Friday, September 15, 2017

Larawan

Isang malabong larawan,
tulad nung una tayong nagkita.
Isang pagkakataon di ko malimutan
nakatakda sa isang alaala

Di na muli nagkatagpo
naisip ko, iyon na ata ang huling yugto
Ngunit ang pagkakataon sadyang magpaglaro
tadhana ay di tayo pinaglalayo

Pilit kong tinakasan ang iyong mga ngiti
Aking iniwasan ang mga magiliw mong bati
Subalit sa bawat takas na aking gawin
Nagkakabangga ang landas na ating tatahakin.

Nilihim kong lahat 
bakit ba? Alam kong sayo di ako sapat.
Dumaan ang mga taon, 
natanto ko pagtingin ko di pala nagbago

Pero ngayon, biglang umiba ang ikot ng mundo
saglit lng pala ang binigay sa akin ng panahon
At hanggang sa huli, ganun parin ako
kapag kaharap ka, di ko masambit ang gusto ng puso.

Kaya bago ka lumisan, teka muna, sandali lang
kasi... 
Kung alam mo lang...
Kung alam mo lang... 
pinangarap din kita 

Kung alam mo lang, 
ginusto ko na maging laman ng iyong mga kanta
Maging liriko ng bawat tunog na iyong ginawa.
Akmang tugma sa bawat saknong, 
bubuo sa mga nawawalang parte ng iyong hymno

Gusto ko makitawa sa iyong mga biro.
makausap ka buong maghapon at
makatabi hanggang sa'yong pagtulog
Ngunit itong lahat ay isang parte ng panaginip
na muling mawawala sa 'king pag gising

Sabi nga ng orasan, "time's up" na
naubos na ang pagkakataon at lilisan ka.
sa maikling panahon, aking sinasambit
isang kang magandang regalo ng tadhana sa akin.

Gusto ko lang malaman mo ang lahat ng ito;
dahil tulad ng isang malabong larawan natin noon,
Mananatiling magkahiwalay ang Ikaw at Ako.


-- MMB

Friday, August 11, 2017

Dalawang Daan

200

maaga akong nagising para sa 7am kong pasok. Ala -singko pa lang, nakahanda na akong umalis. mga dalawang oras ang allowance ko para sigurado akong di malalate.
binuklat ko ang wallet na nangungumusta ang laman sa butas na maliit. marahan ko itong sinilip para malaman ko kung ano ang magiging takbo ng araw ko.
Haayy meron pa pala.
Pwede pa.

180

20 Php pamasahe ko papunta sa trabaho. 
maingat kong inabot kay manong ang 20php baka kasi mahulog.
Ilang beses ko ring hiningi ang sukli kay manong dahil mukhang nakalimutan nya ako. dalawang sakay pa namn ako na tig 10 piso. Buti nlng at nasuklian nya ang sobrang naibigay ko

144

dahil maysakit ako at sinisipon, kailangan kong bumili ng tissue. Di ako nakainom ng gamot kaya bumili nalng ako ng mineral water. Naisip ko dapat pala nilunok ko nlang ng laway ko ung gamot para di nasayang ung kinse pesos. pero nabili ko na... 

nag aya yung kaibigan ko na kumain kami. ilang tao narin ang iniwasan ko kasi alam kong mapapagastos lang ako sa pagkain. Naalala ko, may libreng pagkain pala ako sa canteen. dali dali akong pumunta dun para silipin ang pagkain. Nakita ko ang paborito kong tapa at madaling nagtanong. "Kasama po to sa free food?" sagot ng nagbabantay: "Opo, dagdag nalang kayo ng 10php,  50php lng kasi budget sa free food" 

Di ko ipagkakaila na nagunaw ng kaunti ang pangarap ko. Naisip ko na ung tocino nalang kasi nga libre naman. Meron pa naman akong isa pang coupon ng free food mamya.

