Monday, October 3, 2011

NSNC: Sleep mode


6:30 ang pasok ko.. 2:45 palang, nagising na ako dahil balak kong kumain ng waffle.  Bwiset nakatulog ako ulit.


"uy Eden, papasok ka ba? 5:00 na" 


Nagulat nalang ako bigla akong gisingin ng kapatid ko. Nasanay kasi ako na alarm clock lang ang gumigising sa akin. Naalimpungatan ako at tumakbo akong bigla para maligo. Nadadagdagan ang gulat ko sa katawan nang marealize ko na malamig pala ang panligo ko.  Nasanay kasi ako na nagiinit ako ng tubig para panligo kapag maaga ang pasok ko. 


Natapos din ang pangumaga kong ritwal sa tulong ng aking kapatid.  Lumabas ako ng bahay at nakita kong may bakas ng basa sa kalsada.  Umulan nanaman ata nung madaling araw. Agad akong sumakay sa jeep na dumating sa tapat ng bahay namin. Mahirap narin kasi ang malate at baka mapagalitan pa ako ng TL ko.  


Sa loob ng jeep lahat ng tao, mapungay ang mga mata.  Parang lahat pagod sa kakalayas kahapon dahil nga Linggo.  Pinilit kong gisingin ang sarili pero talo talaga ako.  Inabot pa rin ako ng antok at saglit nang naidlip sa loob ng sasakyan.  


Pagkatapos ng 30minutong byahe ay nakarating na ako sa opisina.  Pagkapasok ko palang sa pinto ay ramdam ko na ang lamig na nakakapanghalina para ako ay makatulog. Nakakatawa dahil Lunes at dapat ay punong puno ka ng sigla para sa buong linggo pero heto ako at dinadalaw na naman ng antok.


Tumabi ako sa kasama kong si Gian. Isa siya sa magagaling sa acct naming at alam ko na magigising ako kapag katabi ko siya.  Likas na kasi sa kanya ang pagiging makulit at hindi rin ito nauubusan ng kwento.  


Pagkatabi ko sa kanya, iba agad ang naramdaman ko.  Parang hindi ito ang Gian na kilala at gusto ko.  Tahimik kasi siya nang dumating ako at isang mabilis na bati lang ang natanggap ko.


"hi" 


Eto lang narinig ko mula sa kanya.  Naisip ko tuloy, parang hindi magiging maganda ang takbo ng araw ko ngayon.  Tahimik ang katabi ko at mukhang uinaantok. 



Maya -maya pa ay biglang may ilaw na tumatapat sa akin.  Gusto ko na sanang awayin ung taong nagiilaw sa akin dahil nga masakit sa mata.  Paglingon ko, si Gian pala ang taong iyon at nagsisimulang kulitin ako.  



"akin na nga yan! Hahaha"



Pilit kong inaagaw sa kanya ang flashlight. Nakakatawa kasi pilit nya talaga akong iniilawan na parang disco lights lang. Iyon na ata ang pinakamasayang minuto ko habang nasa opisina.  Sa tuwing tumatahimik ako, nagagawa nya akong patawanin... 


Bigla ko tuloy naisip ang ilang taon na nakalipas. Lagi kong hinahanap ang taong may hawak ng kalahating pares ng stiletto ko.  Napagod na ako sa kakahanap; sana ung lalakeng kanina pa ay iniilawan ako ang may hawak nun...


Natapos ang araw na kasabay ko siya hanggang sa sakayan.  Isang saglit ng beso -beso ang natanggap ko at nagpaalam na kami. Bukas ulit, panibagong araw, panibagong pagkakataon para malaman ko kung siya na nga ang prince charming ko... 






Princess Belle

0 comments:

Post a Comment