ating dekana. Pagkatapos ay tumawag ka sa telepono para humiram ng masasakyan.


Masipag ka talaga…


Kapagdaka’y dumating ang mga iba pa nating kaibigan. Sina Camil, Solei, Ronald at Alex. Nabuhay ang iyong mga ngiti. Bigla kang nagmadali dahil katitila palang ng ulan at ang kaninang tinawagan mong sasakyan ay mabilis na dumating.


Hindi mo na ako napansin na lumulan ng sasakyan. Marahil isa nga itong sorpresa dahil hindi ko alam kung saan tayo papunta. Masaya ka noon. Ang hilig mo pa ngang magbiro.


Habang nasa kalagitnaan tayo nang daan ay pinahinto mo ang sasakyan sa malapit na tindahan ng bulaklak. Bumili ka ng pumpon ng rosas na kulay pula, puti at may nag-iisang kulay pink. Napangiti ako dahil kaparis ito ng gusto kong bulaklak. Lahat sila ay nagtilihan na parang may isang bulwagan tayong pupuntahan.


Nasaktan ako dahil alam kong hindi para sa akin ang mga bulaklak…


Habang papunta ay nagkukwento ka. Hindi ko marinig ang boses mo dahil nasa harapan ka ng sasakyan at napakalakas ng tawa ng mga kasama natin. Nakitawa nalang ako upang hindi mahuli. Muntik nang mahulog ang pumpon ng rosas na inilapag mo sa harap ng sasakyan. Buti nalang at nasalo mo ito agad.


Mas masaya sana kung katabi kita…


Biglang huminto ang lulan nating van. Pamilyar sa akin ang lugar na parang napuntahan ko na ito minsan. Ikaw ang nauna na bumaba. Nakita kong malalim ang ginawa mong buntong – hininga na tila hinahanda mo ang sarili mong iabot ang napakagandang pumpon ng mga bulaklak. Maingat mo itong kinalong at halos yakapin mo na sa kakaingat.


Dahan – dahan ang hakbang na ginawa mo papasok. Maraming bulaklak ang nakapalibot. Pulos kulay pula, puti at lalong lalo na ang kulay pink. Naisip ko na parehas kami ng hilig na taong ito na dinalaw mo. Isang dahilan na kaya mo minahal siya dahil hindi kami nagkaiba.


Habang papalakad ka ay naririnig ko ang awitin natin. Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang mga labi mong binabanggit ang bawat liriko ng kanta. Kabisado mo ito na parang hinaharana mo ang taong bibigyan mo ng bulaklak.


Gusto ko nang umalis…


Ngunit nang ako’y patalikod sa iyo ay narinig kong inusal mo ang aking pangalan. Dahilan upang ako’y lumingon pabalik at lumapit sa iyo nang tuluyan.


Naalala mo pala ako…


Tumabi ako sa iyo. Ngayon ang mga mata mong puno ng saya ay nababalutan ng luha. Laking pagtataka ko dahil kanina lamang ay naaninag sa iyo ang isang magandang araw. Tinawag ko ang atensyon mo subalit tagos ang iyong paningin. Tinignan ko ang direksyon ng iyong mga mata at nagulat ako sa aking nakita.


Para sa akin pala ang pumpon ng mga bulaklak. Ang mga rosas na pula, puti at pink. Ang awitin na kanina mong kinakanta. Ang mga ngiti mo kaninang umaga. Ako pala ang dadalawin mo. Patawad dahil inakala kong ibang babae na ang pupuntahan mo. Nasorpresa mo ako. Ginulat mo ako na iaalay mo pala sa akin ang pumpon ng rosas na iyong pinagkakaingatan.


Maya-maya ay inakap mo ang puting kahon na aking kinalalagyan. Tulad ng higpit ng pagkakayakap ko kanina sa teddy bear na dinala mo sa eskwelahan. Naramdaman ko ang init ng iyong mga braso kahit sa isipan ko na lamang. Naririnig kitang bumulong paulit ulit na binabanggit ang aking magandang pangalan… wala na ang salitang “Ate.” Nakangiti akong pinagmamasdan ka. Nakakatawa ka parin kahit ganyan ang hitsura mo.