Matapos ang almusal, naglambing sa akin ang isang ka trabaho ko. "May pagkain ka pa?" nagkunwari akong di ko narinig dahil wala naman akong mabibigay.

Pag dating ng tanghalian, masaya akong bumalik sa kantina dahil libre ulit ang pagkain ko. pagdating ko ay maligaya akong sinalubong ng tocino.

"Wala na po bang iba"

"Iha, mamya darating na yun. Hintay ka lang" 

di na makapaghintay ang tyan ko dahil narin ata sa lagnat. mga 5 oras narin nmn na ang nakalipas nung huli akong kumain. Kahit masakit sa loob, kinuha ko na ang tocino na kanina pa naghihintay sa akin.

"okay na po yan. Libre naman po eh"

ningitian ko nalang ang tocino na nasa plato ko. Naisip ko, may mga bagay na akala mo makukuha mo na pero yun parin at walang pinagkaiba.

109

lumabas ako ng opisina dahil wala na pala akong gamot. May libreng gamot naman pero di ko maintindihan at parang di naman tumatalab yung gamot na bigay nila. Baka matindi lang talaga ang sakit ko. O baka iba yung sakit ko na di paracetamol ang sagot.

99

sampung piso pabalik ng cubao. Mga ala sais na ata akong nakalabas ng opisina. Madaming naghihintay sa labas para makasakay ng jeep.isa na ako dun. Nakakainggit ung mga nakakapag uber o grab kasi di na nila kelangan pang makipag agawan. Sinilip kong ulit ang wallet ko at bumuntong hininga. Kahit pala angkas ay kulang din. Sabi ko sa sarili ko, "Sige, kaya yan. makakasakay din ako"

99php nlng pera pagdating sa cubao. Masaya na din ako kasi kahit papaano may pera padin ako pauwi. Pero minsan may mga bagay na kahit ayaw mo, bumabalik. Kahit di mo ginugusto, nangyayari.

Bumalik ung kirot sa dibdib na di ko maintindihan. Yung para kang sinasaksak ng dahan dahan na iniisip mo na baka dala lang ng pagod at lagnat. dali dali akong naghanap sa telepono ng pwedeng agarang panglunas. 

"your volume subscription has been fully consumed/ has already expired"

nagpaload ako para makapagtext na pauwi na ako. ayoko silang magalala na masama ang pakiramdam ko.

39

60php pala ang load. wala nang ibang option kaya ito nlng ang kinuha ko. meron pa naman akong pamasahe pauwi. 

habang binabagtas ko ang cubao, di ko maiwasan tignan ang mga kainan at tindahan na dati kong binibilhan. Nakita ko ang dati kong sarili na tumatawa sa loob ng boutique, sumusukat ng sapatos, tinitignan ang sarili sa salamin kung bagay ang damit na bibilhin, kumakain ng cake sa paborito kong kapihan, at nakangiti na namimili ng pangregalo para sa mga taong malapit sa akin.

naisip ko, noon yun. 
noon yun... 

29

di naman mahirap sumakay ng jeep pauwi. Buti nlng at wala akong kasakay na kumakain dahil kumakalam na naman ang sikmura ko. Mataas na naman ang lagnat ko baka dahil narin sa pagod sa byahe.

Pagdating sa babaan, inabot na ako ng gabi. Nagtricycle nlng ako dahil masakit na ang ulo ko. 17 php sabi ng driver.

12 

bago ako matulog, sinilip kong muli ang sira kong wallet. nakita ko ang 12 php na naiwan. Parang ako na kahit gaanong ilang tao na yata ang nagsabi na ang tanga ko, nagdesisyon parin na maiwan. 

iniwanan na ako ng lahat pero parang 12 php lang ako na sa daming nagdaan, natira at nagpaiwan sa akin.

Salamat 12 php. Di mo ako iniwan.

Restday ko na. may dalawang araw ka pang maiiwan sa akin.

