Tuesday, March 27, 2012

NSNC: Stilleto


---- JS Prom ---

This I promise you
King and Queen of hearts
Got to believe in Magic…

Sa kinatagal tagal naming naghitay at na bored sa dance music, buti nalang naisipan ng mga teacher na magpatugtog ng love song.  JS prom kasi nuon at mahigpit ang school pagdating sa mga sayawan.  Muntik na ngang hindi magkaroon ng JS Prom dahil parami na raw ng parami ang mga fraternities sa loob ng campus. 

“Eden, Hindi ka ba sasayaw?”

Napangiti nalang ako sa tinuran ng kaklase ko kasi sino nga naman ang makikisayaw sa tulad ko. Lahat halos ng kaklase ko ay kampi kay George at parang ako pa ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. Nakaupo lang ako sa isang tabi nang biglang

“Pwede ba kitang isayaw?”

Nakita kong may kamay na tumambad sa harap ko.  Inaalok akong sumayaw ni Michael, isa sa mga kaklase ko at mabuting kaibigan namin ni George. 

Tinanggap ko ang alok niya at sumayaw kami.  Buti nalang at mga mag-iisang oras na nagpapatugtog ng slow music kaya napagod na ang mga bantay na nagru-ruler sa layo ng mga mananayaw.

“Nagusap na kayo ni George?”

Parang gusto ko mainis ng oras na yon.  Come on! JS Prom dib a? bakit si George ang usapan. Umiling lang ako at ngumiti. Maya maya pa ay inabot niya ang kmay ko sa isang lalake para magkapalit ako ng kapareha. Laking gulat ko na si George ang kasayaw ko.  Gusto kong umalis pero pinipigilan ako ng mga paa ko.  Gusto kong suntukin siya or sampalin pero naawa ang puso ko.  Kahit masakit, nagawang tiisin ng sarili ko ang lahat dahil may pagtingin ako sa kanya.

“Musta ka na?”

Hindi ko alam, kung nang – aasar si George o wala lang siya maisip na sabihin sa akin. 

“San mo pala balak mag-college?”

Nagulat ako sa tinuran niya.  Nagkaroon pa siya ng interes na malaman kung saan ako magaaral at kung anong kurso ang kukunin ko. 

“sa UST ako, Communication Arts”

“Ganun ba? Ako sa UP kukuha ako ng veterinary” sambit niya

Matagal din ang sayaw naming dalawa.  Subalit sa paguusap naming habang nagsasayaw, isang salita ang hindi ko narinig.

SORRY..

Yun lang at ok na ako.  Yun lang at agad kong makakalimutan ang lahat ng pait na sinabi nya sa akin nuon.  Yun lang at panatag na ako.  Pero hindi ko narinig ang salitang “Sorry”

Bumalik ako sa kinauupuan ko na inis.  Pinagsisihan ko na pumayag ako makipagsayaw sa kaibigan niya at sa kanya. Maya maya, nakarinig kami ng putok sa bandang CR ng eskwelahan.

BOOM!

Nagpaputok ng pillbox ang mga fraternity sa school.  Talk about ang mga pampasira ng moment at mga taong bitter sa mga buhay nila. Nagtakbuhan ang mga estudyante at kahit gaano ako ka-kalmado ng oras na iyon ay natangay ako ng stampede.  Natanggal ang isa kong pink na stiletto.  Sinubukan kong bumalik subalit pinipigilan na kami ng aming mga guro at lahat kami ay pinalabas ng eskwelahan.  Naisip ko naman na marahil makukuha ko rin naman yun mamaya. 

Wala akong nagawa matapos ng ilang minuto ay pilit na kaming pinapauwi.  Yung mga bag daw na naiwan, ay pwedeng kunin bukas.  Tinanong ko sa teacher ko paano yung kapares ng sapatos ko ang sabi lang sa akin ay kapag nakita ilalagay nalang sa lost and found.

Dalawang araw matapos ang insidente (dahil Friday ginanap ang JS) pumunta ako sa lost and found ng school.  Halos maiyak ako dahil wala sa mga gamit ang nawawala kong sapatos.  Ito pa naman ang pinakapaborito kong pares ng stiletto at ngayon, kailangan kong tanggapin na wala na ang kapareha nito..


---- ngayon ---

“Eden! Aalis na tayo.”

“Nandyan na!”

Pupunta kami ng Batangas  ngayon. Napilit ako nina Anne na sumama kahit labag sa loob ko.  Moment to relax and unwind ang pinipilit niyang rason ko para sumama.  Lingid sa alam ko na hindi kasama si Gian.  Nakaimpake na ako’t lahat nang malaman ko ito. Nakita ko kasi siya sa sasakyan.

“Lagot ka sa akin mamaya Anne”  banta ko sa kaibigan matapos niyang ilihim ang lahat sa akin.

Ngumiti lang ang kaibian ko na parang walang nangyari.  Pinlano na nila ang hakbang na iyon para lang makasama ako sa outing. Pagkaakyat ko sa van ay iisa na lamang ang upuan na natitira katabi si Gian

“Bakit puno na?”

Stupid ng tanong ko di ba? 

