Saturday, April 28, 2012

The Indispensable Bruha: Mystery files

Sambokojin: April 29, 2012


Subject: ME


ako naman ang naging topic ng pagkain ngayong gabi.. matapos kong magwork out para makisabak sa kainang walang patumangga, ay naisama parin ako sa hain..


Dreamy ko kasi eh... well kasalanan ko rin kasi nakakita ako ng cute (nanaman)


past time ko rin kasi ang mang-radar ng gwapo... bwahahaha... meron kasi akong nakitang guy na kamukha ni Xian Lim  tapos di ko na mapigilan ang magpacute... well wala naman masama dun... single ako, at I still got my composure. Di lang ata rin kasi ako sanay na lumandi... bwahahahaha


pero maiba tayo,... ako nanaman ang naging topic at natatawa ako sa reaction nila...mali parin talaga ang hula... tulad ng sinabi ko, magsasabi lang ako ng tama, kung tama rin ang ibibigay nila na impormasyon... tandaan: may kasabihan "LOOKS CAN BE INTENTLY DECEIVING"  kung di mo alam ito, basahin mo ang profile ko...


People! bakit ako magkakagusto sa sarili kong shadow... or my other self? The reason why hindi ako nagrereact kasi natatakot ako sa kanya... Imagine, bihira lang siya ngumiti... akala mo laging galit. tipid magsalita. He is like my other self na matagal ko nang pinatay... yung dating sarili ko na tanging iilan lang ang nakakakilala.. takot kasi ako sa taong seryoso... I tried to be jolly as much as possible kasi ayokong maging stress sa iba... 


In some point tumama sila sa isang tao na like ko before... Nagugustuhan ko pa rin kung paano niya ako lambingin at biruin... parang siya lang yung mga character na sinusulat ko. Pero things change talaga...


This mystery will always stay as it is... at magiging poop nalang ito na ifa-flush natin sa toilet pagkatapos... Sobrang saya ko tuloy sa kainan kasi nasabi ko sa sarili ko na magaling ako umarte :) 

Tuesday, April 24, 2012

the Indispensable Bruha: mystery solved?



mystery solved na ba talaga?

Nasa day 3 palang ako ng ng isang mind boggling event, mystery solved na agad?  Tama ba talaga? NO COMMENT ako tungkol dito.  Mananatili ako sa sinabi ko na mananahan lang siya sa puso ko at walang makakaalam.   May matinding rason din kasi ako kung bakit ayoko sabihin ang totoo.... kung bakit hanggang sa ngayon ay isa lang siyang "mystery guy"

Para sa iba, nagiinarte lang ako... sa iba naman gusto ko lang magpapansin... pero para sa akin,  kaya ko tinatago siya ay dahil alam kong hindi ako ang taong gusto niya... ayoko nang masaktan... pagod na ako eh... nasanay na ako masyado...

Masaya na ako kapag nakikita ko siya.  Lalo na kung nakikita ko siya na nakangiti. Sapat na sa akin iyon. Hopeless Romantic? oo... at higit sa lahat takot na ako mainlove... takot na masaktan... Tama na ang masabihan dati nang hindi karapatdapat mahalin... sapat na ang masabihan, mas masakit ang makita mo at mapatunayan mo na totoo ang sinabi sa iyo dati.

Sabi nga ng mga batch mates ko, nakaraan na iyon... move on... Oo.. move on... madaling sabihin... nakamove on na ako... pero hindi ko ito makakalimutan hanggang sa panahon na hindi pa rin naibabalik ang kapares ng stilleto ko... 

tanging matalino lang ang makakapagpatunay at makakapaghimay -himay ng detalye kung sino ang taong tinutukoy ko... hindi ako sasagot kung galing ito sa tsismis... mananatiling "secret" at "no comment" ang mga sagot ko... at magpapatuloy iyon, hanggang sa matapos ang 6 na buwan... o mga ilang buwan... 

kung tingin ninyo na mystery solved... ok...no comment... 