Sana di ka mawala.


- Samantha de Vera

Sunday, January 8, 2017

The Indispensable Bruha: sa dulo ng kwento

when you are living on your own fairy tale... ikaw ung gagawa ng sariling kilig... ikaw ung gagawa ng climax sa story. of course ayaw mo nun ng ending. kasi pag dating ng epilogue alam mong lahat ng yun gawa gawa lang. na ginawa mo lang sarili mong katawatawa aka. tanga. pero at least naging masaya ka. yun nga lang sa mundo mo lang. Hirap no. Minsan napapaisip ka nalang at nasasabi mo sa sarili mo na di ka nga yata talagang deserving na mahalin. Kung deserving ka man, di naman nakikita ng taong gusto mo un. Sa huli, anino ka parin nyang ituring. Na iikot ang mundo nya nandyan or wala ka man sa tabi nya. Na walang magbabago mangyari na wala ka man sa buhay nya. Dahil hindi ka nagexist. Sad noh. pero wala eh. Wala ka sa existence nya. Kaya tahimik ka nalang.




Sunday, August 14, 2016

Random Memories: Daybreak

photocredits from http://pamba.deviantart.com/

You're like the warmth of sunshine
That waken up my soul
That smile.. That laugh..
It lingers in my mind

That look which stole my heart away
Those fiery gaze that melts me 
Inch by inch
Wanting you more and more

But it seems you try to put out the fire
Leaving me in this bed alone
Dreaming that one day you'll be by my side

What have you done? 
You left me drugged with your scent
The electrifying feeling when your skin touched mine
Why did you do this to me? 
Now all I wanted is to be with you.

Till then, things changed
The odds now are not in my game
I felt you are suddenly pushing me away 
It felt cold, it felt completely different.

Suddenly a part of me, reminded my heart
What was said before by someone
"you don't deserve to be loved"

I never listened to that voice
But now its deafening, numbing all my nerves

When will this stop? 
When will you satisfy the thirst inside? 
Can you make my fantasies come true?
Will you? 
Maybe not...
Cause you don't want to see me falling in love with you...

Thursday, May 5, 2016

Journal of a weird girl: Friday



Ugh. Friday...

Most people love this day cause cmon its the weekend. However for me its dreadful. Just realized that i havent done so much these past few days eventhough  I was  positive, enegetic and enthusiastic to do work.

It came to my senses that I am in a ship that is sinking and I'm with a person who freaks out, whines a lot, and counts a lot of problems. My calm, rational self tends to be distracted.

I can't make decisions on my own because I have to make decisions for someone else. It just came to me that my scales are completely out of balance. That even I try to make things balanced, that other person who kept on shouting "the ship is sinking! The ship is sinking" made me alot confused on what to do.

I live in a mantra that say
"dont count your problems, its too many. Instead make a solution on how those problems get lessen down"

I let myself get eaten by negative vibes lately.

Now its time to get back for real or I will let the ship completely sink.


Princess_Belle


Friday, April 1, 2016

Diary of a Goodbye Girl: Dear Mr. Destiny

Dear Mr. Destiny,

Hi! Alam kong excited ka nang makilala ako. Madami na bang na kwento si Ella tungkol sa akin? Yung batang yun oo, di mapigilan. Ilang beses nya kasi akong kinukulit na susulat siya sa'yo pero di ko pinapayagan. Kamakailan lang ako pumayag kasi naisip ko na tamang panahon na rin ata na makilala mo kami.

Natatakot ka ba? Sorry ah. Tingin ko nga mas lalong papangit ang image ng prinsesa pag nakilala mo kami. Sino ba naman ang magmamahal sa taong hindi normal? Sa taong may complex personality. Imagine di normal ang sumulat sa isang tao na di mo kilala. Ewan ko nga ba pati ako nasangkot sa kalokohang ito.