Salamat pala sa pumpon ng bulaklak. Sa tanang ng buhay ko, ngayon palang ako nakatanggap nito.


Salamat ulit.


Kahit huli na…


-MMB

Monday, November 14, 2011

The Ride That was Never Mine... Oliver Tiu / Princess Belle


Author's note:  This is a union of 2 writers: it was published in Educ Journal last 2005 -2006.
Oliver got the idea of the story, he asked me to write it.  :D There is a portion of the story that has a personal touch that's why im posting it here :D

THE RIDE THAT WAS NEVER MINE
It was five o’clock in the afternoon. Cold breeze suddenly hugs me as I looked at my cellphone for a text message from someone… someone I always yearn to be with. Days gone by but a single beep never came. Everything was perfect, right, quite a miracle. But the truth of a rushed relationship always arrived in a bitter end… well almost.
I slowly walk outside of my school, waiting for a jeepney to ride. Suddenly I saw a couple sitting at the same spot where we used to sit. Both of them are chatting happily perhaps, reminiscing memories as they were together. I stopped for a few minutes to observe; the guy reached for his bag searching for something. He brought out a small stuff toy dog then gave it to the girl. She is so surprised about what she received that she accidentally pressed the toy dog’s tummy and out came the words “I love you”. I was on his feet few months passed… the same scenario where I used to be, But then, I see myself as that person but it slowly fades away.
  
  
A jeepney stopped right in front of me. Maybe the mechanical creature understands my heartache that it helped me to overcome the picture that made me dejected. However, chance can sometimes dismay you. As I sit at the end of the old dusty jeepney, I find myself front of two lovebirds staring at each other. Each gaze was like starlight, capturing the darkness of the night. The girl was wearing a uniform, seems to be from a school nearby; and the guy, having his casual clothes which captivates the taste of a simple lady. (as I think, maybe he fetched her from school.) I was looking at both of them when the jeepney suddenly made a full stop, causing everyone to jerk at their seats. I saw one of the guy’s hands hold the hand of his partner and the other side is on her shoulder, making sure that his loved one is secured and unharmed. I was on his feet few months passed… the same scenario where I used to be. But then, I see myself as that person but it slowly fades away.
  
  
  
I got down from the jeepney, for the traffic made me decide to walk. I know that my home is quite far from where I stopped; but then, taking my second ride is not worth anymore. I walked through the main road, different signs I saw on the way. I passed by my favorite fast food chain hoping to satisfy my hunger but I realized that I am not hungry for food when I noticed another couple eating the same food that we once had. Two different burgers cut into half then they joined together each half. They laughed with the idea because it is weird but romantic. Another thing that caught my attention is when they share the same large drink with both straws in it and when the guy wiped the lips of the girl with tissue. They smiled as if no one is watching them. I also smiled as I thought of the same thing. I said to myself: I was on his feet few months passed… the same scenario where I used to be, but then, I see myself as that person but it slowly fades away.
  
  
I almost reached my house but I stopped at the flower shop to talk to my friend. One man held my interest when he shouted. “A dozen of white and a dozen of pink roses please!” One of the personnel talked to him on how he will arrange it and the man told him to surround the white flowers with pink. I was overwhelmed as to what kind of bouquet he wanted. I stayed for a couple of minutes to observe. My friend was not in the store but still I decided to stay. I order not to be noticed, I looked at some of the flowers pretending I’m going to buy one. I listened as the man asked to put a note on the bouquet.
Linger in my mind
Memories of ours,
Reminiscing is what I do to unwind
Through these timeless hours…
… I love you baby teddy bear
  

