Sunday, December 25, 2011

The Indispensable Bruha: New Year, Year of the New...





few days to go, we will say goodbye to 2011 and say hi to the new year, 2012.  As usual, most of us will have their pen and paper ready to write down their new year's resolution...

Sa opinyon ko lang naman, parang ang resolution na ito ay para sa bagong taon at hindi sa taong gusto magbago.  Aminin natin sa hindi, maraming pangako na ang nasira ng resolusyong ito at minsan nga ay parang project nalang to sa loob ng school.  Naalala ko kasi noong elementary, pinapasulat kami kung ano daw ang new year's resolution namin.  Nuong una nahihirapan ako magsulat kasi nga -- bakit kelangan ko ng resolution kung wala naman akong dapat baguhin sa buhay ko...(namimilosopo lang ako nung panahon na yun) tinawag nalang nila sana plans for next year... kasi ba naman pinost ng teacher ko na example.  "Di na po ako magkakalat", "Di na mangongopya sa katabi, sa kaharap nalang" at kung ano - ano pa na hindi mo na gagawin ulit...

Mahirap kasi hindi gawin ang isang bagay na nakasanay na... May ilan akong kakilala na nagsabi sa akin na hindi na daw siya mambababae pero kalahati pa lang ng taon ay malalaman ko na hiwalay na sila ng kanyang nobya dahil sa kabit.. Oo nga naman, hindi na siya mambababae kasi nga naman ang girlfriend nya is yung kabit niya... (pwede...haha)  Pero sa katotohanan ang mga bagay na bawal ay sadyang mahirap iwasan.  Mas maganda pa sana kung may plano ka nadapat gawin para maiwasan ang mga masasamang bisyo at nakasanayan para hindi mawala ang mga taong malapit sa atin.


Kung ako tatanungin ninyo, may ilang plans for the new year ako dito


1. Matulog ng maaga para chill lagi kapag nagta-take ng calls (lagi kasing mainit ang ulo)
2. Ugaliin na magbaon para hindi maubos ang kakarampot na sweldo
3. Kapag nagtitipid at Critical Wallet Day tpos may nag - aya na kumain sa labas >>> tumingin kay crush >>> at sabihin sa nagaaya,  "Busog pa ako, eh" (si crush pa lang, ulam na)
4.  Kung si crush naman ang nag-aya na mag-lunch, HUWAG MAG HESITATE!! sabihin agad Oo!
5. Huwag papagurin ang sarili, dahil hindi na uso ang bayani
6. Dapat laging positive thinking... kung nakita mong may ham na inuuuwi ang mga nasa kabilang kumpanya at ikaw wala... sabihin mo agad "at least wala akong bitbitin"
7. Magtipid ng sweldo pagdating ng December -- para sa ham
8. Magpasalamat sa taong magsasabi na mataba ka at idagdag "buti nalang kahit wala akong pang-noche buena ay nagkalaman ako... (parehas lang ng nasa # 6) 
9. kaya nga tinawag na "bonus" ang mga noche buena pack na pinamimigay ng kumpanya ay dahil dagdag lang ito... pasalamat ka kung meron pero kung wala ay hindi naman daw mandatory yun. (kaya wag ka nang umasa)
10.  Laging humarap sa salamin at tignan ang mga wrinkles.  Kasi sa 10 resolusyon na ito, isa lang ang pinananggalingan ng problema... 


Madami tayong gustong baguhin sa buhay natin. pero tulad ng sinabi sa akin ng supervisor ko, "Its already a thing in the past"   Hindi na natin maibabalik ang panahon at oras na sinayang natin kaya mas maganda kung sa simula pa lang ay maayos na ang ating nagiging gawi at desisyon


Bagong taon, bagong pag-asa ika nga nila.  Meron mang bagong problema, isipin nalang natin na hamon lang sa atin ito para maging matatag tayo at tumalino sa mga desisyon na gagawin para sa kinabukasan.  


Isang gabay ang new year's resolution.  Ikaw ang nagtakda nito at kung hindi ito masunod,  alam mo na kung sino ang may kasalanan....






Princess_belle

0 comments:

Post a Comment