---- JS Prom ---
This I promise you
King and Queen of hearts 
Got to believe in Magic… 
Sa kinatagal tagal naming naghitay 
at na bored sa dance music, buti nalang naisipan ng mga teacher na magpatugtog 
ng love song.  JS prom kasi nuon at mahigpit ang school pagdating 
sa mga sayawan.  Muntik na ngang hindi magkaroon ng JS Prom dahil 
parami na raw ng parami ang mga fraternities sa loob ng campus.  
“Eden, Hindi ka ba sasayaw?” 
Napangiti nalang ako sa tinuran ng 
kaklase ko kasi sino nga naman ang makikisayaw sa tulad ko. Lahat halos ng 
kaklase ko ay kampi kay George at parang ako pa ang may kasalanan sa lahat ng 
nangyari. Nakaupo lang ako sa isang tabi nang biglang
“Pwede ba kitang 
isayaw?”
Nakita kong may kamay na tumambad sa 
harap ko.  Inaalok akong sumayaw ni Michael, isa sa mga kaklase ko 
at mabuting kaibigan namin ni George.  
Tinanggap ko ang alok niya at 
sumayaw kami.  Buti nalang at mga mag-iisang oras na nagpapatugtog 
ng slow music kaya napagod na ang mga bantay na nagru-ruler sa layo ng mga 
mananayaw. 
“Nagusap na kayo ni 
George?”
Parang gusto ko mainis ng oras na 
yon.  Come on! JS Prom dib a? bakit si George ang usapan. Umiling 
lang ako at ngumiti. Maya maya pa ay inabot niya ang kmay ko sa isang lalake 
para magkapalit ako ng kapareha. Laking gulat ko na si George ang kasayaw 
ko.  Gusto kong umalis pero pinipigilan ako ng mga paa ko.  
Gusto kong suntukin siya or sampalin pero naawa ang puso ko.  
Kahit masakit, nagawang tiisin ng sarili ko ang lahat dahil may pagtingin 
ako sa kanya.
“Musta ka na?” 
Hindi ko alam, kung nang – aasar si 
George o wala lang siya maisip na sabihin sa akin.  
“San mo pala balak 
mag-college?”
Nagulat ako sa tinuran niya.  
Nagkaroon pa siya ng interes na malaman kung saan ako magaaral at kung 
anong kurso ang kukunin ko.  
“sa UST ako, Communication 
Arts”
“Ganun ba? Ako sa UP kukuha ako ng 
veterinary” sambit niya
Matagal din ang sayaw naming 
dalawa.  Subalit sa paguusap naming habang nagsasayaw, isang salita 
ang hindi ko narinig.
SORRY..
Yun lang at ok na ako.  
Yun lang at agad kong makakalimutan ang lahat ng pait na sinabi nya sa 
akin nuon.  Yun lang at panatag na ako.  Pero hindi ko 
narinig ang salitang “Sorry”
Bumalik ako sa kinauupuan ko na 
inis.  Pinagsisihan ko na pumayag ako makipagsayaw sa kaibigan niya 
at sa kanya. Maya maya, nakarinig kami ng putok sa bandang CR ng 
eskwelahan.
BOOM!
Nagpaputok ng pillbox ang mga 
fraternity sa school.  Talk about ang mga pampasira ng moment at 
mga taong bitter sa mga buhay nila. Nagtakbuhan ang mga estudyante at kahit 
gaano ako ka-kalmado ng oras na iyon ay natangay ako ng stampede.  
Natanggal ang isa kong pink na stiletto.  Sinubukan kong 
bumalik subalit pinipigilan na kami ng aming mga guro at lahat kami ay pinalabas 
ng eskwelahan.  Naisip ko naman na marahil makukuha ko rin naman 
yun mamaya.  
Wala akong nagawa matapos ng ilang 
minuto ay pilit na kaming pinapauwi.  Yung mga bag daw na naiwan, 
ay pwedeng kunin bukas.  Tinanong ko sa teacher ko paano yung 
kapares ng sapatos ko ang sabi lang sa akin ay kapag nakita ilalagay nalang sa 
lost and found.
Dalawang araw matapos ang insidente 
(dahil Friday ginanap ang JS) pumunta ako sa lost and found ng school.  
Halos maiyak ako dahil wala sa mga gamit ang nawawala kong 
sapatos.  Ito pa naman ang pinakapaborito kong pares ng stiletto at 
ngayon, kailangan kong tanggapin na wala na ang kapareha nito.. 
---- ngayon --- 
“Eden! Aalis na 
tayo.”
“Nandyan 
na!”
Pupunta kami ng Batangas 
 ngayon. Napilit ako nina Anne na sumama kahit labag sa loob 
ko.  Moment to relax and unwind ang pinipilit niyang rason ko para 
sumama.  Lingid sa alam ko na hindi kasama si Gian.  
Nakaimpake na ako’t lahat nang malaman ko ito. Nakita ko kasi siya sa 
sasakyan.
“Lagot ka sa 
akin mamaya Anne”  banta ko sa kaibigan 
matapos niyang ilihim ang lahat sa akin.
Ngumiti lang ang kaibian ko na 
parang walang nangyari.  Pinlano na nila ang hakbang na iyon para 
lang makasama ako sa outing. Pagkaakyat ko sa van ay iisa na lamang ang upuan na 
natitira katabi si Gian
“Bakit puno 
na?”
Stupid ng tanong ko di ba?  