Ako nga pala si Samantha, kung si Marie, Ella at Eden ang puso ni Princess, ako ang utak nya. Sa lahat, ako ang pinaka busy. Hopes and dreams ako ng prinsesa. Yung pagkahilig nya sa music, baking, psychology ako lahat may pakana nun.

Pagdating sa love... Oo nga...

Love...

Sorry ah.

Di ko na ata alam kung ano yun.

Sige na hanggang dito nalang sulat ko. Dami ko pa kasing kailangang pirmahan na memo.

-- Samantha


Saturday, February 13, 2016

Diary of a Goodbye Girl: Dear Mr. Destiny

Dear Mr. Destiny

Kumusta ka na? Pasensya ka na ngayon lang ako ulit nakasulat sayo. Dumaan ang Christmas at New Year na di man lang kita nabati. Adavance Happy Valentines pala ah! Sana nasa mabuti kang kalagayan nasaan ka man ngayon. Maraming nangyari sa akin na ngayon ko lang mababanggit sayo.

Alam mo ba na ang writer pwedeng magkaroon ng 4 or higit pang pagkatao? Hindi ito yung sakit na DID or Dissociative Identity Disorder kasi nakakalimutan ng host ung ginawa ng mga personality nya pero somewhat ganun. Wag kang matakot wala pa naman akong sakit. Kaparehas lang ako ni Oh Ri-On sa Koreanovela na Kill me, Heal me. 

Actually, isa lang ako sa apat. Oo apat kaming magkakaibigan. Si Marie, Samantha, Eden at ako. Iba iba ang hilig namin pero iisa ang dahilan kung bakit kami nabuo. Kaming apat ang bumubuo ngayon sa isang prinsesa. 

Baka tamarin ka sa kwento ko pero sasabihin ko narin kasi di ko alam kung ito na ang huling sulat ko sayo.
Papakilala ko sayo kaming apat.

1.       Marie

Dati magkakasama kaming apat (meaning isa lang kami), si Marie ang pinaka “core trait” ni Princess kung sabihin na natin. Sobrang bait, di marunong humindi sa tao, laging inuuna yung iba at higit sa lahat madasalin. Active nga siya sa mga church activities pero aloof nga lang siya sa mga tao. Mas prefer nya kasi ang tahimik na lugar at favorite place nya ang adoration chapel ng simbahan. Iilan lang ang kaibigan nya pero kapag kaibigan mo siya, siya ang no. 1 mong tagapagtanggol. Akala nga namin magmamadre siya. Well, naisip na nya yun pero nagdadalawang isip pa siya. Naisip nya rin kasi na mukhang masaya din kasi ang magkaroon ng asawa. Alam mo ba Mr. Destiny, mahilig manuod ng kasal si Marie. Everytime na nagsisimba siya, tinitignan nya kung may bridal car sa labas ng church. Sabi nga niya before, “isa lang ang hihingin kong lalake Lord at hihintayin ko siya sa tamang panahon” Napaka hopeless romantic nya noh? Sa totoo lang nakakainis na minsan ang kabaitan nya kasi tina-take advantage na siya ng mga tao.

Circa 2000 mga ganung taon ata yun, nagkaroon ng crush si Marie. Kaibigan nya iyon at ok naman sila. Subalit mali lang ata talaga ang mga pangyayari. Di ko din alam kung may nagawa bang mali si Marie na nagalit ung kaibigan nya sa kanya at sinulatan sya ng masama. Or maybe everything went out of hand. Sa totoo lang ayaw na ayaw ni Marie na magkaroon ng bf nung nasa highschool siya. Naisip nya kasi na napakaraming responsibilidad ang kailangan nyang tuparin at ang love ay nasa huli ng listahan nya. Well since elementary palang may prinsipyo na siyang ganun (maniwala ka, di basta basta ang prinsesa) So, saan na ba ako? Ahhh so may sinulat sa kanya… nabasa mo ba ung sinulat ni Eden? Ung “Dear Georgetown”? yun ung nagpasimula ng lahat. Sabi sa sulat na ang kapal daw ng mukha niyang magkagusto sa tulad nyang gwapo. Pero kalmado parin si Marie nung mabasa nya dun. Kahit pa nga ung dine-dicate na kanta para sa kanya na Silvertoes, pinakinggan nya. Nagalit man siya, di siya nagwala. Iniyak nya lang lahat, kahit ni report nya yun sa homeroom teacher nila, walang nangyari. Siya parin ang talo. Kaya pinabayaan nalang niya kasabay sa pagpabaya nya sa pagtulo ng luha nya. Akala ko ok na subalit paggising ko, napagtanto ko na apat na kaming magkakahiwalay.