I remembered the same thing when I ordered the same set of roses. I recalled the day I left the flowers at the guidance office (the place where she usually goes when meeting some of her friends) hoping that she will receive them. I texted the following words so that she can drop by: pls drp by d guidance office, I got a surprise for you hope ul like it!
I was stunned on what I have heard from the man. I was staring at nowhere when I found myself uttering the following words. “Treasure what you have now, appreciate everything she does and who she is…. Just love her”
I slowly walk away. My tears roll down my cheeks as I enter my room. I put my bag aside and my laptop. I opened the file in where I saw my journal. I slowly encode a few lines as to what happened recently; Reminiscing those things that I encounter and the thoughts that haunt me.
Dear Journal,
There are many incidents that occurred on my way home. I saw a couple talking sweet nothings and the guy giving his love a stuff toy dog that says “I Love You”. Another is when I rode the jeepney and found a damsel in distress and a knight in shining armor on the rescue scenario. I was happy for them because they are so sweet and love is all over them.
When I passed by my favorite fast food chain, I saw a couple having the same order when I was there with her few months ago. Remember the “hamburger thing” that I told you? They did the same thing. Just before I got home, I remembered seeing a guy ordering pink and white roses.
Maybe its just mere coincidence to see those. But every turn that I made, I saw both of us in the shoes of other people. Maybe our love story is only applicable for someone elseor maybe… just maybe its really a mere chance that I saw all of these.
It has been months since we talked. I really miss her so much; but more than missing is what I feel for her. I know that God will always be there to guide our paths. Much, He may be able to write me a love story with her as my leading lady someday. I’m hoping not for the worst but for her love to come back. I’ll always be here waiting, waiting for her to grasp the right moment for both of us.
For now, the journey must go on. Still waiting for the vehicle that will drive me home…
But for now, the ride is not yet mine.

M Martinez B/Oliver Tiu

Tuesday, November 8, 2011

The Indispensable Bruha

Nov 8, 2011.... kinda bored... or simply a stupid day... let's say I'm all stressed out because of the calls.  Another reason is that I wasnt able to think of a topic or anything that may spark my attention.


bakit nga bang indispensable bruha? nothing much really.  it just popped out of my mind.  marahil dala narin ito ng pagiisip ko sa sarili ko.  


Aminado ako kasi na vain ako paminsan minsan... well most of the time pala. Parte na ata ng pagiging babae ang ganun (sariling opinyon ko lang yun ah) subalit kung tutuusin mas maraming babae ang bumibili ng sabon na panligo na may iba ibang gamit sa katawan


Nakakatawang isipin pero totoo.






iilan lang to sa kinakabaliwan ko. may ilang pinagsisihan pero halos lahat nagustuhan ko. mabango kasi at masarap ang pakiramdam na mistulang balat ng baby ang kutis mo pagkatapos.  


At tulad ng sinabi ng isa kong kaibigan.  kelangan indispensable ka.. sa lahat ng hamon ng buhay, lovelife, career, family at kung ano pa yan dapat di natin kinakalimutan ang ating mga sarili.  na may karapatan tayo na magpa-pamper ng ating mga sarili 


^_^ 


Princess_Belle

Sunday, October 30, 2011

pepperrrifficc lunch date

Three weeks after the Johnny Rockets hamburger fiesta with my sis, she invited me to watch a movie on a Sunday... whoa! a Sunday... yes a Sunday!

my sister knows that I 'm not fond of highly crowded malls. I dont really like getting bumped with people and they will look at you from head to toe as if you know them from other dimension hehe. Thank you for the long weekend and people are off to their provinces since Friday. 

So indeed, I agree to join her.

We went to SM Megamall for the bonding.  I waited for her for 30 mins and those are the best 30 mins I got for the day.  Why? I was able to see a lot of kids trick o' treating. -- well not that much since the mall just opened and FOREVER 21 is not crowded.  Yep! its usually crowded and the dressing room is in a queue.  My first intention is just to window shop but I ended buying a girl's favorite thing... well not really for broadcast hahaha

we share a secret hehe

I planned to drop by Tokyo Cafe but since my sis already arrived at the mall, we just decided to have lunch.  I was intrigued with Pepper Lunch.  It is my first time to drop by that resto since I'm a huge fan of Yoshinoya and their green tea icecream.  It has been a great experience for our tastebuds and I'm looking forward to go back.  First, we lined up outside since there are alot of customers waiting also to get a taste of the yummy food that they offer







They got alot of choices.  Of course I didnt chose the usual so we can experience and we will know what is the special of this food chain. We saw pepper lunch before at Rockwell and Im quite curious of the taste and the reason behind why people are coming back.

well now I know the answer...




pepper steak, goma, and beef yakiniku for my sis... all I can say is wow! the sauce is the  key! their sauces taste really great and I'm wanting for more!( a taste of butter and honey -- i think) BTW goma is a black seaweed ice cream offered there. It also taste great just like a butchi, only served cold. Nice weekend with my sis and Im really looking forward for another one.