Tumabi ako kay Gian ng walang imik. 
Para sa iba ang oras na iyon at mistulang pinakamagandang tagpo sa isang 
teleserye. Subalit para sa akin, halos isa itong “trauma”
Kung kelan ka umiiwas sa isang tao 
para makalimutan ito, ang dami naming pilit na naglalapit sa inyo.  
Wala akong imik na tumabi sa 
kanya.  Ngumiti lang ako subalit halo ng saya at lungkot ang 
nararamdaman ko.  Nakatuon na kasi ako sa career ko pero eto na 
naman ang pagkakataon na magkakasama kami
Alam ni Anne na pinipilit ko na 
syang kalimutan pero kaibigan ko din ang pasimuno para magkasama kami. 
3 oras ang tinakbo ng sasakyan. 
Nakarating din kami sa Batangas. Masayang nagbabaan ang buong grupo.  
Ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko, lalo na ngayon na kasama ko ang 
isang tao na nakaka-ilangan ko.
Ayokong sayangin ang magandang 
resort ng dahil sa isang tao.  Kaya pagdating namin sa cottage, 
agad akong nagpalit at sumuong agad sa tubig di ko na ata napansin ang oras 
dahil sumunod narin si Anne pagkalabas ko.  Halos 6:00 na ng gabi 
nang makabalik kami sa cottage. 
Pagkatapos ng hapunan ay nagligpit 
ako ng gamit ko. Nagmadali kasi ako magimpake dahil halos last hour nalang 
nagsabi sa akin si Anne na tuloy ang team outing.  Pagkabukas ko ng 
gamit ko, nakita ko ang nagiisang kapares ng stiletto na nawala nung JS. Hindi 
ko rin alam kung paano napunta yun duon pero sa imbes na isipin ko kung paano 
ito nasama, ay biglang nakaramdam ako ng matinding lungkot.  
Naalala ko tuloy ang nangyari nuon. Ang sapatos na iyon ang nagsilbing 
puso ko na nahati sa dalawa…. Na hanggang sa ngayon ay nawawala parin ang 
kapares.
Tumakbo ako palabas ng cottage. Agad 
akong pumunta sa may dalampasigan at saka ibinato ang stiletto sa 
dagat.
“Hindi ko na makikita ang kapares 
mo! Mas mabuti na mawala ka na din para din a rin nasasaktan ang puso 
ko”
Nang tinapon ko ito, biglang may 
tumapik sa likod ko. 
“Hoy! Anong ka dramahan nanaman ang 
ginagawa mo?” 
Nagulat ako nang Makita ko si Gian 
sa aking likuran.  Hindi ko inaasahan na nandun pala 
siya.
“bakit mo tinapon yung stiletto?” 
tanong niya
“wala yun.  Patapon na 
talaga yun” 
“Ha? Eh bakit sa dagat mo pa 
tinapon?”
“Wala lang. Naisip ko rin kasi na 
hilig ko ang tubig.  Parang puso ko lang yung sapatos nayan.  
Hahayaan ko nalang lumubog dahil hindi ko na makikita ang taong para sa 
akin.” Sambit ko
“Grabe ka naman.  
Darating din ang taong iyon para sa iyo.  Huwag ka kasing 
suplada”
Biglang tumaas ang kilay ko sa 
sinabi ni Gian.  Ako na kilalang mabait at sweet sa opisina, 
magiging suplada.
Maya – maya ay biglang nahulog ang 
stiletto sa harapan namin. Nagitla ako dahil alam kong tinapon ko na ito at 
umaasang hindi ko na makikitang muli.
“Miss, masamang magtapon ng basura 
sa dagat. Kaya dumudumi ang mga dagat ang ilog dahil sa mga katulad 
mo.”
Hindi ko maanigan ang lalakeng 
nagsasalita. Biglang nagpanting ang tenga ko at bigla tuloy akong 
nakapagsalita.
“Excuse me, sa kung inaakala mo na 
kalat ang tinapon ko, pwede pa naming maging bahay ng mga isda yan ah.  
Hindi yan lulutang dahil may kabigatan ang stiletto nay 
an.”
SAglit pa ay bigla akong kinurot ni 
Gian sa balikat na parang may gusting sabihin.  Hindi ko ito 
pinansin at patuloy ako na nagsalita sa lalakeng kaharap ko.
“Oo mali na kung mali na tinapon ko 
yan.  Hindi mo lang kasi alam yung dahilan kung bakit ko tinapon 
yan sa dagat. Gusto kong sumama na sa alon ang mga alaaala 
nyan.”
“Ganun mo nalang gustong makalimutan 
ang nakaraan mo? Kahit itapon mo yan, hindi rin makakatulong yan kasi ung bagay 
lang ang tinapon mo, pero sa puso mo, kinikimkim mo parin ang masamang alaala 
kung ano man yun”
Natigilan ako sa sinabi ng lalake sa 
akin.  Kahit papaano ay tama siya. Ako ang dapat kumalimot ng 
nakaraaan at dapat hindi ko binunton sa paborito kong sapatos ang 
lahat.
Umalis ang lalake habang ako ay 
nangingilid na ang aking luha.  Bigla akong hinatak ni Gian at 
inalog alog na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
“Eden! Kilala mo ba yung sinagot 
sagot mo kanina?”
“Hindi..”
“siya yung bagong boss natin. Si 
Jonathan.” 
“Ano?”
Bigla kong niyakap si Gian at 
umiyak…
 