Sa sobrang stress ata, dahil never nagsorry si George sa kanya (so he really mean what he said) at dala narin ata ng sobrang lungkot, nabuo si Samantha, Eden at ako. Nagtago si Marie sa aming tatlo at siya na ang naging konsyensa nlng namin. Sa tuwing gagawa si Eden ng mga tragic novels, Sa tuwing parang sobrang boyish at feminist ako, at sa tuwing lalandi si Samantha, si Marie ang mistulang ate naming apat na pinagsasabihan kami kung ano ang tama. Lagi siyang may benefit of the doubt sa tao. Kahit nakatago man siya, lagi parin siyang nagpapaalala.
2.       Eden

Si Eden ang pinaka hopeless romantic sa aming apat. Siya ang creative/depressed/emotional/oversensitive part ng prinsesa. Si Eden ung part ni Marie na mahilig magsulat. Nung nabuo si Eden, natakot ako kasi tragic writer siya. Malungkutin, laging mapagisa, laging nagde-day dream. Siya kasi ang part ni Princess na “lost in love” kasi gusto nyang patunayan na mali si George, na alam nya na she deserves to be loved by someone; na pwede siyang magmahal at mahalin pabalik. Yun nga lang sa sobrang kakahanap nya, lagi siyang nabibigo. Lagi siyang disappointed. 

Ewan ko din kasi dito kay Eden, ang hilig mainlove. Ok lang naman sana; pero kasi, kung hindi may asawa ang lumalandi sa kanya, mali ang lalakeng napipili nya. Most kasi sa kanila… mas malandi pa pala sa kanya. Yes nabasa mo yun ng tama Mr. Destiny. Kung hindi taken na ung nagugustuhan ni Eden eh sa Pa-Men naman siya na-fa-fall. Sakit noh? Naaawa na nga ako sa kanya. Gusto nya talagang patunayan na mali ung sinabi sa kanya before pero kahit anong pilit nya, laging nagiging tama si George. Galit nga si Samantha sa kanya. Ilang beses na kasi pinagalitan ni Samantha si Eden at pinagsabihan na tigilan na niya ang mainlove. Na tigilan na niya ang paghahanap sayo kasi para kay Samantha, kung talagang nageexist ka, hahanapin mo si Princess. Hindi mo siya hahayaang magkaganito kaming lahat.

Minsan nga nagkataon na sobrang galit na si Samantha sinabihan nya si Eden.
“Alam mo, ilang beses ka na nade-deceive ng mga yan di ka parin natututo? Kung ligawan ka ng isa sa mga gusto mo, saka ko lang masasabi na totoong lalake yan. Nandito naman ako para balaan ka pero nakinig ka ba? Hindi. Kung alam mo lang kung gaanong kadaming pride na ang nilunok ni Princess dahil sa katangahan mo mainlove. Maiinlove ka na nga lang sa hindi pa straight. Hayaan mo sila ang mainlove sa’yo at hindi ikaw”