Princess :)


Thursday, October 27, 2011

always something there to remind me

sa labas, nanunuod ang mahal kong tatay ng cable... palabas, old skul... di ko alam ng title pero alam ko, bata pa si Gov. Vilma, bootcut ang jeans at mahigpit ang mga polo ng mga lalake... ilang linggo narin pala ako di nakakapagblog. paano nga naman isang maliit na keyboard ang kalaban ko. haaayy! sira kasi ang keyboard ng baby ko.. di kaya ng togmolodon o kya ng yakapsul. Sabi ng technician, major surgery daw ang kelangan ng laptop ko... masama talaga... tsktsktsk

pero napatunayan ko rin na mahirap kalabanin ang sarili kapag inatake ng topak. kaya habang naririnig ko sa labas ang kwetuhan ni Vilma at ni Romeo Vasquez (salamat kay papa) naisipan ko na makinig ng old skul din na music.. hahaha 

buti pala lumabas din ako kasi muntik na akong maubusan ng papaya... tsktsktsk... haay belle pagkain nga naman.  di ko maiwasan na makinuod sa tatay ko.  kasi naman magkwento daw ba kung gaano kaganda ng manila at ng makati nuon.. well as i see it, oo nga mas maganda nga ang kalsada nuon.  Nakakamiss... hindi ko man to naranasan or nakita nanghihinayang ako kasi ang ganda pala talaga ng luneta nuon... haay thats life things change.

pero kung tataungin nyo ako bakit ko naisulat ang blog na ito ay kahit ako hindi ko yan masasagot.... may mga  bagay lang ata na nagpaalala sa kanya or mistulang guni guni ko lang...

ok na sana eh... natakot tuloy ako kasi mahirap nang matsismis hehehehe

Monday, October 17, 2011




Love... parang elevator... bakit nga naman natin pagsisiksikan ang mga sarili natin sa isang tao na wala ka naman palang espasyo sa puso nila. Eto ang usual dilema ng mga tao, often resulting to "third party" bakit? kasi magtatake - advantage ang isa for you know... reasons pero ang mahal nya parin is yung original.  Gulo di ba?  ganun na ata talaga ang relasyon... meant na maging magulo... pero oo nga naman sa imbes na elevator na hindi ka makasakay, bakit hindi nalang maghagdan. Good for the heart pa yan kasi may physical activity at sure na pinaghirapan... at ito ang pagmamahal na hindi minadali. Hehe.


Marahil nga hindi talaga madaling turuan ang puso na gumawa ng tama.  Kahit mali, inconvenient at kung ano ano pa ay kayang suongin para lang makasama ang taong ninanais. Kudos sa lahat ng inlove, maiinlove at sa mga naiwanan at nasaktan, OK lang yan.  Siguro may dahilan si God para sayo kaya nya tinanggal sa buhay mo ang taong pwedeng pagmulan ng sakit sa ulo mo. Reason bakit nauso ang alternatives kagaya ng alternative medicine, LPG na pang - replace sa langis, Boteng kisame at kung ano ano pa... ang love, parang elevator.... kelangan mo ng tamang pagkakataon at saka panahon para makasakay ka o kaya naman gumamit ng hagdan kapag di ka talaga kasya.


Princess_Belle

Saturday, October 15, 2011

1 week... big day for me

kukunin ko lang yung cake ni Erica... hahaha hello kitty kasi




One more week to go, one year will be added but a lot of responsibilities to finish.. A LOT of goals to achieve.