Tumabi ako kay Gian ng walang imik. Para sa iba ang oras na iyon at mistulang pinakamagandang tagpo sa isang teleserye. Subalit para sa akin, halos isa itong “trauma”

Kung kelan ka umiiwas sa isang tao para makalimutan ito, ang dami naming pilit na naglalapit sa inyo. 

Wala akong imik na tumabi sa kanya.  Ngumiti lang ako subalit halo ng saya at lungkot ang nararamdaman ko.  Nakatuon na kasi ako sa career ko pero eto na naman ang pagkakataon na magkakasama kami

Alam ni Anne na pinipilit ko na syang kalimutan pero kaibigan ko din ang pasimuno para magkasama kami.

3 oras ang tinakbo ng sasakyan. Nakarating din kami sa Batangas. Masayang nagbabaan ang buong grupo.  Ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko, lalo na ngayon na kasama ko ang isang tao na nakaka-ilangan ko.

Ayokong sayangin ang magandang resort ng dahil sa isang tao.  Kaya pagdating namin sa cottage, agad akong nagpalit at sumuong agad sa tubig di ko na ata napansin ang oras dahil sumunod narin si Anne pagkalabas ko.  Halos 6:00 na ng gabi nang makabalik kami sa cottage.

Pagkatapos ng hapunan ay nagligpit ako ng gamit ko. Nagmadali kasi ako magimpake dahil halos last hour nalang nagsabi sa akin si Anne na tuloy ang team outing.  Pagkabukas ko ng gamit ko, nakita ko ang nagiisang kapares ng stiletto na nawala nung JS. Hindi ko rin alam kung paano napunta yun duon pero sa imbes na isipin ko kung paano ito nasama, ay biglang nakaramdam ako ng matinding lungkot.  Naalala ko tuloy ang nangyari nuon. Ang sapatos na iyon ang nagsilbing puso ko na nahati sa dalawa…. Na hanggang sa ngayon ay nawawala parin ang kapares.


Tumakbo ako palabas ng cottage. Agad akong pumunta sa may dalampasigan at saka ibinato ang stiletto sa dagat.

“Hindi ko na makikita ang kapares mo! Mas mabuti na mawala ka na din para din a rin nasasaktan ang puso ko”

Nang tinapon ko ito, biglang may tumapik sa likod ko.

“Hoy! Anong ka dramahan nanaman ang ginagawa mo?”

Nagulat ako nang Makita ko si Gian sa aking likuran.  Hindi ko inaasahan na nandun pala siya.

“bakit mo tinapon yung stiletto?” tanong niya

“wala yun.  Patapon na talaga yun”

“Ha? Eh bakit sa dagat mo pa tinapon?”

“Wala lang. Naisip ko rin kasi na hilig ko ang tubig.  Parang puso ko lang yung sapatos nayan.  Hahayaan ko nalang lumubog dahil hindi ko na makikita ang taong para sa akin.” Sambit ko

“Grabe ka naman.  Darating din ang taong iyon para sa iyo.  Huwag ka kasing suplada”

Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Gian.  Ako na kilalang mabait at sweet sa opisina, magiging suplada.

Maya – maya ay biglang nahulog ang stiletto sa harapan namin. Nagitla ako dahil alam kong tinapon ko na ito at umaasang hindi ko na makikitang muli.

“Miss, masamang magtapon ng basura sa dagat. Kaya dumudumi ang mga dagat ang ilog dahil sa mga katulad mo.”

Hindi ko maanigan ang lalakeng nagsasalita. Biglang nagpanting ang tenga ko at bigla tuloy akong nakapagsalita.

“Excuse me, sa kung inaakala mo na kalat ang tinapon ko, pwede pa naming maging bahay ng mga isda yan ah.  Hindi yan lulutang dahil may kabigatan ang stiletto nay an.”

SAglit pa ay bigla akong kinurot ni Gian sa balikat na parang may gusting sabihin.  Hindi ko ito pinansin at patuloy ako na nagsalita sa lalakeng kaharap ko.

“Oo mali na kung mali na tinapon ko yan.  Hindi mo lang kasi alam yung dahilan kung bakit ko tinapon yan sa dagat. Gusto kong sumama na sa alon ang mga alaaala nyan.”

“Ganun mo nalang gustong makalimutan ang nakaraan mo? Kahit itapon mo yan, hindi rin makakatulong yan kasi ung bagay lang ang tinapon mo, pero sa puso mo, kinikimkim mo parin ang masamang alaala kung ano man yun”

Natigilan ako sa sinabi ng lalake sa akin.  Kahit papaano ay tama siya. Ako ang dapat kumalimot ng nakaraaan at dapat hindi ko binunton sa paborito kong sapatos ang lahat.

Umalis ang lalake habang ako ay nangingilid na ang aking luha.  Bigla akong hinatak ni Gian at inalog alog na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

“Eden! Kilala mo ba yung sinagot sagot mo kanina?”

“Hindi..”

“siya yung bagong boss natin. Si Jonathan.”

“Ano?”

Bigla kong niyakap si Gian at umiyak…

0 comments:

Post a Comment