Thursday, October 27, 2011

always something there to remind me

sa labas, nanunuod ang mahal kong tatay ng cable... palabas, old skul... di ko alam ng title pero alam ko, bata pa si Gov. Vilma, bootcut ang jeans at mahigpit ang mga polo ng mga lalake... ilang linggo narin pala ako di nakakapagblog. paano nga naman isang maliit na keyboard ang kalaban ko. haaayy! sira kasi ang keyboard ng baby ko.. di kaya ng togmolodon o kya ng yakapsul. Sabi ng technician, major surgery daw ang kelangan ng laptop ko... masama talaga... tsktsktsk

pero napatunayan ko rin na mahirap kalabanin ang sarili kapag inatake ng topak. kaya habang naririnig ko sa labas ang kwetuhan ni Vilma at ni Romeo Vasquez (salamat kay papa) naisipan ko na makinig ng old skul din na music.. hahaha 

buti pala lumabas din ako kasi muntik na akong maubusan ng papaya... tsktsktsk... haay belle pagkain nga naman.  di ko maiwasan na makinuod sa tatay ko.  kasi naman magkwento daw ba kung gaano kaganda ng manila at ng makati nuon.. well as i see it, oo nga mas maganda nga ang kalsada nuon.  Nakakamiss... hindi ko man to naranasan or nakita nanghihinayang ako kasi ang ganda pala talaga ng luneta nuon... haay thats life things change.

pero kung tataungin nyo ako bakit ko naisulat ang blog na ito ay kahit ako hindi ko yan masasagot.... may mga  bagay lang ata na nagpaalala sa kanya or mistulang guni guni ko lang...

ok na sana eh... natakot tuloy ako kasi mahirap nang matsismis hehehehe

0 comments:

Post a Comment