Oo nga.  isang linggo nalang at dadagdag na ang edad ko.  Pero kung tatanungin ako ng mga tao, parang na - stuck ako sa edad na 22.  Yun kasi ang edad kung saan naging maganda ang career ko, kahit love life ko may kulay ng konti.  Haha oo nga pala LOVE LIFE.  Hindi mawawala ito sa usapan kapag tumatanda ka na.  Mistulang isang kasalanan ang maging single kapag dumadagdag ang taon.  Wala pa naman sa constitution na ang mga nasa edad na 25 pataas ay dapat may ka MU na or BF, subalit ipinamumukha ng mga tao na isa kang loser kung wala ka nga.

Hindi naman ako apektado masyado. Subalit hindi matatanggal sa isip ko kung bakit nga ba wala. Alam ko pihikan ako pero minsan parang di naman ako ang may problema.  Ayaw nga lang talaga nila sa akin. haha.

Well, malalaman ko rin yan.  Tulad ng mga sinabi ng kaibigan ko, dumadating lang yan.  Baka nga dumating na siya, takot lang ako sa kanya at takot lang din siya sa akin. hehehe


- Princess_Belle

Monday, October 10, 2011

NSNC: Diary of a Goodbye Girl




I've been so alone all my life, 

I couldn't give my heart to anyone...

Hiding myself was a one 

who needed to be held like anyone

Matapos ang walkout ko kay Anne nung isang araw, hanggang sa ngayon hindi kami masyadong naguusap ng matagal. Lagi niya kasi sinisingit si Gian sa usapan.  Ayokong maiungkat nanaman niya ang nakaraan sa akin at tanungin kung gusto ko yung tao.  Sapat na na ako ang nakakaalam  at wala nang iba.

"Eden!" narinig ko ang malakas na boses ni Anne sa hallway 

Sasakay na sana ako sa elevator nang pinigilan niya ako at hinila para hindi makasakay.  

"Ano ba problema mo? Hindi ko alam kung umiiwas ka ba or talagang busy ka lang" dagdag niya

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.  Ayokong magsinungaling pero hindi ko rin nanaisin na kulitin ako kung ano man ang bumabagabag sa utak ko.  Maya - maya pa ay nagsimula na siya sa pagsermon sa akin.  

“alam mo dapat sinasabi mo rin kasi kung ano ang nasa saloobin mo. Hindi naman ata tama na sinasarili mo ang isang problema at iiyakan mo nalang din magisa.  Mas masarap parin ang pakiramdam na may kausap ka at may kadamay ka sa lungkot mo..  Ano ba talaga kasi ang bumabagabag sayo?”

Wala akong sinagot sa mga tanong niya tinignan ko lang siya na parang hindi ako nakikinig.  Bigla niya akong hinatak malapit sa station namin. Nainis na ata ako sa pangungulit niya nang bigla kong sabihin sa kanya

“Hindi mo kailangan problemahin ang nararamdaman ko kay Gian.  Kaibigan ko siya at alam ko naman na darating ang panahon na aalis din siya. People come and go Anne, ok”

Natigilan ang kaibigan ko sa mga nasambit ko.  Hindi niya inaasahan na tama ang hinala niya na may gusto ako sa kaibigan ko. 

“Girl, sorry.  Hindi ko naman sinasadya.  May kutob nga ako na may nararamdaman ka kay Gian pero  hindi inaasahan na totoo pala yun"


Sabi ko: “Anne, mas mabuti na ako lang ang nakakaalam.  Puso ko lang ang masasaktan. Walang ibang tao na aasa at bibiro sa akin.”

“Pero hindi naman siya tulad ng iba ah”

Agad kong hinawakan ang balikat ng kaibigan ko sabay sabi, 

“Pareparehas lang sila”

The days moved into years, I looked forward between the tears.
It never ever found me, never ever found me...

Naalala ko ang mga kaibigan ko na minsan minahal ko pero nagpaalam din. 

---- John----
John: “Congratulations! Graduate na!”
Eden: “Magkikita pa naman tayo sa MULTI diba?”
John: “I’ll be leaving for states na..”

