parang nataningan ako... sabi nila anim na buwan... alam ko naman darating ito... mawawala ka rin... pero sa maikling panahon na ito, sana maramdaman mo ang isang bagay.... ang magmahal ng tunay at ang mahalin.
plane ticket..
nakita ko ito sa mga nakacompile na sulat ng aming boss.
"Eden! Kailangan ni sir Jonatahan ang mga yan. "
parang nabingi ako sa sinabi ni Ann. Simula ng binalik ni Jonathan ang isang pares ng sapatos saakin, parang hindi na siya nawala sa isip ko. Alam kong may malaking pagkakamali akong ginawa sa kanya dahil parang nabastos ko siya nung gabing yon. Hindi ko man lang naisip na siya ang magiging bagong boss ko.
"Uy! Eden. Kanina pa kailangan yan. ako na magaabot"
agad kinuha sa akin ni Ann ang mga sulat kasama ang plane ticket. Bigla kong inagaw ito pabalik sa kagustuhan na ako ang magbigay sa kanya. Ilang buwan na ang lumipas simula nang nangyari pero ang lahat ay sariwa parin sa akin.
Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Jonathan. Sa inaasahan, malinis ito at masasabi mong may pagkametikuloso siyang tao. Dahan dahan kong inabot sa kanya ang mga sulat sabay sabi:
"Aalis ka na pala. Iiwan mo din kami?"
Nagulat siya sa tinuran ko at nagtanong kung paano ko nalaman.
"Nakasama kasi sa mga sulat ang plane ticket"
'Ah ito ba? advance nga to eh. 6 months pa naman bago ako umalis papuntang UK. Baka magtagal ako dun or baka di na talaga ako bumalik'
"Ganun ba. At least may 6 months pa naman di ba.. "
Lumabas ako sa kwarto niya na malungkot at hindi alam ang gagawin. Ngayon ako magsisimula na magbilang...
At dumating ang panahon na binibilang ko ang araw at pagkakataon... lalayo ka... alam ko... pero patuloy kang mananahan sa puso ko...
0 comments:
Post a Comment