Monday, October 17, 2011




Love... parang elevator... bakit nga naman natin pagsisiksikan ang mga sarili natin sa isang tao na wala ka naman palang espasyo sa puso nila. Eto ang usual dilema ng mga tao, often resulting to "third party" bakit? kasi magtatake - advantage ang isa for you know... reasons pero ang mahal nya parin is yung original.  Gulo di ba?  ganun na ata talaga ang relasyon... meant na maging magulo... pero oo nga naman sa imbes na elevator na hindi ka makasakay, bakit hindi nalang maghagdan. Good for the heart pa yan kasi may physical activity at sure na pinaghirapan... at ito ang pagmamahal na hindi minadali. Hehe.


Marahil nga hindi talaga madaling turuan ang puso na gumawa ng tama.  Kahit mali, inconvenient at kung ano ano pa ay kayang suongin para lang makasama ang taong ninanais. Kudos sa lahat ng inlove, maiinlove at sa mga naiwanan at nasaktan, OK lang yan.  Siguro may dahilan si God para sayo kaya nya tinanggal sa buhay mo ang taong pwedeng pagmulan ng sakit sa ulo mo. Reason bakit nauso ang alternatives kagaya ng alternative medicine, LPG na pang - replace sa langis, Boteng kisame at kung ano ano pa... ang love, parang elevator.... kelangan mo ng tamang pagkakataon at saka panahon para makasakay ka o kaya naman gumamit ng hagdan kapag di ka talaga kasya.


Princess_Belle

0 comments:

Post a Comment