---Charles----
Charles: “magreresign na ako eh.”
Eden: “kelang effectivity?
Charles: “ngayon…”

Iilan lang sila.  Ang iba, kahit hindi ko naging crush or infatuated ay mahal ko parin bilang kaibigan. Naramdaman ko na ang sikip ng dibdib ko.  Parang gusto na nitong sumabog at ang mga mata ko ay nangingilid na ng luha.  Buti nalang at walang tao sa floor dahil ayoko rin gumawa ng eskandalo. Sinabi ko sa kaibigan ko

“Mabuti kung ititigil ko na to. Nahihibang lang ata ako kasi mabait siya at ang atensyon na binigay niya sa akin ay hindi ko nakuha sa iba. Pero kailangan ko parin bumalik sa katotohanan ang lahat ay pansamantala lamang.”

Pagtalikod ko, nabangga ko ang isang lalake.

“Gian?”

“Tama ba narinig ko?”

Nakatitig ako sa kanya.  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.  Natigilan ako at parang na-pipi ng nakita siya. Agad akong umalis.  Oo, parang sa mga teleserye and nangyari at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ano bang dapat kong malaman?”

“Wala…”

Umalis ako nang hindi ako nagpapaliwanag sa kung ano man na narinig niya o kung ano man ang nangyari kanina.  Bumaba ako ng elevator, pigil ang pagiyak.  Agad akong pumunta sa malapit na restroom at duon ko iniyak ang lahat.  Sinabi ko sa sarili ko.

“Magpapaalam ka rin sa akin.  Bago pa mangyari yun, ako na ang lalayo”




Saturday, October 8, 2011

Lets be aware

My attention was caught after seeing a pair of earrings in FB yesterday.  It's for a good cause and  also an accessory to show support regarding breast cancer. 

only for 175 php you got 2 sets of earrings and  10% disc

I bought the earrings day after :) well its nice because its nickle free. Tried it and so far well not really bad on my ears hehehe

It has been a long day for me but after buying this, I felt good cause i know it is for something good.  We need to be aware of breast cancer and we need to help as well those people who are unfortunately acquired the disease.  

Not that much inspired in writing a story as part of NSNC.  So much of the baking dilema yesterday and lack of inspiration today.  Oh well live goes on :)



Princess_Belle 

Thursday, October 6, 2011

NSNC: TV at Zodiac Sign

"Please dont make me fall inlove with you  because I dont know how to let go,  
Im not sure of your feelings, but one thing i know... I cant imagine myself without you."


"Ehem! Eden, ok ka lang ba?" 


Tumaas ang kilay ko matapos may tumayo sa harap ng telebisyon.


"Babae, na- carried away ka na naman sa pinapanuod mo."  Sabi ni Anne na kabarkada ko.


Nakikinuod kasi ako ng paborito kong series sa TV. Hindi ko talaga maiwasan macarried away sa mga ganitong istorya. Yung hindi masyadong "happy ending" ang katapusan ng mga kwento. Nangingilid narin ang mga luha sa mata ko nang biglang patayin ang TV.


"Uyyyy!!!" sambit ko.


"Gurl, di ka naman pumunta dito para umiyak di ba?"


"Paki bukas na yung TV..." pagmamakaawa ko.


Binuksan uli na Anne ang TV at naipagpatuloy ko ang panunuod. Nakaconcentrate na ako sa mga kasunod ng palabas ng biglang tanungin nya,


"Kumusta na pala kayo ni Gian?"


"Bakit mong tinatanong na kami? Hindi naman kami eh?"  sagot ko


hindi ko alam kung nasa defensive mode ba ako o kung anong pumasok sa utak ko at bakit sinabi ko yun. Wala ata ako sa sarili ko.  Tumahimik ako ng ilang segundo nang marinig ko si Anne na humalakhak ng malakas


"Tanga! wala naman akong sinasabing "kayo" di ba hindi kayo nagkaintindihan nung isang araw. Napansin ko kasi na parang nagaaway kayo at hindi ko sigurado kung napikon ka na." sabay ang malulutong na tawa ng kaibigan ko


"ahhh.  Hindi naman ako napikon nun. Nagkukulitan lang kami. Hinaharot kasi ako ni Gian habang may call ako pero hindi kami nagaway"


Kung alam lang niya na tuwang tuwa ako nung araw na iyon.  Wala kasing nakakaalam na crush ko si Gian at kung pwede nga lang hindi natapos ang mga sandaling yaon ay ikakaligaya ko. Nakahinga na sana ako ng maluwag sa paliwanag ko, nang biglang dinagdag ni Anne


"bakit nga pala parang defensive ka? Meron ba akong hindi alam tungkol sa inyo ni Gian?"