:P






Princess_Belle  

Monday, April 23, 2012

The Indispensable Bruha: Mystery Guy

sa wakas... bagong keyboard... ibig sabihin, bagong blog...


natapos na ang malulungkot na araw ko na maliit lang na external keyboard ang gamit ko... tinatamad kasi ako magpagawa ng keyboard ng laptop ko at parang hinihintay ko nalang din na siya ang unang mag-give up sa akin.. pero ayoko pa naman na iwanan ako ng mahal kong computer lalo na ngayon...


maiba tayo... ilang araw nang busy ang mga tao para malamang kung sino nga ba siya... si mystery guy ng buhay ko... natatawa nalang ako tuwing pumapasok ako dahil nagiging tampulan ako ng biro.  hindi ko naman matatanggal sa mga tao ang maging mapanuri at higit sa lahat maging tsismosa. pero ano nga mapapala ko kung malaman niya?


WALA... 


Tama wala. Wala talaga at uulitin ko pa ito sa ikatlong pagkakataon na wala akong mapapala kung malalaman niya na siya iyon.  At sino nga naman ba ako para magustuhan ang isang katulad niya diba??? nahiya naman ako dun :) Sa katotohanan, wala (pangapat na ito ah)akong mapapala dahil hindi naman importante ito. Kung tataas ang sweldo ng mga mamamayan at bababa ang presyo ng bilihin kung sabihin ko ito, Aba lulunukin ko na ang pride ko at sasabihin ko sa madla na ang crush ko ay si **********  bwhahahahaha




pero hindi naman kaya kalmado lang dapat ang lahat.  6 na buwan ang dadaan (well parang lima nalang) at marami pang pagkakataon.  Hindi naman ako pinanganak para maging ego booster ng isang lalake. Nandito ako sa mundo para magmahal at iparamdam sa mga tao na karapatan nila ang mahalin. 


Abangan naang nila ang mga susunod na kabanata... wala narin akong maisip na divert yung attention ko ni Pete Wentz hehehe uber crush ko kasi siya :D haahaha

Tuesday, April 17, 2012

Diary of a Goodbye Girl: 6 months prt:1

parang nataningan ako... sabi nila anim na buwan... alam ko naman darating ito... mawawala ka rin... pero sa maikling panahon na ito, sana maramdaman mo ang isang bagay.... ang magmahal ng tunay at ang mahalin.


plane ticket.. 

nakita ko ito sa mga nakacompile na sulat ng aming boss.  

"Eden! Kailangan ni sir Jonatahan ang mga yan. "

parang nabingi ako sa sinabi ni Ann.  Simula ng binalik ni Jonathan ang isang pares ng sapatos saakin, parang hindi na siya nawala sa isip ko.  Alam kong may malaking pagkakamali akong ginawa sa kanya dahil parang nabastos ko siya nung gabing yon.  Hindi ko man lang naisip na siya ang magiging bagong boss ko.

"Uy! Eden. Kanina pa kailangan yan.  ako na magaabot"

agad kinuha sa akin ni Ann ang mga sulat kasama ang plane ticket. Bigla kong inagaw ito pabalik sa kagustuhan na ako ang magbigay sa kanya.  Ilang buwan na ang lumipas simula nang nangyari pero ang lahat ay sariwa parin sa akin.


Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Jonathan. Sa inaasahan, malinis ito at masasabi mong may pagkametikuloso siyang tao.  Dahan dahan kong inabot sa kanya ang mga sulat sabay sabi:

"Aalis ka na pala.  Iiwan mo din kami?"

Nagulat siya sa tinuran ko at nagtanong kung paano ko nalaman.

"Nakasama kasi sa mga sulat ang plane ticket"


'Ah ito ba? advance nga to eh.  6 months pa naman bago ako umalis papuntang UK. Baka magtagal ako dun or baka di na talaga ako bumalik'

"Ganun ba. At least may 6 months pa naman di ba.. "

Lumabas ako sa kwarto niya na malungkot at hindi alam ang gagawin.  Ngayon ako magsisimula na magbilang... 


At dumating ang panahon na binibilang ko ang araw at pagkakataon... lalayo ka... alam ko... pero patuloy kang mananahan sa puso ko...