Natakot ako kay Samantha pero tama siya. Ilang beses na nga ba? Di parin napapagod si Eden. Or nagse-self destruct nalang si Eden kasi nasanay na siya na malungkot. Walang sinulat si Eden na happy ending. Sa tuwing nakikita kong nagsusulat siya, laging ung babaeng bida namamatay. Buti na nga lang napipigilan ni Marie si Eden sa tuwing inaatake siya ng depression.
3.       Ella

Matapos ang self-loathing na si Eden, ako naman ang limelight ngayon! Ako ang batang version ni Princess. Malambing, makulit, pala tawa, masayahin at kalog. Nakuha ko din ang pagkapilosopo ni Samantha. Madalas kong ginagawa yun. Minsan may naiisinis (pikon kasi) but most of the time, natatawa sila. Ako ung happy version ng lahat ng personality. Palakaibigan ako at tulad ni Eden, ako ang kaibigan na maasahan mo (di kita iiwan…promise!) Nuon, may pagkahilig ako sa arcades lalo na ung mga laro na gumagamit ng baril (pero wag kang matakot di ko kayang bumaril ng tao… zombies lang hehehe).

Mahilig ako sa sunshine at gusto ko, lagi akong may naiinspire na tao. Kapag naman “hyper mode ako” asahan mo mangungulit ako ng sobra. Problema lang kasi sa akin, mabilis akong ma-bore. Kaya kapag bored na ako at wala na akong magawa, nakakatulog ako. Ako din pala ang katambalan ni Samantha sa pagiging workaholic ni Princess. Writer din ako pero mga kilig love stories lang ang sinusulat ko at di tulad ni Eden na laging sad ang ending. Para kasi sa akin, minsan ka lang dadaan sa mundo so better to make the most out of it. Time is precious noh. Dapat walang sinasayang na oras. May pagka OC pa naman ako dun. Ayoko ng late at ayoko rin nalalate. I always keep promises hanggang sa makakaya kong tuparin.

Alam mo ba nang dahil sa akin, naging inspirational speaker is Princess. Ang dami kong ideas na na share sa mga peers ko. BTW, mahilig ako magbasa ng libro at makinig ng kahit na anong music. Dati mahilig akong kumapa ng piyesa sa keyboard pero kasi masyadong sensitive ung tenga ko sa tono, na mabilis uminit ulo ko kapag nagkakamali kaya di ako nagaral ng piano. Sana ikaw Mr. Destiny musically inclined ka para ako kakanta, ikaw ang magpapatugtog… romantic di ba?

Kapag naman sa love, tamang timpla lang ako. Tamang kilig lang. Pero marami din akong naging crush. Most nga lang sa kanila eh nasa TV hahaha! Remember, young at heart ako so superficial love ung nararamdaman ko; ung malabong magkatotoo. Pero most ng mga lalakeng crush ko ay may traits na hinahanap ni Princess sa lalake. At saka yung kilig moments na un ang ginagamit ko para mainspire si Samantha sa pagbake nya. Kapag nagagalit ang prinsesa, ako lagi ang taga rescue (galling ko noh) kahit anong inis at galit nya, kakatok lang ako at sasabihin sa kanya “uy, huminga ka… breath in, breath out and look for a solution to the problem not dwell on it” ganern! Hahaha

Alam ko Mr. Destiny curious ka kung sino si Samantha. Yun nga lang sinabi nya sa akin na wag ko muna siya i-kwento sayo kasi siya ngayon ang pinakabusy sa aming apat. Naiintindihan ko naman siya. Malaking gulo kasi ang ginawa ni Eden kaya walang choice si Samantha kundi ayusin lahat.

Wag kang magalala Mr. Destiny, pag pinayagan ako ulit magsulat, iku-kwento ko na siya sayo.
HAPPY VALENTINES DAY pala ulit. Kung may lovelife ka man ngayon, sana masaya ka. Wag mong intindihin ang prinsesa hanggang kaya ko pa pasayahin ang buhay niyang NBSB.
Hanggang sa muli!
Nagmamahal,

Ella