"Kami? Wala! at saka kaibigan ko yun.  Ganun lang talaga kami mag-asaran"  sambit ko


Agad kong pinabulaanan na may nararamdaman ako para sa kaibigan ko.  Kasi hindi ko naman sigurado na ganun din nararamdaman nya para sa akin. 


Bigla kong naalala yung paguusap namin nuon ni Gian...


------------------------------------------ nakaraan -------------------------------


Gian: "Bakit wala ka pang boyfriend"


Eden: "Hindi ko alam eh"


Gian: " Ano pala zodiac sign mo?" 


Eden: "Bakit mo tinatanong?"


Gian:  Wala lang. kasi baka nasa zodiac sign mo ang dahilan kung bakit ka walang bf


Eden: grabe ka naman.  as if naman totoo yun. Libra ako


Gian: ahhh... yaan mo may regalo ako sa yo sa birthday mo 


Eden: eh ikaw? ano zodiac sign mo? 


Gian: Scorpio




Natigilan ako. Parang may tumusok sa puso ko na hindi ko alam.  Nakaramdam ako ng takot na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko magalit ng walang dahilan. Bakit nung narinig ko ang salitang yun ay bigla kong naalala ang isang tao.  Isang tao na matagal ko nang inilibing sa nakaraan ko. Hinukay ng zodiac sign na yaon ang mga alaala nung nasa highschool ako.  Isang bagay na ayoko na sanang balikan.




Naalala ko si George. Siya ang kaklase ko nung highschool.  Naging kaibigan ko siya at naging close kami ng mga ilang buwan.  Nahiligan namin ang maglibrehan ng softdrinks at icecream tuwing recess; siya sa icecream, ako sa softrdrinks at viceversa sa ibang araw.  Matalino rin siya at heartthrob sa loob ng school.  Kasama ko siya sa Journalism class namin nuon. Pero isang araw ay sinira niya ang pagkakaibigan namin at pagtingin ko sa kanya


"Kapal ng mukha mong magkagusto sa akin.  Hindi bagay ang tulad ko sayo.  At kahit sinong lalake hindi nababagay sayo."


Nabuhay ako sa paniniwala na hindi ko na tlaga makikita ang prince charming ko. Tingin ko nga hindi na. At saka Scorpio din si George.  Kaya ko siya naalala.


Kung alam lang ni Gian.  Kung alam lang niya ang tunay na dahilan. Na natatakot ako magmahal...  Nagaalangan kasi ako magmahal at kahit lagyan ko pa ng tapang ang puso ko para ma-inlove ulit, parang nandun parin ang takot at pangamba na hindi ako mamahalin ng taong magugustuhan ko. 


--------------------------- ngayon -----------------------------


"Eden?"  sabi ni Anne


Dahan dahang tumutulo ang luha ko.  Alam kong parang baliw ako sa harapan ni Anne pero mas mabuting wala siyang alam.  Mas mamarapatin kong itago ang nararamdaman ko para kay Gian at lahat ng mga bagay na kinakatakot ko.


"Sorry Anne.  Alis na ako." sambit ko


"Ok ka lang ba?" dagdag niya


Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpaalam. Gusto ko mapagisa.  Gusto kong sarilihin ang sakit ng nakaraan at pangamba ng paparating na sakit.


"Dapat pigilan ko ang sarili ko... Dapat pigilan ko ang puso ko na mahalin si Gian" banggit ko sa sarili ko.


Hindi ako para sa kanya at alam ko, walang puwang ang tulad ko sa puso niya. Itutulog ko nalang ito paguwi ng bahay. Sana bukas hindi na ganito ang nararamdaman ko.