Hindi na bago ang salitang ito sa akin.... Ito na marahil ang nakakasalamuha ko sa araw - araw. Ang kaaway ko, at bumubuhay sa akin. Pero ano nga ba ang salitang Queue???
eto ba ang kasama ng saging sa banana que? or sosyal na tawag sa pantusok sa barbeque?
kung meron sa inyo ang hindi nakakaalam kung ano ito, ating tanungin si Merriam Webster
** thanks sa link http://www.merriam-webster.com/dictionary/queue
Definition of QUEUE
1
: a braid of hair usually worn hanging at the back of the head
2
: a waiting line especially of persons or vehicles
3
a : a sequence of messages or jobs held in temporary storage awaiting transmission or processingb : a data structure that consists of a list of records such that records are added at one end and removed from the other
nakakabit sa salitang ito ang "waiting" o kaya naman ay paghihintay. Sino nga ba ang mahilig sa queue? Ang tao, napakabilis mainip. Ayaw natin maghintay sa tamang sakayan kasi pwede ka naman ma-pick up ng jeep kahit nasa island ka ng kalsada nakatayo. Ayaw mo rin maghintay sa linya kaya minsan nakikipila ka nalang sa Senior Citizen's lane at mangaaway ng cashier. Ayaw mo rin na naghihintay sa kasamang halos 30 mins ng late dahil sa traffic at lalong lalo na, ayaw ng lahat ang uminit ang upuan sa loob ng sasakyan dahil sa sobrang traffic.
Lagi nating nararanasan ang salitang ito. Minsan dahil sa mabagal na proseso, kaya nagkakaroon ng queue. Mayroon din naman pagkakataon na sabay sabay lang talaga ang mga tao kaya nasasama ka sa isang matinding problema.
Hindi naman masama ito. May pagkakataon na ito ay isang mabuting bagay para tayo makapagisip. kung lahat ng bagay ay mabilis, minsan nakakaligtaan natin ang mga bagay na importante sa atin. Ganito narin ata pagdating sa Love...
Nasanay na akong queuing ang love sa buhay ko. Sa tagal ko nang pagiging single, pakiramdam ko ay laging walang oras si kupido para panain ang lalakeng gusto ko. Di na rin ako umasa kasi nga masama ang maging assuming at masama rin ang umaasa sa wala. Well, pasalamat narin ako kahit papaano dahil kahit hindi ako maasikaso ni Kupido, nagkaroon ako ng pagkakataon na maging mapanuri at makapaghanda.
Tinuruan din ako nito na maging mapagpasenya at matutong maghintay. Kahit sa bilis ng panahon ngayon, kailangan din natin na maghintay ng tamang tiyempo tulad nga sa sayaw.
Naisip ko na isa lang ako sa maraming nakapila para matugunan ang hiling na magkaroon na love life at sa queuing ito, minsan dun din tayo nakakatagpo ng kasabayan natin sa paghihintay.
Di naman pala masama ang queue. Di masama ang maghintay. Dahil minsan ang paghihintay ang siyang magbibigay sa atin ng pagkakataon para mahanap ang gusto natin makita.
:)
Princess_Belle
0 comments:
Post a Comment