mystery solved na ba talaga?
Nasa day 3 palang ako ng ng isang mind boggling event, mystery solved na agad? Tama ba talaga? NO COMMENT ako tungkol dito. Mananatili ako sa sinabi ko na mananahan lang siya sa puso ko at walang makakaalam. May matinding rason din kasi ako kung bakit ayoko sabihin ang totoo.... kung bakit hanggang sa ngayon ay isa lang siyang "mystery guy"
Para sa iba, nagiinarte lang ako... sa iba naman gusto ko lang magpapansin... pero para sa akin, kaya ko tinatago siya ay dahil alam kong hindi ako ang taong gusto niya... ayoko nang masaktan... pagod na ako eh... nasanay na ako masyado...
Masaya na ako kapag nakikita ko siya. Lalo na kung nakikita ko siya na nakangiti. Sapat na sa akin iyon. Hopeless Romantic? oo... at higit sa lahat takot na ako mainlove... takot na masaktan... Tama na ang masabihan dati nang hindi karapatdapat mahalin... sapat na ang masabihan, mas masakit ang makita mo at mapatunayan mo na totoo ang sinabi sa iyo dati.
Sabi nga ng mga batch mates ko, nakaraan na iyon... move on... Oo.. move on... madaling sabihin... nakamove on na ako... pero hindi ko ito makakalimutan hanggang sa panahon na hindi pa rin naibabalik ang kapares ng stilleto ko...
tanging matalino lang ang makakapagpatunay at makakapaghimay -himay ng detalye kung sino ang taong tinutukoy ko... hindi ako sasagot kung galing ito sa tsismis... mananatiling "secret" at "no comment" ang mga sagot ko... at magpapatuloy iyon, hanggang sa matapos ang 6 na buwan... o mga ilang buwan...
kung tingin ninyo na mystery solved... ok...no comment...
:P
Princess_Belle
0 comments:
Post a Comment