Monday, October 10, 2011

NSNC: Diary of a Goodbye Girl




I've been so alone all my life, 

I couldn't give my heart to anyone...

Hiding myself was a one 

who needed to be held like anyone

Matapos ang walkout ko kay Anne nung isang araw, hanggang sa ngayon hindi kami masyadong naguusap ng matagal. Lagi niya kasi sinisingit si Gian sa usapan.  Ayokong maiungkat nanaman niya ang nakaraan sa akin at tanungin kung gusto ko yung tao.  Sapat na na ako ang nakakaalam  at wala nang iba.

"Eden!" narinig ko ang malakas na boses ni Anne sa hallway 

Sasakay na sana ako sa elevator nang pinigilan niya ako at hinila para hindi makasakay.  

"Ano ba problema mo? Hindi ko alam kung umiiwas ka ba or talagang busy ka lang" dagdag niya

Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya.  Ayokong magsinungaling pero hindi ko rin nanaisin na kulitin ako kung ano man ang bumabagabag sa utak ko.  Maya - maya pa ay nagsimula na siya sa pagsermon sa akin.  

“alam mo dapat sinasabi mo rin kasi kung ano ang nasa saloobin mo. Hindi naman ata tama na sinasarili mo ang isang problema at iiyakan mo nalang din magisa.  Mas masarap parin ang pakiramdam na may kausap ka at may kadamay ka sa lungkot mo..  Ano ba talaga kasi ang bumabagabag sayo?”

Wala akong sinagot sa mga tanong niya tinignan ko lang siya na parang hindi ako nakikinig.  Bigla niya akong hinatak malapit sa station namin. Nainis na ata ako sa pangungulit niya nang bigla kong sabihin sa kanya

“Hindi mo kailangan problemahin ang nararamdaman ko kay Gian.  Kaibigan ko siya at alam ko naman na darating ang panahon na aalis din siya. People come and go Anne, ok”

Natigilan ang kaibigan ko sa mga nasambit ko.  Hindi niya inaasahan na tama ang hinala niya na may gusto ako sa kaibigan ko. 

“Girl, sorry.  Hindi ko naman sinasadya.  May kutob nga ako na may nararamdaman ka kay Gian pero  hindi inaasahan na totoo pala yun"


Sabi ko: “Anne, mas mabuti na ako lang ang nakakaalam.  Puso ko lang ang masasaktan. Walang ibang tao na aasa at bibiro sa akin.”

“Pero hindi naman siya tulad ng iba ah”

Agad kong hinawakan ang balikat ng kaibigan ko sabay sabi, 

“Pareparehas lang sila”

The days moved into years, I looked forward between the tears.
It never ever found me, never ever found me...

Naalala ko ang mga kaibigan ko na minsan minahal ko pero nagpaalam din. 

---- John----
John: “Congratulations! Graduate na!”
Eden: “Magkikita pa naman tayo sa MULTI diba?”
John: “I’ll be leaving for states na..”

---Charles----
Charles: “magreresign na ako eh.”
Eden: “kelang effectivity?
Charles: “ngayon…”

Iilan lang sila.  Ang iba, kahit hindi ko naging crush or infatuated ay mahal ko parin bilang kaibigan. Naramdaman ko na ang sikip ng dibdib ko.  Parang gusto na nitong sumabog at ang mga mata ko ay nangingilid na ng luha.  Buti nalang at walang tao sa floor dahil ayoko rin gumawa ng eskandalo. Sinabi ko sa kaibigan ko

“Mabuti kung ititigil ko na to. Nahihibang lang ata ako kasi mabait siya at ang atensyon na binigay niya sa akin ay hindi ko nakuha sa iba. Pero kailangan ko parin bumalik sa katotohanan ang lahat ay pansamantala lamang.”

Pagtalikod ko, nabangga ko ang isang lalake.

“Gian?”

“Tama ba narinig ko?”

Nakatitig ako sa kanya.  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.  Natigilan ako at parang na-pipi ng nakita siya. Agad akong umalis.  Oo, parang sa mga teleserye and nangyari at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Ano bang dapat kong malaman?”

“Wala…”

Umalis ako nang hindi ako nagpapaliwanag sa kung ano man na narinig niya o kung ano man ang nangyari kanina.  Bumaba ako ng elevator, pigil ang pagiyak.  Agad akong pumunta sa malapit na restroom at duon ko iniyak ang lahat.  Sinabi ko sa sarili ko.

“Magpapaalam ka rin sa akin.  Bago pa mangyari yun, ako na ang lalayo”




0 comments:

Post a Comment